Mga paglilitis sa Nuremberg

(Idinirekta mula sa Nuremberg Trials)

Ang Mga Paglilitis sa Nuremberg (The Nuremberg Trials) ay ang sunod-sunod na mga militar na tribunal na isinagawa ng mga nanalong Mga Alyansa ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na kilala sa prosekusyon ng mga prominenteng (kilalang) miyembro ng pampolitika, ekonomiko, at militar na pamumuno ng natalong Partidong Nazi. Sa madaling salita, ang Mga Paglilitis sa Neremberg ay ang mga paglilitis sa mga krimeng pangdigmaan ng mga pinunong Nazi.[1] Ang mga paglilitis ay idinaos sa siyudad ng Nuremberg, Bavaria, Alemanya noong 1945–46 sa Palasyo ng Hustisya. Ang pinakakilala sa mga paglilitis na ito ang Paglilitis ng mga Pangunahing Kriminal ng Digmaan sa harap ng Internasyonal na Militar na Tribunal (IMT) na lumitis sa 24 sa pinakamahalang nahuling mga pinuno ng Alemanyang Nazi bagaman ang mga mahalagang arkitekto ng Nazi gaya ni Adolf Hitler, Heinrich Himmler at Joseph Goebbels ay nagpatiwakal bago magsimula ang paglilitis. Ang inisyal na mga paglilitis ay idinaos mula 20 Nobyembre 1945 hanggang 1 Oktubre 1946. Ang ikalawang hanay ng mga paglilitis ng mas maliliit na kriminal ng digmaan ay isinagawa sa ilalim ng "Kontrol Konsehong Batas Bilang 10" sa Nuremberg Military Tribunals ng Estados Unidos.

Mga kalahok

baguhin

Mga hukom

baguhin

Mga pangunahing prosekutor (tagapaglitis)

baguhin
  • United Kingdom Attorney General Sir Hartley Shawcross (United Kingdom)
  • United States Supreme Court Justice Robert H. Jackson (United States)
  • Soviet Union Lieutenant-General Roman Andreyevich Rudenko (Soviet Union)
  • France François de Menthon (France)

Mga isinakdal na miyembro ng Nazi

baguhin
Pangalan
Bilang
Parusa Mga komento
1 2 3 4
 
Martin Bormann
I O G G Kamatayan Kahalili ni Hess bilang kalihim ng Partidong Nazi. Hinatulan ng kamatayan sa absentia. Ang kanyang mga labi ay natagpuan sa Berlin noong 1972 at binigyan ng petsang 1945.[2]
 
Karl Dönitz
I G G O 10 taon Pinuno ng Kriegsmarine mula 1943 at humalili kay Raeder. Tagapagpasimula ng kampanyang U-boat. Naging pangulo ng Alemanya sa maikling panahong pagkatapos ng kamatayan ni Adolf Hitler.[3] Hinatulan ng pagsasagawa ng walang restriksiyong pakikidigma gamit ang submarino at paglabag sa 1936 na Ikalawang Kasunduang Pandagat ng London ngunit hindi pinarusahan sa kasong ito dahil ang Estados Unidos ay nakagawa rin ng parehong paglabag.[4] Tagapagtanggol na abogado: Otto Kranzbühler
Hans Frank I O G G Kamatayan Pinuno ng Batas ng Reichstag mula 1933–1945 at Gobernador-Heneral ng Pangkalahatng Gobyerno ng sinakop na Poland noong 1939-1945. Naghayag ng pagsisi sa kanyang ginawa.[5]
 

Wilhelm Frick
I G G G Kamatayan Kalihim panloob ni Hitler mula 1933–1943 at protektor na Reich ng Bohemia-Moravia noong 1943-1945. Lumikha ng Mga batas panglahi ng Nuremberg.[6]
 
Hans Fritzsche
I I I O Napawalang sala Kilalang komentador ng radyo. Pinuno ng dibisyong balita ng kagawarang propaganda ng Nazi. Nilitis sa lugar ni Joseph Goebbels.[7]
 

Walther Funk
I G G G Habang buhay na pagkabilanggo Kalihim ng ekonomiks ni Hitler. Humalili kay Schacht bilang pinuno ng Reichsbank. Pinalaya dahil sa sakit noong 16 Mayo 1957.[8] Namatay noong 31 Mayo 1960.
Hermann Göring G G G G Kamatayan Reichsmarschall o Komander ng Luftwaffe mula 1935–1945, at pinuno ng 4 na taong Plano noong 1936–1945 at orihinal na pinuno ng Gestapo bago ito ipaubaya sa SS noong Abril 1934. Orihinal na itinakdang kahalili ni Hitler at pangalawang pinakamataas na opisyal ng Nazi.[9] Noong mga 1942, ang kanyang kapangyarihan ay humina at nawalan ng pabor sa partidong Nazi at pinalitan ni Himmler. Siya ay nagpakamatay nang gabi bago ang kanyang eksekusyon (pagpatay).[10]
Rudolf Hess G G I I Habang buhay na pagkabilanggo Diputadong Führer ni Hitler hanggang sa sa lumipad patungo sa Scotland noong 1941 upang tangkaing mamagitan ng kapayapaan sa Britanya. Pagkatapos ng paglilitis, ikinulong sa Bilangguang Spandau at namatay noong 1987.[11]
 

G G G G Kamatayan Wehrmacht Generaloberst, subordinator ni Keitel at puno ng Operasyong dibisyon ng OKW noong 1938–1945.[12]
Ernst Kaltenbrunner I O G G Kamatayan Pinakamataas na nakaligtas na pinuno ng SS. Pinuno ng RSHA mula 1943–45 na organong Nazi na binubuo ng mga serbisyong intelehentsiya, Sikretong Pulis ng Estado at may pangkalahatang pangangasiwa sa Einsatzgruppen.[13]

G G G G Kamatayan Pinuno ng Oberkommando der Wehrmacht (OKW) 1938–1945.[14]
 
I I I ---- Pinakamalaking industrialista ng Nazi. Hindi nakatayo sa paglilitis dahil sa sakit at namatay noong 16 Enero 1950. Ang mga prosekutor ay nagtangkang ihalili ang anak nitong si Alfried (na nagpatakbo ng Krupp para sa kanyang ama sa kabuuan ng digmaan) ngunit ang mga hukom ay itinanggi ito.[15] Si Alfried ay inilitis sa hiwalay na paglilitis sa kanyang paggamit sa pang-aalipin sa pagtatrabaho. Ito ay nakaligtas sa parusang kamatayan.
 

I I I I ---- Pinuno ng DAF ma Alemang Manggagawang Pronta. Nagpatiwakal noong 25 Oktubre 1945 bago magsimula ang paglilitis.
 

G G G G 15 taon Kalihim ng Kagawarang Pandayuhan mula 1932–1938 at sinundan ni Ribbentrop. Kalaunan ay naging protektor ng Bohemia at Moravia noong 1939–43. Nagbitiw noong 1943 dahil sa pakikipag-alitan kay Adolf Hitler. Pinalaya dahil sa sakit noong 6 Nobyembre 1954 [16] pagkatapos atakihin sa puso. Namatay noong 14 Agosto 1956.
 

I I O O Napawalang sala Kansilyer ng Alemanya noong 1932 at bise-kansilyer sa ilalim ni Adolf Hitler noong 1933-1934. Naging embahador sa Austriya noong 1934–1938 at embahador sa Turkey noong 1939-1944. Bagaman si von Papen ay napawalang sala sa Nuremberg, si von Papen ay inurign isang kriminal ng digmaan noong 1947 sa korte ng pagsasalis ng Nazi (de-natizification) at hinatulan ng walong taon ng mahirap na trabaho. Siya ay napawalang sala matapos magsilbi sa bilangguan nang 2 taon.[17]
 

G G G O Habang buhay na pagkabilanggo Punong Komander ng Kriegsmarine mula 1928 hanggang sa kanyang pagreretiro noong 1943 at sinundan ni Dönitz. Pinalaya sa dahil sa sakit noong 26 Setyembre 1955.[18] Namatay noong 6 Nobyembre 1960.
 

G G G G Kamatayan Embahador na plenipotensiyaryo mula 1935–1936. Embahador sa United Kingdom mula 1936–1938. Kalihim ng Kagawarang Pandayuhan ng Nazi mula 1938–1945.[19]
 

G G G G Kamatayan Ideolohista ng Pinunong lahi. Kalaunan ay naging kalihim ng Sinakop na Silangang mga Teritoryo mula 1941–1945.[20]
 

I I G G Kamatayan Gauleiter ng Thuringia mula 1927–1945. Plenipotensiyaryo ng pang-aaliping trabahong programa ng Nazi mula 1942–1945.[21] Tagapagtanggol na abogado: Robert Servatius
 

I I O O Napawalang sala Prominenteng bankero at ekonomista. Bago-ang-digmaang pangulo ngReichsbank mula 1923–1930 at 1933–1938 at kalihim ng Ekonomiks mula 1934–1937. Umaming lumabag sa Kasunduang Versailles.[22]
Baldur von Schirach I O O G 20 taon Pinuno ng Hitlerjugend (Kabataang Hitler) mula 1933 hangang 1940 at Gauleiter ng Vienna mula 1940–1945. Naghayag ng pagsisi.[23]
 

I G G G Kamatayan Instrumental sa Anschluss at maikling nagsilbi bilang kansilyer ng Austriya noong 1938. Diputado kay Frank sa Poland mula 1939–1940. Kalaunan ay naging komisyoner ng sinakop na Netherlands mula 1940–1945. Naghayag ng pagsisi.[24]
 

I I G G 20 taon Pinakapaboritong arkitekto ni Hitler at personal na kaibigan. Naging kalihim ng mga Armas mula 1942 hanggang sa wakas ng digmaan. Sa kakayahang ito, siya ay responsable sa paggamit ng mga aliping manggagawa mula sa mga sinakop na teritorya para sa paggawa ng mga armas. Naghayag ng pagsisi.[25]
 

I O O G Kamatayan Gauleiter ng Franconia mula 1922–1940. Tagapaglimbag ng lingguhang diyaryong Der Stürmer.[26]

Sanggunian

baguhin
  1. Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R126.
  2. "Bormann judgement".
  3. "Dönitz judgement".
  4. President of the Reich for 23 days after Adolf Hitler's suicide.Judgement: Doenitz the Avalon Project at the Yale Law School
  5. "Frank judgement".
  6. "Frink judgement".
  7. "Fritzsche judgement".
  8. "Funk judgement".
  9. Kershaw, Ian. Hitler: A Biography, W. W. Norton & Co. 2008, pp 932-933.
  10. "Goering judgement".
  11. "Hess judgement".
  12. "Jodl judgement".
  13. "Kaltenbrunner judgement".
  14. "Keitel judgement".
  15. Clapham, Andrew (2003). "Issues of complexity, complicity and complementarity: from the Nuremberg Trials to the dawn of the International Criminal". Sa Philippe Sands (pat.). From Nuremberg to the Hague: the future of international criminal justice. Cambrifge University Press. ISBN 0521829917. The tribunal's eventual decision was that Gustav Krupp could not be tried because of his condition but that 'the charges against him in the Indictment should be retained for trial therafter if the physical and mental condition of the defendant should permit'.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Von Neurath judgement".
  17. "Von Papen judgement".
  18. "Raeder judgement".
  19. "Von Ribbentrop judgement".
  20. "Rosenberg judgement".
  21. "Sauckel judgement".
  22. "Schacht judgement".
  23. "Von Schirach judgement".
  24. "Seyss-Inquart judgement".
  25. "Speer judgement".
  26. "Streicher judgement".