Sa pangkalahatan, ang niknik o kagaw (Ingles: gnat) ay tumutukoy sa mga kulisap na sumisipsip ng dugo. Ngunit maaari rin itong tumukoy sa maraming mga espesye ng mga kulisap na lumilipad na nasa Dipterid sa suborden na Nematocera, natatangi na ang mga nasa loob ng mag-anak na Mycetophilidae, Anisopodidae, Sciaridae, at Culicidae. Ang karaniwang niknik ay pantukoy para sa espesyeng Culex pipiens.[1]

Isang niknik mula sa Micrographia ni Robert Hooke, 1665

Ang mga lalaking niknik ay kadalasang nagpapangkat-pangkat upang maging kuyog na makikpagtalik, partikular na sa pagsapit ng dapit-hapon.[kailangan ng sanggunian] Ang larba ng niknik ay karamihang namumuhay na mag-isa at ang ilan ay kulisap na pantubig. Karamihan sa mga uod na ito ay nanginginain ng halaman, bagaman mayroon din namang kumakain ng karne. Ang mga larbang kumakain ng halaman, katulad ng langaw na Hessiano ay nakapagdurulot ng pagkakaroon ng mga "apdo" sa mga ugat, mga tangkay, o mga dahon ng halaman pinaninirahan. Ang ilang mga espesye ng mga niknik ng halamang-singaw mula sa mga pamilyang Mycetophilidae at Sciaridae ay mga peste ng mga kabute at ng mga ugat ng mga halamang nakapaso sa mga tahanan at mga bahay-lunti.

Ang ilang mga orkidyang Pleurothallid sa Timog Amerika ay pinupolinahan ng maliliit na mga niknik at nagkakaroon ang mga orkidyang ito ng maliliit na mga bulaklak.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin