Lamok
Ang lamok (Ingles: mosquito) ay isang espesye ng insekto ng maliliit na Diptera sa loob ng Culicidae. Mayroong 3,000 espesye ng lamok sa mundo. Ito ay itinuturing na peste na nagdadala ng mga nakakamatay na sakit sa mga tao at hayop
Lamok | |
---|---|
Female Culiseta longiareolata | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Arthropoda |
Hati: | Insecta |
Orden: | Diptera |
Superpamilya: | Culicoidea |
Pamilya: | Culicidae Meigen, 1818[1] |
Subfamilies | |
Dibersidad | |
41 genera |
Ebolusyon ng lamok
baguhinAng pinakamatandang fossil ng lamok ay mula 79 milyong taon ang nakakalipas bagaman naniniwala ang mga siyentipiko na ang mga lamok ay unang lumitaw noong 226 milyong taon ang nakakalipas. Noong 2019, natuklasan ng mga siyentipiko ang sang bagong espesye ng lamok sa isang amber mula sa Myanmar at pinaniniwalaang mula sa panahong Kretaseyoso noong mga 145 hanggang 65 milyong taon ang nakakalipas. Ayon sa mga entomologo, noong 10,000 taon ang nakakalipas, ang pagkagat ng lamok sa mga tao ay walang pakinabang sa mga lamok bago ang pagunlad ng agrikultura at sedentaryong lipunan ng tao. Ayon rin sa mga siyentipiko, ang ebolusyon ng mga lamok ay nauugnay sa kasaysayan ng pag-iral ng tao. Ang mga lamok ay nag-ebolb kasabay ng pagbabago sa pamumuhay ng mga tao. Ang maliit na praksiyon ng mga lamok ay nag-ebolb ng espesyalisasyon upang kumagat sa mga tao at ito ang responsable sa karamihan ng mga sakit na dala dala ng lamok sa buong mundo.[2] Sa pagkukumpara ng mga gene ng mga lamok, ang lamok na Aedes aegypti ay nag-ebolb sa mga ninuno nito sa mga isla ng katimugang kanlurang Karagatang Indiyano noong 7 milyog taon ang nakakalipas. Ang mga lamok na ito ay lumaganap mula sa mga kapuluan tungo sa Aprika noong mga 25,000 hanggang 17,000 taon ang nakakalipas. Sa isang pag-aaral ng datos na kinabibilangan ng 1.38 bilyong baseng pares na naglalaman ng mga 15,419 gene na nagkokodigo ng mga protina, ang sekwensiya ay nagpapakitang ang Aedis aegypti ay humiwalay mula sa Drosophila melanogaster hoong 250 milyong taon ang nakakalipas at ang Anopheles gambiae at ang espesyeng ito ay naghiwalay noong 150 milyogn taon ang nakakalipas.[3][4] Natuklasan nina Matthews et al. noong 2018 na ang A. aegypti ay nagdadala ng malaki at iba't ibang bilang ng mga elementong transposable. Ang analisis ay nagmumungkahing ito ay karaniwan sa lahat ng mga lamok.[5]
Mga kasapi ng lamok
baguhinAng mga lamok ay kasapi ng pamilyang langaw na nematoceran. Ang mga subpamilya ng lamok ang Anophelinae at Culicinae. Ang mga lamok ay inuuri sa 112 genera.
Subpamilyang Anophelinae
baguhin- Subgenus Anopheles Meigen, 1818
- Subgenus Baimaia Harbach, Rattanarithikul and Harrison, 2005
- Subgenus Cellia Theobald, 1905
- Subgenus Kerteszia Theobald, 1905
- Subgenus Lophopodomyia Antunes, 1937
- Subgenus Nyssorhynchus Blanchard, 1902
- Section Albimanus
- Section Argyritarsis
- Section Myzorhynchella
- Subgenus Stethomyia Theobald, 1902
- Genus Bironella Theobald, 1905
- Subgenus Bironella Theobald, 1905
- Subgenus Brugella Edwards, 1930
- Subgenus Neobironella Tenorio, 1977
- Genus Chagasia Cruz, 1906
- Genus Aedeomyia
- Subgenus Aedeomyia
- Subgenus Lepiothauma
- Genus Abraedes
- Genus Aedes
- Genus Alanstonea
- Genus Albuginosus
- Genus Armigeres
- Subgenus Armigeres
- Subgenus Leicesteria
- Genus Ayurakitia
- Genus Aztecaedes
- Genus Belkinius
- Genus Borichinda
- Genus Bothaella
- Genus Bruceharrisonius
- Genus Christophersiomyia
- Genus Collessius
- Subgenus Alloeomyia
- Subgenus Collessius
- Genus Dahliana
- Genus Danielsia
- Genus Diceromyia
- Genus Dobrotworskyius
- Genus Downsiomyia
- Genus Edwardsaedes
- Genus Eretmapodites
- Genus Finlaya
- Genus Fredwardsius
- Genus Georgecraigius
- Subgenus Georgecraigius
- Subgenus Horsfallius
- Genus Gilesius
- Genus Gymnometopa
- Genus Haemagogus[6]
- Subgenus Conopostegus
- Subgenus Haemagogus
- Genus Halaedes
- Genus Heizmannia
- Subgenus Heizmannia
- Subgenus Mattinglyia
- Genus Himalaius
- Genus Hopkinsius
- Subgenus Hopkinsius
- Subgenus Yamada
- Genus Howardina
- Genus Huaedes
- Genus Hulecoeteomyia
- Genus Indusius
- Genus Isoaedes
- Genus Jarnellius
- Subgenus Jarnellius
- Subgenus Lewnielsenius
- Genus Jihlienius
- Genus Kenknightia
- Genus Kompia
- Genus Leptosomatomyia
- Genus Lorrainea
- Genus Luius
- Genus Macleaya
- Subgenus Chaetocruiomyia
- Subgenus Macleaya
- Subgenus Mucidus
- Subgenus Lewnielsenius
- Genus Neomelaniconion
- Genus Ochlerotatus
- Subgenus Acartomyia
- Subgenus Buvirilia
- Subgenus Chrysoconops
- Subgenus Culicelsa
- Subgenus Empihals
- Subgenus Geoskusea
- Subgenus Gilesia
- Subgenus Levua
- Subgenus Ochlerotatus
- Subgenus Pholeomyia
- Subgenus Protoculex
- Subgenus Pseudoskusea
- Subgenus Rhinoskusea
- Subgenus Rusticoidus
- Subgenus Sallumia
- Genus Opifex
- Subgenus Nothoskusea
- Subgenus Opifex
- Genus Paraedes
- Genus Patmarksia
- Genus Phagomyia
- Genus Pseudarmigeres
- Genus Psorophora
- Subgenus Grabhamia
- Subgenus Janthinosoma
- Subgenus Psorophora
- Genus Rampamyia
- Genus Scutomyia
- Genus Skusea
- Genus Stegomyia
- Genus Tanakaius
- Genus Tewarius
- Genus Udaya
- Genus Vansomerenis
- Genus Verrallina
- Subgenus Harbachius
- Subgenus Neomacleaya
- Subgenus Verrallina
- Genus Zavortinkius
- Genus Zeugnomyia
- Genus Culex
- Subgenus Acalleomyia
- Subgenus Acallyntrum
- Subgenus Aedinus
- Subgenus Afroculex
- Subgenus Allimanta
- Subgenus Anoedioporpa
- Subgenus Barraudius
- Subgenus Belkinomyia
- Subgenus Carrollia
- Subgenus Culex
- Subgenus Culiciomyia
- Subgenus Eumelanomyia
- Subgenus Kitzmilleria
- Subgenus Lasiosiphon
- Subgenus Lophoceraomyia
- Subgenus Maillotia
- Subgenus Melanoconion
- Subgenus Micraedes
- Subgenus Microculex
- Subgenus Neoculex
- Subgenus Nicaromyia
- Subgenus Oculeomyia
- Subgenus Phenacomyia
- Subgenus Phytotelmatomyia
- Subgenus Sirivanakarnius
- Subgenus Tinolestes
- Genus Deinocerites
- Genus Galindomyia
- Genus Lutzia
- Subgenus Insulalutzia
- Subgenus Lutzia
- Subgenus Metalutzia
- Genus Culiseta
- Subgenus Allotheobaldia
- Subgenus Austrotheobaldia
- Subgenus Climacura
- Subgenus Culicella
- Subgenus Culiseta
- Subgenus Neotheobaldia
- Subgenus Theomyia
Tribe Ficalbiini
baguhin- Subgenus Etorleptiomyia
- Subgenus Ingramia
- Subgenus Mimomyia
Tribong Hodgesiini
baguhin- Genus Hodgesia
Tribong Mansoniini
baguhin- Genus Coquillettidia
- Subgenus Austromansonia
- Subgenus Coquillettidia
- Subgenus Rhynchotaenia
- Genus Mansonia
- Subgenus Coquillettidia
- Subgenus Mansonioides
Tribong Orthopodomyiini
baguhin- Genus Orthopodomyia
- Genus Isostomyia
- Genus Johnbelkinia
- Genus Kimia
- Genus Limatus
- Genus Malaya
- Genus Maorigoeldia
- Genus Onirion
- Genus Runchomyia
- Subgenus Ctenogoeldia
- Subgenus Runchomyia
- Genus Sabethes
- Subgenus Davismyia
- Subgenus Peytonulus
- Subgenus Sabethes
- Subgenus Sabethinus
- Subgenus Sabethoides
- Genus Shannoniana
- Genus Topomyia
- Genus Trichoprosopon
- Genus Tripteroides
- Subgenus Polylepidomyia
- Subgenus Rachionotomyia
- Subgenus Rachisoura
- Subgenus Tricholeptomyia
- Subgenus Tripteroides
- Genus Wyeomyia
- Subgenus Antunesmyia
- Subgenus Caenomyiella
- Subgenus Cruzmyia
- Subgenus Decamyia
- Subgenus Dendromyia
- Subgenus Dodecamyia
- Subgenus Exallomyia
- Subgenus Hystatamyia
- Subgenus Menolepis
- Subgenus Nunezia
- Subgenus Phoniomyia
- Subgenus Prosopolepis
- Subgenus Spilonympha
- Subgenus Wyeomyia
- Subgenus Zinzala
Tribong Toxorhynchitini
baguhin- Genus Toxorhynchites
- Subgenus Afrorhynchus
- Subgenus Ankylorhynchus
- Subgenus Lynchiella
- Subgenus Toxorhynchites
Tribong Uranotaeniini
baguhin- Genus Uranotaenia
- Subgenus Pseudoficalbia
- Subgenus Uranotaenia
Tagapagdala ng sakit
baguhinAng mga lamok ay mga vector o tagapagdala o nagpapasa ng maraming mga sakit na sanhi ng mga virus at parasito. Kabilang sa mga sakit na dala dala ng mga lamok ang malaria, dengue, West Nile virus, chikungunya, yellow fever, filariasis, tularemia, dirofilariasis, Japanese encephalitis, Saint Louis encephalitis, Western equine encephalitis, Eastern equine encephalitis,[7] Venezuelan equine encephalitis, Ross River fever, Barmah Forest fever, La Crosse encephalitis, and Zika fever,[7] gayundin ang bagong natukoy na Keystone virus at Rift Valley fever. Walang ebidensiya na ang COVID-19 ay maipapasa ng kagat ng lamok sa tao o kahit ang HIV.[8][9]
Ang kagat ng mga babaeng lamok ng genus na Anopheles ay nagdadala ng parasitong malaria. Ang apat na espesye ng protozoa na nagsasanhi ng malaria ang Plasmodium falciparum, Plasmodium malariae, Plasmodium ovale at Plasmodium vivax[10] (see Plasmodium). Sa buong mundo, ang malaria ang pangunahing sanhi ng maagang kamatayan lalo na sa mga bata sa ilalim ng edad na lima na may 207 milyong kaso ang higit sa kalahting milyong kamatayan noong 2012. Ang kamatayan sa kagat ng lamok na nagsanhi ng malaria ay umabot ng isang milyong noong 2018 ayon sa American Mosquito Control Association.[11]
Ang ilang espesye ng lamok ay nagsasanhi ng uod na filariasis na isang parasitong nagsasanhi ng elephantiasis na nagdudulot ng kapansanan sa mga tao.
Ang mga sakit na virus na yellow fever, dengue fever, Zika fever at chikungunya ay dulot ng kagat ng mga lamok naAedes aegypti mosquitoes.
Ang ibang mga sakit gaya ng epidemic polyarthritis, Rift Valley fever, Ross River fever, St. Louis encephalitis, West Nile fever, Japanese encephalitis, La Crosse encephalitis at ilang encephalitis ay sanhi ng ilang lamok. Ang Eastern equine encephalitis (EEE) at Western equine encephalitis (WEE) ay nangyayari sa Estados Unidos na nagsasanhi ng sakit sa mga tao, kabayo at ibon. Dahil sa mataas na kamatayan sa mga sakit na ito, ang EEE at WEE ay itinuturing na pinakaseryosong sakit sa Estados Unidos. Ang mga sintomas nito ay transkaso, coma at kamatayan.[12]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Harbach, Ralph (November 2, 2008). "Family Culicidae Meigen, 1818". Mosquito Taxonomic Inventory. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 3, 2022. Nakuha noong Agosto 5, 2022., see also Valid Species List Naka-arkibo 2022-03-15 sa Wayback Machine.
- ↑ https://www.princeton.edu/news/2020/07/23/taste-humans-how-disease-carrying-mosquitoes-evolved-specialize-biting-us#:~:text=%E2%80%9CThey%20evolved%20in%20response%20to,to%20specialize%20in%20biting%20humans.
- ↑ Heather Kowalski (May 17, 2007). "Scientists at J. Craig Venter Institute publish draft genome sequence from Aedes aegypti, mosquito responsible for yellow fever, dengue fever". J. Craig Venter Institute. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-07-15. Nakuha noong 2007-05-18.
- ↑ Vishvanath Nene; Jennifer R. Wortman; Daniel Lawson; Brian Haas; Chinnappa Kodira; atbp. (June 2007). "Genome sequence of Aedes aegypti, a major arbovirus vector". Science. 316 (5832): 1718–1723. Bibcode:2007Sci...316.1718N. doi:10.1126/science.1138878. PMC 2868357. PMID 17510324.
- ↑ Cosby, Rachel L.; Chang, Ni-Chen; Feschotte, Cédric (2019-09-01). "Host–transposon interactions: conflict, cooperation, and cooption". Genes & Development. 33 (17–18). Cold Spring Harbor Laboratory Press & The Genetics Society: 1098–1116. doi:10.1101/gad.327312.119. ISSN 0890-9369. PMC 6719617. PMID 31481535.
- ↑ Williston, Samuel Wendell (1896). "On the Diptera of St. Vincent (West Indies)". Transactions of the Entomological Society of London. 1896: 253–446, pls. 8–14. Nakuha noong 3 June 2018.
- ↑ 7.0 7.1 "Diseases that can be Transmitted by Mosquitoes - Minnesota Dept. of Health". www.health.state.mn.us (sa wikang English). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-02-15. Nakuha noong 2018-02-15.
- ↑ "WHO | Myth busters". www.who.int. Nakuha noong 2020-04-18.
- ↑ Service, Purdue News. "It's extremely unlikely mosquitoes can transmit COVID-19, Purdue professor says". www.purdue.edu (sa wikang English). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-04-27. Nakuha noong 2020-05-12.
- ↑ "WHO | Malaria". www.who.int. Nakuha noong 2018-02-15.
- ↑ "Mosquito-Borne Diseases - American Mosquito Control Association". www.mosquito.org (sa wikang English). Nakuha noong 2018-02-15.
- ↑ "Mosquito-borne diseases, infectious disease information, NCID, CDC". Nakuha noong 20 August 2019.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kulisap ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.