Pagsisiyam

(Idinirekta mula sa Nobena)
Para sa bayan sa Singapore, tingnan ang Nobena, Singapore.

Ang pagsisiyam o nobena[1] (Kastila: novena; mula sa Latin: novem, "siyam") o nobenaryo[1] (Kastila: novenario) ay ang makapananampalatayang pamimintakasi sa Diyos Ama, kay Kristo, sa Birheng Maria, o sa mga santo, sa loob ng siyam na araw na may layuning makahiling ng natatanging mga biyaya, pagpapala, o grasya. Nagsimula ang pagnonobena sa pagtulad o paggaya ng mga taong deboto sa mga apostol o alagad ni Hesus na nagsama-sama sa pagdarasal ng siyam na araw mula sa pagpanik sa langit ni Hesus hanggang sa Linggo ng Pentekostes. Isang halimbawa nito ang pagnonobena ng rosaryo.[2]

Novena a Nuestra Senora del Perpetuo Socorro sa Brazil

Pagsasagawa

baguhin

Sa Pilipinas at ilang mga bansa sa Kaamerikahan, ang pagsisiyam ay ginugunita rin sa pagkawala ng isang mahal sa buhay. Sa mga Kristiyanong Katoliko, isinasagawa nila ito sa pamamagitan ng pag-aalay ng kanilang oras sa pagdarasal o pagkanta ng mga banal na awitin na may kaakibat na mga nakasinding kandila at rosaryo sa loob ng siyam na araw. Ang altar naman ay mayroong siyam na antas kung saan ang banal na krus ang nasa pinakamataas, at ang iba ay nilalagyan ng mga dekorasyon tulad ng mga bulaklak, kandila, at estatwa ni Hesus, Birheng Maria, o mga santo. sa bawat araw na lumilipas, mayroong kandilang sinisindi mula sa pinakamababang antas hanggang sa pinakamataas na antas na kinalalagyan ng banal na krus. Sa pagtatapos nito sa ika-siyam na araw, maaari nang simulan ang mga serbisyong para sa paglilibing.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 English, Leo James (1977). "Nobena, nobenaryo; at siyam, pagsisiyam, siyaman". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Peyton, Fr. Patrick, CSC. Pray the Rosary, New Expanded Edition, With the Five New Luminous Mysteries, Sr. M. Kathleen Flanigan, SC, PhD (nihil obstat, censor liborium), Frank J. Rodimer, JCD, Bishop of Paterson (imprimatur), Catholic Book Publishing Company, New Jersey (nilimbag sa Korea), 2002, pahina 7.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.