Orkidya

(Idinirekta mula sa Orkidyas)

Ang mga orkidya (Kastila: orquídea)[1] (dapo[2]; orkid[3]) ay isang malaking pamilya ng mga halamang namumulaklak, at tinatawag din bilang Orchidaceae. Ang mga ito ay mga monokot na mayerba (herbasyoso). Ang mag-anak ng orkidya ay binubuo ng mula 22,000 hanggang 26,000 na mga espesye na nasa loob ng 880 na mga sari (henera).[4][5] Binubuo nila ang nasa pagitan ng 6-11% ng lahat ng mga halamang nagkakabuto (halamang may buto o butil). Matatagpuan ang mga orkidya sa halos lahat ng mga bansa sa mundo, maliban na lamang sa Antarktika.[6]

Orchidaceae
Temporal na saklaw: Masa Mataas na Kretasyoso 80 milyong mga taon na ang nakalilipas – Kamakailan
Mula sa Kunstformen der Natur ni Ernst Haeckel.
Klasipikasyong pang-agham e
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Monocots
Orden: Asparagales
Pamilya: Orchidaceae
Juss.
Mga subpamilya

Ang mga tao ay nagpapatubo at nag-aalaga na ng mga orkidya sa loob ng malaking bilang ng mga taon. Nagpapalaki sila ng mga orkidya upang maitanghal, para sa agham, o kaya ay para kainin o makain (halimbawa na ang vanilla, na isang uri ng dapo).

Ang ilang sa mga orkidya ay mayroong napaka natatanging mga paraan ng polinasyon. Halimbawa na, ang dapo na kung tawagin ay Tsinelas ng Babae ay maaaring makapangbitag na mga kulisap at magawa ang mga ito na maipakalat ng mga insektong ang bulo nito pagdaka, kapag nakawala ang mga kulisap. Ang isa pang halimbawa ay ang sa orkidya na Austriyano, na tumutubo at lumalaki sa ilalim ng lupa at polinasyon ay isinasagawa ng mga langgam.

Mga sanggunian

baguhin
  1. https://diksiyonaryo.ph/search/orkidya#orkidya
  2. https://diksiyonaryo.ph/search/dapo#dapo
  3. https://diksiyonaryo.ph/search/orkid#orkid
  4. Stevens P.F. 2001 onwards. Angiosperm Phylogeny Website, ika-9 na bersiyon Mobot.org
  5. "WCSP". World Checklist of selected plant families. Nakuha noong 2010-01-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Dressler RL 1981. The Orchids: natural history and classification. Harvard University Press. ISBN 0-674-87525-7