Hilagang Renania-Westfalia
Ang Hilagang Renania-Westfalia (Aleman: Nordrhein-Westfalen) ay isa sa mga 16 na mga estado ng Alemanya. Ang kabesera nito ay ang lungsod ng Düsseldorf.
Hilagang Renania-Westfalia Nordrhein-Westfalen | |||
---|---|---|---|
| |||
Mga koordinado: 51°28′N 7°33′E / 51.47°N 7.55°E | |||
Bansa | Alemanya | ||
Lokasyon | Alemanya | ||
Itinatag | 23 Agosto 1946 | ||
Kabisera | Düsseldorf | ||
Bahagi | Talaan
| ||
Pamahalaan | |||
• Minister-President of North Rhine-Westphalia | Hendrik Wüst | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 34,112.52 km2 (13,170.92 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (31 Disyembre 2018)[1] | |||
• Kabuuan | 17,932,651 | ||
• Kapal | 530/km2 (1,400/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+01:00, UTC+02:00 | ||
Kodigo ng ISO 3166 | DE-NW | ||
Websayt | https://www.land.nrw/ |
Nagtatampok ang Hilagang Renania-Westfalia ng 30 sa 81 munisipalidad ng Aleman na may higit sa 100,000 na mga naninirahan, kabilang ang Colonia (mahigit 1 milyon), ang kabisera ng estado na Düsseldorf, Dortmund, at Essen (lahat ng humigit-kumulang 600,000 mga naninirahan) at iba pang mga lungsod na pangunahing matatagpuan sa kalakhang pook ng Rin-Ruhr, ang pinakamalaking urbanong pook sa Alemanya at ang pang-apat na pinakamalaking sa kontinente ng Europa. Ang lokasyon ng Rhine-Ruhr sa gitna ng Europeong Bughaw na Saging ay ginagawa itong mahusay na nakaugnay sa iba pang mga pangunahing Europeong lungsod at kalakhang pook tulad ng Randstad, Diyamanteng Flamenco, at Rehiyong Francfort Rin-Meno.
Ang Hilagang Renania-Westfalia ay itinatag noong 1946 pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig mula sa mga lalawigan ng Prusya ng Westfalia at ng hilagang bahagi ng Lalawigan ng Rin (Hilagang Rin), at ng Malayang Estado ng Lippe ng administrasyong militar ng Britanya sa Alemanya na sakop ng mga Alyado at naging isang estado ng Republikang Federal ng Alemanya noong 1949. Ang lungsod ng Bonn ay nagsilbing pederal na kabesera hanggang sa muling pag-iisa ng Alemanya noong 1990 at bilang luklukan ng pamahalaan hanggang 1999.
Sa kultura, ang Hilagang Renania-Westfalia ay hindi isang unipormeng lugar; may mga makabuluhang pagkakaiba, lalo na sa mga tradisyonal na kaugalian, sa pagitan ng rehiyon ng Renania sa isang banda at ng mga rehiyon ng Westfalia at Lippe sa kabilang banda. Noong 2019, ang estado ang may pinakamalaking ekonomiya sa mga estado ng Alemanya ayon sa GDP ngunit mas mababa sa pambansang pangkaraniwan sa GDP per capita.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ https://www.landesdatenbank.nrw.de/ldbnrw/online;jsessionid=FBC481AAC50656B8CA9E933111BC242A.ldb2?sequenz=tabelleErgebnis&selectionname=12411-31iz.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Alemanya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.