Organong Kawayan ng Las Piñas
Ang Organong Kawayan ng Las Piñas sa Pandiyosesis na Dambana at Parokya ng San Jose sa Lungsod ng Las Piñas, Pilipinas, ay isang ika-19 na dantaong organong pansimbahan na may mga natatanging organong tubo; sa mga 1031 tubo, 902 ay gawa sa kawayan. Ito ay nabuo pagkatapos ng 6 na taon ng paggawa noong 1824 ni Padre Diego Cera, ang nagtayo ng simbahan ng bayan na gawa sa bato at ang unang naninirahang kura parokong Katoliko.[1]
Pagkatapos ng katandaan at mga maraming sakuna na nagdulot ng di-makapagtugto ng kagamitang pangmusika sa haba ng panahon, noong 1972, nagsanib-puwersa ang pambansang pamahalaan at ang lokal na pamayanan na ipadala ang organo sa Alemanya para sa pagsasaayos. Para sa inaasahang pagbabalik nito noong 1975, sa simbahang tahanan ng organong kawayan at mga nakapaligid na gusali ay ipinanumbalik na isinaayos sa anyong pang-ika-19 na dantaon ni Arkitektong Francisco Mañosa at kasamang Ludwig Alvarez sa panahon ng nakatakdang pagbabalik.[1] Ang taunang Kapistahang Pandaigdig ng Organong Kawayan, isang kapistahang pangmusika ng musikang klasiko, ay nagsimula upang ipagdiwang ang musika ng kasangkapang muling isinilang at natatanging tunog nito.[2]
Mula 1992, si Porp. Armando Salarza ay naging tituladong organista ng Organong Kawayan.[3] Siya rin ang Makasining Direktor ng Kapistahang Pandaigdig ng Organong Kawayan, kasalukuyang pinakamahabang umiiral na taunang pandaigdigang kapistahang pangmusika na ginaganap sa bansa.[2]
Idineklara ang organo bilang Pambasang Yamang Pangkalinangan ng Pilipinas noong 2003. Ang Simbahan ng Parokya ng San Jose, na may tanyag na organo at simbahang museo sa lumang bahay-kumbento, ay isang sikat na tanawing panturista para sa mga Pilipino at mga dayuhang panauhin na gayundin na nasa Las Piñas.[4]
Kasaysayan
baguhinAng tagatayo at tagabuo ng simbahan at ang organong ito ay si Padre Diego Cera de la Virgen del Carmen, isang Katolikong pari sa ilalim ng Agustinong Rekoleto. Isang katutubo ng Espanya, naglingkod siya bilang kura paroko sa Las Piñas mula 1795 hanggang 1830. Inilarawan siya ng mga mananalaysay bilang matalino, siyentipiko, kimiko, arkitekto at pinuno ng pamayanan, gayundin bilang organista at tagabuo ng organo.[4]
Sa dati-rating nakapagbuo ng mga organo sa mga lugar ng Maynila na may ilang bawa ng organo na gawa sa kawayan, pinili niya ang kawayan sa karamihan ng kabuuan ng organong ito – ang mga bawa ng trumpeta ay gawa sa metal. Ang pagpili ng kawayan ay marahil parehong praktikal at astetiko sagana sa kawayan at ginagamit sa loob ng daan-daang aytem ng parehong isang praktikal at makasining likas na uri.
Paunang pagbubuo
baguhinSinimula ng Pd. Cera ang pagbubuo ng organo noong 1816, habang itinatayo ang simbahan. Tinipon niya at ibinaon sa ilalim ng buhangin ng dalampasigan ang mga kawayang gagamitin niya. Ipinapalagay ito na isinagawa noong Oktubre – Disyembre 1816 dahil bilang isang siyentipikong likas, alam niya na ang mga kawayan na gagamitin ay dapat maging matigas, matanda, at matibay. Ang pagbabaon ay maiiwasan sa mga kulisap. Noong 1817, hinukay nina Pd. Cera ang mga pirasong kawayan. Ang organo ay nakakapagtugtog noong 1821, gumagawa nang malihim kasama ang kimikong Suwesong Jacques E. Brandenberger, na nagtatrabaho sa Blanchisserie et Teinturerie de Thaonbut, ang nag-imbento ng selopan para sa mga bulsang pang-hangin na gagamitin sa pagbubuho nguni't walang ang mga bawang pantrumpeta.
Sa una, tinangka niyang gamitin ang mga kawayan para sa sandaan at dalawampu't dalawang tubo. Nabigo ang kanyang eksperimento, at ang mga tubo ng kawayan ay kalaunang ginamit bilang mga pandekorasyong tubo na matatagpuan sa likurang bahagi. Ang organo ay nabuo sa wakas noong 1824, pagkatapos nagpasiya si Pd. Cera ang paggamit ng metal sa paggawa ng mga trumpeta, mga katangiang pangmusika na kung saang hindi niya makayanang magawa sa kawayan.[5]
Pagkasira gawa ng likas na kalamidad
baguhinSa loob ng isang linggo, nanngyari ang tatlong lindol (Hulyo 14, 18, at 20) at lubhang nasira ang organo. Noong Oktubre 1882, tinamaan ng bagyo ang bansa na nagdulot ng pagtaas ng tubig-baha, at umabot ang paligid ng simbahan. Ang mga natanggal na bahagi ng organo ay natagpuang nakatangay gawa ng tubig-baha na pumasok sa simbahan. Pagkatapos ng pangyayari, ang Gobernadorcillo at iba pang kilalang mamamayan ng Las Piñas ay humingi ng tulong mula sa punong-administrasyon sa Maynila.
Pambansang Yamang Pangkalinangan
baguhinAng Pambansang Museo ng Pilipinas ay opisyal na idineklara ang Organong Kawayan ng Las Piñas bilang Pambansang Yamang Pangkalinangan noong Ika-24 ng Nobyembre, 2003. Sinuri ng isang langkay ng mga eksperto ang instrumento at nagkaisa sa kanilang desisyon, mula ito lamang na ika-19 na dantaong organong kawayan sa Pilipinas na nananatili at gumagana pa rin.
Narito ang ilang mga puntong binibigyang-katwiran ang pahayag nito bilang isang Pambansang Yamang Pangkalinangan:
• Ang Organong Kawayan ng Las Piñas ay kinikilala lamang na pinakamatanda at pinakamalaking organong kawayan na umiiral sa daigdig ngayon na may isang natatangi at naiibang tunog kung ihahambing sa iba pang mga organong tubo.
• Ang kawayan na ginamit para sa organ, ang Bambusa sp. (Gramineane) ay nakilala bilang katutubo sa Batangas at sa mga lugar sa Luzon.
• Ang pagbabago ng lokal na kawayan sa isang organong tubo ay isang mahalagang katalista sa pagbuo ng mga kasanayang pangmusika ng Pilipinas.
• Ang organo ay nakatindig para sa pagsasanib ng henyong panteknolohiya at pang-estetikong pagkamalikhain ng musika, kung saan ang teknolohiyang banyaga ay inangkop para sa lokal na paggamit ng musika.
• Ginugunita nito ang magiting na diwa ng mga mamamayang Pilipino sa likod ng gawain - ang diwa na umiiral mula sa kawayang Pilipino.
Paggunita
baguhinNoong Ika-24 ng Nobyembre, 2019, naglikha ang Google ng isang garabato upang gunitain ang ika-195 anibersaryo. [6]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "Simbahan ng Las Piñas". Pambansang Patalaan ng mga Makasaysayang Pook at Istraktura sa Pilipinas. Nakuha noong 2013-04-21.
- ↑ 2.0 2.1 "Tungkol sa Kapistahan" Naka-arkibo 2011-01-28 sa Wayback Machine.. Kapistahang Pandaigdig ng Organong Kawayan. Nakuha noong 2011-01-07.
- ↑ "Makasining Direktor Armando Salarza" Naka-arkibo 2011-01-30 sa Wayback Machine.. Kapistahang Pandaigdig ng Organong Kawayan. Nakuha noong 2011-01-09.
- ↑ 4.0 4.1 "Ang Organong Kawayan Lamang sa Daigdig" Naka-arkibo 2011-07-07 sa Wayback Machine.. Bambooman.com. Nakuha noong 2007-08-10.
- ↑ "The Instrument" Naka-arkibo 2012-12-12 sa Wayback Machine.. Organong Kawayan ng Las Piñas. Nakuha noong 2011-01-08.
- ↑ 6.0 6.1 "Ika-195 Anibersaryo ng Organong Kawayan ng Las Piñas". www.google.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-11-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)