Nukuʻalofa

kabisera ng bansang Tonga

Ang Nukuʻalofa ( /nuku.ˈəlfə/; IPA[nukuʔaˈlofa]) ay ang kabisera ng bansang Tonga. Ang lungsod ay nasa hilagang baybayin ng pulo ng Tongatapu, nasa pinakatimog na grupo ng mga pulo ng bansa.

Nukuʻalofa
Map
Mga koordinado: 21°08′03″S 175°12′06″W / 21.1343°S 175.2018°W / -21.1343; -175.2018
Bansa Tonga
Itinatag1795
Lawak
 • Kabuuan11.41 km2 (4.41 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2016)
 • Kabuuan23,221
 • Kapal2,000/km2 (5,300/milya kuwadrado)

Kasaysayan

baguhin

Unang Kanluraning mga tala ng Nukuʻalofa

baguhin

Noong Hunyo 10, 1777, sumulat ang Britanikong kapitan James Cook tungkol sa kaniyang pagdating. Ang kaniyang paglalarawan ng lugar ay kinumpirma, sa pamamagitan ng niyang mapa, na ito ay look ng Nukuʻalofa.

Ingles Tagalog
At length, about two in the afternoon, we arrived at our intended station. It was a very snug place, formed by the shore of Tongataboo on the South East, and two small islands on the East and North East. Here we anchored in ten fathoms water, over a bottom of oozy sand; distant from the shore one-third of a mile [500 m]. Sa wakas, mga alas dos ng hapon, nakarating kami sa aming balak na istasyon. Ito ay napakasikip na lugar, na hinuhubog ng baybayin ng Tongataboo sa Timog-silangan, at dalawang maliit na pulo sa Silangan at Hilagang-Silangan. Dito dumaong kami sa tubig na may lalim ng sampung fathom, sa ibabaw ng isang ilalim ng buhanging bumabalong, isang katlo ng isang milya mula sa dalampasigan.

Hindi kailanman gumamit si Cook ng pangalang Nukualofa ni anumang ibang baybay para sa mga ulat ng itong paglalayag, pero tinukoy ang pulo ng Pangaimodoo (Pangaimotu) nasa silangan ng niyang punto ng pagdumaong. Sumulat din ang Kapitan Cook na nagbiyahe sa lunday para bumisita ng Mooa (Muʻa) kung saan tumira si Paulaho at ang ibang mga dakilang tao. Ang bahay na ibinigay ni Paulaho ay nasa dalampasigan, 500 metro (13 mi) mula sa barko. Ipinapakita ng niyang mapa na dapat dumaong at tumira sa purok ng Siesia, ang silanganing bahagi ng modernong Nukuʻalofa. Ibinurador din ni Cook ang unang mapa ng look ng Nukuʻalofa.

 
Ang unang Mapa ng Puwertong Tongataboo (Ingles: Map of Tongataboo Harbour) bilang idinibuho ng Kapitan Cook noong 1777. Malinaw na ipinapakita ng mapa ang Look ng Nukuʻalofa at sityo ni Cook sa malapit ng Pangaimotu. Pinapangalanan ang malilitt na pulo ng Nukuʻalofa sa pamamagitan ng ponetikong baybay, kabilang sa Atata, Pangaimotu, Makahaʻa, at Fetoa.

Ang unang nakasulat na talaan para sa Nukuʻalofa ay sinabi sa unang aklat tungkol sa Tonga ni George Vason na inilathala noong 1810. Si George Vason ay isang misyonerong Ingles mula sa Sosyedad Pangmisyonero ng Londres (Ingles: London Missionary Society) kung sino dumating sa Tonga noong 1797. Sumulat si George Vason tungkol sa pagdating na:

Ingles Tagalog
Before we could well come to an anchor, the ship was surrounded by the natives, who flocked to us from every adjacent Island. The place, before which we anchored, was called Noogollefa: it was near an Island, named Bonghy-moddoo; on which former navigators pitched their tents, as a convenient spot, on account of its separation from the main Island, to preserve themselves from being too much incommoded by the natives. Bago maaaring dumaong kami, kinubkob ang barko ng mga katutubo, kung sinu-sino lumisaw sa amin mula sa bawa't isang katabing Pulo. Ang pook, kung saan dumaong kami, ay tinawag na Noogollefa: ito ay malapit sa isang Pulo, na pinangalanan na Bonghy-moddoo. Dito ang mga dating nabegador ay nagtayo ng nilang mga tolda, bilang isang napapanahong lugar, dahil sa paghihiwalay mula sa pangunahing Pulo, para ingatan ang kanilang sarili mula sa abala sa pamamagitan ng mga katutubo.

Iyon ay unang tukoy ng Nukuʻalofa, na binaybay bilang Noogoollefa. Ang kakaibang baybay ng Nukuʻalofa at Pangaimotu (bilang "Bonghy-Moddoo") ay dahil hindi nabuo ang alpabetong Tonga hanggang sa 1826–27.

Ang pangalawang pinakamatandang aklat tungkol sa Tonga ay ni William Mariner, ampon na anak ni Fīnau ʻUlukālala, na inilathala noong 1817. Inilarawan ni Mariner ang kaniyang mga karanasan habang mga taon kung kailan siya ay ampon na anak ni ʻUlukālala (1806–1810). Inilarawan ang digmaang sibil at pagkubkob ng Moog ng Nukuʻalofa, na nahulog sa ʻUlukālala at kaniyang mga mandirigma.

Noong Abril 1826 itinala ang ikatlong pagtatangka ng mga Kristiyanong misyonero, kung kailan dalawang Misyonerong Londres ay nakadetine ni Tupou, hepe ng Nukuʻalofa.

Ingles Tagalog
In March 1826, the four men left Tahiti in the Minerva, their destination Fiji. But at Nukuʻalofa, Tonga, their plans were disrupted by the high chief Tupou (Aleamotuʻa). From Davies' perspective the Tahitian were placed under detention at Tongatapu: “The chief called Tupou would not let them proceed. He had been himself a resident in Lageba and calls himself the friend of Tuineau, the chief of Lageba and as such he took possession of the present intended for the Fijian chief". Noong Marso 1826, umalis ang apat na lalaki ng Tahiti sa Minerva, papunta sa Fiji. Pero sa Nukuʻalofa, Tonga, ang kanilang mga plano ay nilansag ng mataas na hepeng Tupou (Aleamotuʻa). Sa tingin ni Davies ang mga Tahitiano ay nakadetine sa Tongatapu: "Hindi pumayag ang hepe, na tumawag kay Tupou, na magpatuloy sila. Siya mismo ang nanirahan sa Lageba at tinatawag ang kanyang sarili na kaibigan ni Tuineau, hepe ng Lageba, kaya kumuha siya [Tupou] ng regalong inilaan para sa hepeng Pidyiyano."

Ang pagdating ng mga misyonerong Metodista sa Nukuʻalofa noong 1827 ay nagpalagas ng ang pananampalatayang Kristiyano. Dahil sa pag-uusig na dinanas ng mga Kristiyano sa Hihifo at Hahake, maraming tao ang naghanap ng kanlungan sa Nukuʻalofa. Bilang resulta ng panghihikayat ni Tupou, Hari ng Nukuʻalofa, ito ay simula ng pagpapalaki ng Nukuʻalofa bilang pangunahing sentro ng Kristiyanismo sa Tonga.

Pinulong ng Ekspedisyon ni Wilkes ang Hari Josiah (Aleamotuʻa) noong 1840.

Ang huling yugto ng pagdating ng Kristiyanismo sa Tonga ay pagdating ng Pari Chevron, o Patele Sevelo, noong 1842, Sumulat siya na dumating sa Nukuʻalofa noong 1842 at nakilala ang Tuʻi Kanokupolu Aleamotuʻa kung sino bininyagan ng Wesleyano bilang Sosaia.

Sa pagtatapos,dahil sa mga pagdaong ito, ang Nukuʻalofa, dating maliit na nayon at kuta, ang naging sentro ng Tonga noong ipinakilala ang Kristiyanismo. Mula sa pinakaunang mga talaan para sa Nukuʻalofa, ang mga unang manunulat ay palaging tinutukoy ang pamayanan bilang Noogollefa (1797), Nioocalofa (1806), Nukualofa (1826 ng mga Metodista) and Noukou-Alofa (1842 ng mga paring Pranses Katoliko). Walang ibang binanggit na ibang pangalan ng pamayanan maliban sa pamayanan o kuta ng Nukuʻalofa.

Kabisera ng Kaharian ng Tonga (mula noong 1875)

baguhin
 
Nukuʻalofa noong 1887.

Ang Deklarasyon ng Saligang Batas ng Tonga noong 1875 ay nagtatag ng Nukuʻalofa bilang Kabisera ng Tonga. Ang Hari George Taufaʻahau Tupou I ay nag-isyu ng Saligang Batas ng Tonga noong Nobyembre 4, 1875, sa Nukuʻalofa. Sumabi din ang Saligang Batas (Artikulo 38) na magtatagpo ang Parlamento sa Nukuʻalofa puwera sa panahon ng digmaan.

 
Maharlikang Palasyo ng Tonga

Dahil sa patuloy na paglawak ng Nukuʻalofa, naging kailangan ang reorganisasyon para sa epektibong pangangasiwa ng kabisera. Ang reorganisasyon ng Nukuʻalofa ay humati ang lungsod sa tatlong bahagi:

  • Kolomotuʻa (Kolo = "bayan" o "pamayanan", motuʻa = "matanda"), na sumasaklaw ng orihinal na pamayanan sa lumang moog ng Nukuʻalofa, kabilang sa purok ng Tavatuʻutolu (Longolongo), Sopu ʻo Vave (ngayon Sopu ʻo Taufaʻahau), Tongataʻeapa, Tufuenga, Kapeta at lahat ng kanluraning purok kung saan ay tradisyunal na pamayanan ng Tuʻi Kanokupolu, mula sa Mumui, ang ika-13 Tuʻi Kanokupolu, hanggang sa Aleamotuʻa, ang ika-18 Tuʻi Kanokupolu.
  • Kolofoʻou (foʻou = "bago"). Sa silangan ng Kalye Vahaʻakolo, hanggang sa Maʻufanga, na sumasaklaw ng Palasyo ng Hari George Taufaʻahau Tupou I at luklukan ng pamahalaan, at saka ng lahat ng bagong pamayanan ng Fasi moe Afi ʻa Tungi, Malie Taha (Isang Milya). Ang Ngeleʻia ay isang lumang pamayanan habang mga digmaang sibil[kailangang linawin] at sinira ni Taufaʻahau at niyang mga mandirigma. Tumira si Taufaʻahau sa kaniyang kau Toʻa Tautahi (Mga Warlord ng Dagat) sa Nukuʻalofa, para sa kaniyang pagprotekta mula sa mga kaaway, at tinawag ang purok na Kolofoʻou (Bagong Bayan). Ito ay nangyari pagkatapos ng pagsusunog at pagbagsak ng moog ng Pea ni Takai, sa utos ng niyang anak na lalaki ni Moeakiola noong 1852. Sa paligid ng mga oras na ito, nilipatan ni Taufaʻahau ang kabisera sa Kolofoʻou, Nukuʻalofa, pagkatapos ng paghahari mula sa Pangai, Haʻapai mula noong 1845.
  • Maʻufanga, sa silangan ng Nukuʻalofa. Ang Maʻufanga ay isang lumang bayan ng Haʻa Takalaua, na ay Ari-Arian ng Hepeng Fakafanua, ngayon pinamamahalaan ng pamilyang Uhamaka. Tinukoy si George Vason na ang Maʻufanga ay purok para sa mga takas habang digmaang sibil, kung saan ang mga tao ay maaaring sumilong sa panahon ng hirap. Ang Maʻufanga ay purok na humarap ng Pangaimotu, kung saan dumaong si James Cook, at kung saan gumawa para sa Cook si Paulaho ng isang bahay sa dalampasigan, mga 500 metro (1,600 tal) mula sa barko.

Ika-21 na siglo

baguhin

Noong 2006, ang kakulangan ng progreso tungo sa demokrasya ay nagdulot ng kaguluhan sa Nukuʻalofa. Habang ito, ang karamihan ng gitnang distrito ay sinunog.

Ang kabisera ay pinalo ng tsunami dahil sa pagputok at tsunami ng Hunga Tonga–Hunga Haʻapai ng 2022. Ang mahalagang sira ay itinala sa kabisera, na baka tumagal ng ilang taon bago makabawi.

Pamahalaan

baguhin
 
Opisina ng Punong Ministro ng Tonga.

Ang pambansang pamahalaan ay nasa Nukuʻalofa. Doon nagtatagpo ang Parlamento ng Tonga, at ang Maharlikang Palasyo ng Tonga ay malapit sa lungsod.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Oceania ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.