Pangunahing Linyang Patimog ng PNR

(Idinirekta mula sa PNR Southrail)

Ang Pangunahing Linyang Patimog ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas (Ingles: Philippine National Railways South Main Line) ay ang pangalawang pangunahing linya ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas na kumonekta sa Lunsod ng Maynila, Laguna at Legazpi, Albay sa Kabikulan.

Linyang Patimog
Southrail
Buod
Ibang pangalanLinyang Maynila-Legazpi
Linyang Maynila-Bicol
UriRiles panrehiyon
Riles pangkalungsuran
Riles pangkomyuter
Riles pangkargamento (tumigil)
KalagayanNasa operasyon
LokasyonTimog Luzon
HanggananTutuban
Legazpi
(Mga) Serbisyo3
Kulay sa mapa     Kahel
Operasyon
Binuksan noongMarso 25, 1908
May-ariPambansang Daambakal ng Pilipinas
(Mga) NagpapatakboPambansang Daambakal ng Pilipinas
KarakterNasa lupa (kasalukuyan)
Nakaangat (ipapanukala)
(Mga) SilunganSilungan ng Caloocan
Ginagamit na trenHyundai Rotem DMUs
KiHa 350 series
KiHa 52 series
203 Series
900 Series Locomotives
2500 Series Locomotives
Teknikal
Luwang ng daambakal1,067 mm (3 ft 6 in)
1,435 mm (4 ft 8 12 in) (panukala)

Kasaysayan

baguhin

Binuksan ang seksyon ng Blumentritt-Santa Mesa noong Marso 25, 1908, bilang bahagi ng Extension ng Antipolo.

Ang mga huling riles na nakabukas sa pamamagitan ng mga tren sa Puwang ng Aloneros-Ragay ay inilagay noong Nobyembre 17, 1937. Noong 1938, ito ay ipinagsama sa linyang Dibisyon ng Legazpi upang makarating sa Maynila. Ang unang tren ng kargamento mula sa Maynila hanggang Legazpi ay tumakbo noong Enero 11, 1938, at isang takbong pasubok (trial run) para sa mga serbisyo ng pasahero ay ginanap noong Enero 25.

Ang unang serbisyo ng pasahero sa Legazpi na pinangunahan ng isang treng "Bicol Express" ay nagsimula noong Enero 31, 1938.

Nang dumating ang mga Hapones sa Pilipinas noong 1941, winasak ang mga riles alinsunod sa utos ng USAFFE na nagpatigil sa mga serbisyo, ngunit ipinanumbalik muli ng Hukbong Imperyal ng Hapon ang mga serbisyo noong Marso 22, 1943. Nahinto muli ang mga serbisyo dahil sa malaking pinsala dulot ng pagpapalaya ng Pilipinas; muling ibinalik ang mga serbisyo noong Disyembre 21, 1948.

Noong 1970, nagsimula ang serbisyong komyuter mula Manila North Harbor hanggang Biñan.

Ang mga serbisyong kargamento, ay tumigil noong 1971.

Ang kinaroroonan ng daambakal sa paanan ng Bulkang Mayon ay malimit na nagdudulot ng mga pagguho ng lupa at mga baha ng lahar na nagpapatigil ng mga serbisyo, isang beses noong 1976, bumalik ang mga serbisyo noong Pebrero 23, 1986, ngunit nahinto muli mula Pebrero 2, 1993 dahil sa pagputok ng Bulkang Mayon. Muling ibinalik ang mga serbisyo noong Hunyo 21, 1998, subalit nahinto muli nang winasak ng mga baha ang tulay sa Barangay Travesia, Guinobatan noong 2006.

Ang serbisyong pangkasalungkuran ay tumigil noong 2014. Kasalukuyan ang mga serbisyong komyuter ang nanalatili sa Linyang Patimog mula sa Tutuban hanggang Mamatid.

Mga proyekto sa Linyang Patimog

baguhin

Pagbabagong-tatag ng Metro South Commuter Line

baguhin

Sa programa ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang Metro Commuter Line ay muling isasagawa bilang isang buong, dalawahang riles na de-kuryente, at palalawakin upang maglingkod sa Los Baños. Noong Setyembre 12, 2017, inaprubahan ng Pambansang Pangasiwaan sa Kabuhayan at Pagpapaunlad (NEDA) ang pagtatayo ng mas bagong linya, bilang bahagi ng mas matagal na Long-haul Railway na makakonekta sa Legazpi at Matnog, Sorsogon, at ang Lungsod ng Batangas.[1][2] Ang pagpopondo para sa proyekto, na nagkakahalaga ng ₱131 bilyon, ay ibinibigay ng Japan International Cooperation Agency, at inaasahang magsisilbi ng 300,000 pasahero sa isang araw sa unang taon ng operasyon nito.[1]

Muling pagtatayo ng Maynila-Bicol Railway (Southrail Project) at Calamba-Batangas City Railway

baguhin

Kasama ang muling pagtatayo ng Metro South Commuter Line, ang riles ng tren sa Bicol (sa Legazpi at Matnog) ay muling isasagawa, at isang bagong linya mula sa Calamba hanggang Batangas City ay itatayo. Inaprubahan ng National Economic and Development Authority ang mga proyekto noong Setyembre 12, 2017, ngunit walang malinaw na takdang panahon ng pagtatayo. Ang konstruksiyon ng mga linya ng Maynila-Bicol at Calamba-Batangas City ay pinopondohan ng gobyerno ng China, at ang mga linya ay nagtatampok ng mga bagong standard-gauge na linya, na sa una ay magsisilbing mga single-track na linya at sa kalaunan, ay magiging mga double-track na linya .[3]

Tignan din

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Dela Paz, Chrissie (Setyembre 13, 2017). "NEDA Board approves Manila subway, longest railway". Rappler. Nakuha noong Setyembre 15, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Leyco, Chino S. (September 13, 2017). "NEDA Board approves big infra projects". Manila Bulletin. Inarkibo mula sa orihinal noong Septiyembre 14, 2017. Nakuha noong September 15, 2017. {{cite news}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  3. Dela Paz, Chrisee (Setyembre 13, 2017). "NEDA Board approves Metro Manila Subway". Rappler. Nakuha noong Setyembre 14, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)