Pachino
Ang Pachino (Sicilian: Pachinu [ paˈciːnʊ ]) ay isang bayan at comune (komuna o munisipalidad) sa Malayang Konsorsiyong Komunal ng Siracusa, rehiyon ng Sicilia, Katimugang Italya. Ang pangalan ay nagmula sa salitang Latin na bacchus, na siyang Romanong diyos ng alak, at ang salitang vinum, na nangangahulugang alak sa Latin; orihinal na ang bayan ay pinangalanang Bacino na kalaunan ay pinalitan ng Pachino nang, sa Sicilia, ang Italyano ay naging opisyal na sinasalita at nakasulat na wika.[4]
Pachino Pachinu (Sicilian) | |
---|---|
Comune di Pachino | |
Panorama ng Pachino | |
Mga koordinado: 36°43′N 15°6′E / 36.717°N 15.100°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Sicilia |
Lalawigan | Siracusa (SR) |
Mga frazione | Marzamemi |
Pamahalaan | |
• Mayor | Carmela Petralito |
Lawak | |
• Kabuuan | 50.98 km2 (19.68 milya kuwadrado) |
Taas | 65 m (213 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 22,237 |
• Kapal | 440/km2 (1,100/milya kuwadrado) |
Demonym | Pachinese |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 96018 |
Kodigo sa pagpihit | 0931 |
Santong Patron | Madonna Assunta |
Saint day | Agosto 15 |
Websayt | comune.pachino.sr.it |
Itinatag ito noong 1760 ng mga maharlikang Starrabba, mga prinsipe ng Giardinelli at mga markes ng Rudinì, sa burol ng awayan ng Scibini, kung saan itinayo ang isang umiral nang tore noong 1494. Ang Pachino ay sinalakay noong 1943 ng Ikawalang Hukbong Britaniko bilang bahagi ng Alyadong pagsalakay sa Sicilia.
Heograpiya
baguhinMatatagpuan ang Pachino sa timog-silangang sulok ng Sicily, 51 kilometro (31 milya) sa timog ng Siracusa. Ang mga kalapit na comune ay Noto (Hilaga), Portopalo di Capo Passero (Timog) at Ispica (Silangan). Matatagpuan ang katabing daungan ng Marzamemi sa matinding katimugang dulo ng Sicily, at mayroong maraming ika-18 siglong gusali at kubo ng mga mangingisda.[5]
Kinakapatid na lungsod
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Statistiche demografiche ISTAT".
- ↑ "PACHINO". East Sicily (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-09-28. Nakuha noong 2021-04-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ site from Italy
- ↑ Mappa - Bienne (Biel)
Mga panlabas na link
baguhin- (sa Italyano) Pachino City Hall