Ang niyog-niyogan (Combretum indicum o Quisqualis indica) ay isang halamang baging na may habang 2.5 hanggang 8 metro na matatagpuan sa Asya. Ang mga dahon ng niyog-niyogan ay pahaba at matutulis na may habang 7 hanggang 15 sentimetro. Ang mga bulaklak ng halamang ito ay mahalimuyak ay hugis tubo. Ang mga bulaklak na ito ay nag-iiba iba ang kulay habang ito ay nagkakagulang, puti hanggang sa maging kulay rosas hanggang sa ito ay maging pula. Ang pag-iiba-iba ng kulay ng bulaklak ng niyog-niyogan ay malamang na isang likas na pamamaraan ng halamang ito upang makapag hikayat ng mga polinisador tulad ng mga gamu-gamo, bubuyog at mga ibon. Tinatawag itong niyog-niyogan dahil lasang niyog o pili ang bunga nito kapag magulang na.

Niyog-niyogan
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Rosids
Orden: Myrtales
Pamilya: Combretaceae
Sari: Combretum
Espesye:
C. indicum
Pangalang binomial
Combretum indicum
(L.) DeFilipps
Kasingkahulugan

Quisqualis indica L.

Sa Pilipinas, ang niyog-niyogan ay matatagpuan sa mga kabundukan subalit dahil sa mga pakinabang ng halamang ito, ang mga tao ay nagtatanim na nito sa kanilang bakuran sa loob na ng ilang siglo.

Ang niyog-niyogan ay ginagamit bilang halamang gamot. Ang nilagang ugat, buto o bunga ay ginagamit bilang pamurga sa mga bulate sa tiyan at gamot sa pagtatae. Ang mga dahon nito ay ginagamit rin upang maibsan ang lagnat ng pasyente. Ang pinaglagaan ng mga bunga ng niyog-niyogan ay ginagamit ring pang mumog. Ang mga ugat ay gamot din sa rayuma.