Operando
Sa matematika, ang operando (mula Kastila operando) ay ang kantidad[1] o halaga na sumasailalim sa isang operasyon.
Kahulugan
baguhinAng operando ay ang pinapasok na halaga sa isang operasyon.
Sinisimbolo ng ang pagdaragdag. Samantala, ang mga bilang na 1 at 2 ay ang mga operando nito, dahil sila ang pinapasok na halaga na kailangan upang gawin ang nasabing operasyon.
Hindi isang operando ang 3, dahil ito ang resulta ng operasyon.
Notasyon
baguhinEkspresyon bilang operando
baguhinMaaaring maging operando ang isang buong ekspresyon. Malimit ito nangyayari kung gumagamit ito ng panaklong.
Dito, operando rin ng ekspresyon ang . Ang operandong ito ay may dalawa pang operando sa loob: 2 at 3.
Ayos ng operasyon
baguhinDumedepende sa ayos ng operasyon ang magiging operando ng isang operasyon.[2]
Dito, mauunang ikokompyut ang pagpaparami dahil mas mataas ang antas nito kaysa sa pagdaragdag. May dalawang operando ito, 4 at 5. Samantala, ang operando naman ng pagdaragdag ay ang 3 at ang sagot sa .
Posisyon ng operando
baguhinNakakaapekto rin sa pagtukoy sa operando ang posisyon ng operador nito. Dumedepende ito sa notasyon na ginagamit. Pinakakaraniwan ang notasyong gitlapi;[3] gayunpaman, may iba ring notasyon na ginagamit, tulad ng notasyong unlapi at hulapi. Ginagamit ang dalawang notasyon ito madalas sa larangan ng agham pangkompyuter.
- notasyong gitlapi
- notasyong unlapi (kilala ring Notasyong Polako)
- notasyong hulapi (kilala ring Baligtad na Notasyong Polako)
Aridad
baguhinAng bilang ng mga operando sa isang operasyon ay tinatawag na aridad. Base rito, tinutukoy ang mga operador bilang walaan (walang operando), isahan (isang operando), tambalan (dalawang operando), tatluhan (tatlong operando), atbp.
Agham pangkompyuter
baguhinSa mga wikang pamprograma, halos parehas lang ang kahulugan ng isang operador at operando sa kahulugan ng sa matematika.
Sa pagkokompyut, ang operando ay ang bahagi ng isang bilin (instruction) sa kompyuter na nagtutukoy sa kung anong datos ang imamanipula o ooperahan. Kinakatawan rin nito ang datos mismo.[4] Inilalarawan ng isang bilin sa kompyuter ang isang operasyon, tulad ng "dagdagan ng X" o "paramihin nang X," habang tinutukoy naman ng operando ang halaga ng X na ooperahan ng operasyon.
Samantala, sa wikang asamblea (assembly language), ang operando ay ang halaga (o argumento) na inooperahan ng isang partikular na bilin. Maaaring tumutukoy ang operando sa isang rehistro sa prosesor, isang lugar sa memorya, isang literal na konstante, o di kaya'y isang palatandaan. Isang halimbawa nito, sa arkitekturang x86, ay:
MOV DS, AX
Dito, ililipat (sinisimbolo ng MOV
) ang halagang nakalagay sa rehistrong AX
papunta sa rehistrong DS
. Dumedepende ang bilang ng operando sa bilin na binigay.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "operand". Diksiyonaryo.ph (sa wikang Filipino). Nakuha noong Enero 23, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Physical Review Style and Notation Guide" [Istilo sa Pisikal na Rebyu at Gabay sa Notasyon] (PDF) (sa wikang Ingles). American Physical Society. Bahagi IV–E–2–e. Nakuha noong Enero 23, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Implementation and Power of Programming Languages" [Ang Implementasyon at Lakas ng mga Wikang Pamprograma]. University of Manchester - Department of Computer Science (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 23, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dale, Nell; Lewis, John (2012). Computer Science Illuminated [Pinalinaw na Agham Pangkompyuter] (sa wikang Ingles) (ika-5 (na) edisyon). Jones and Bartlett. ISBN 978-1449672843.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)