Operasyong isahan

Uri ng operasyon na may aridad na 1

Sa matematika, ang operasyong isahan o operasyong unaryo ay ang operasyon na may iisang operando, o sa madaling salita, isa lamang ang pinapasok na halaga,[1] kumpara sa operasyong tambalan na may dalawang pinapasok.[2] Halimbawa nito ang bunin na f: A → B, kung saan isang pangkat ang A. Ang bunin na f ay ang operasyong isahan ng A.

Ilan sa mga madalas magamit na halimbawa nito ay ang paktoryal na n! at sa pagnenegatibo tulad ng -5. May tatlong pangunahing klase ng pagsulat sa mga operasyong isahan: notasyong unlapi o notasyong Polako (tulad ng -5), notasyong hulapi o baligtad ng notasyong Polako (tulad ng n!), at ang notasyong pangbunin (tulad ng sin(x)). Marami pang mga notasyon ang ginagamit bukod sa tatlong ito; halimbawa, ang linyang ginagamit para sa pagkuha ng pariugat ay humahaba depende sa haba ng argumentong kinuha nito.

Halimbawa

baguhin

Tandang positibo at negatibo

baguhin

Dahil iisa lang ang operando ng mga operasyong isahan, sila ang unang kinakalkula bago ang iba pang mga operasyon. Halimbawa,

     

Dito, ang unang tandang pambawas ay ang tunay na tandang pambawas. Ang katabi ng 5 ay ang tandang negatibo naman nito.

Bihirang gamitin ang tandang positibo dahil ipinagpapalagay na ang isang bilang na walang tanda (sign) ay positibo. Gayunpaman, ginagamit pa rin ito kung kinakailangan linawin ang estado ng isang bilang.

Hindi ginagawang positibo ng tandang positibo ang isang negatibong bilang:

     

Para gawing positibo ang isang negatibong bilang, kailangan ganito:

     

Trigonometriya

baguhin

Sa trigonometriya, ang mga buning tulad ng  ,  , at   ay maituturing na mga operasyong isahan dahil iisa lang ang kailangang ipasok na halaga sa kanila.

Wikang pamprograma

baguhin

Maraming operasyon na ginagamit sa mga wikang pamprograma ang maituturing na mga operasyong isahan. Isa sa mga halimbawa nito ay ang pag-aabante at pag-aatras (increment at decrement) na madalas sinisimbolo ng ++ at --.

Ang simbolo para sa pagbabaligtad ng tanda (sign) para sa mga lohikal na ekspresyon (!) ay isa ring operasyong isahan.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Weisstein, Eric W. "Unary Operation" [Operasyong isahan]. mathworld.wolfram.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 25, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Weisstein, Eric W. "Binary Operation" [Operasyong tambalan]. mathworld.wolfram.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 25, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Kawing panlabas

baguhin