Padron:Unang Pahina/Artikulo/Alkimiya
Ang alkimiya (mula sa Arabe: al-kīmiyā; mula sa Sinaunang Griyego: χυμεία, khumeía) ay sinaunang sangay ng likas na pilosopiya, isang pilosopiko at protosiyentipikong kaugalian na kinasanayan sa buong Europa, Indya, Tsina, at mundong Muslim. Sa kanluraning anyo, unang nabunyag ang alkimiya sa ilang mga tekstong sudoepigrapiko na nakasulat sa Greko-Romanong Ehipto noong unang ilang mga dantaon AD. Sinusubok ng mga alkimista na dalisayin, pahinogin, at perpektuhin ang ilang mga materyal. Karaniwang nilalayon ang chrysopoeia, ang transmutasyon ng mga "pangunahing metal" (e.g., tingga) sa mga "mariringal na mga metal" (partikular ang ginto); ang paglikha ng isang eliksir ng imortalidad; at ang paglikha ng mga panasea para sa paggamot ng kahit anumang sakit. Inakala ang kaganapan ng katawan ng tao at kaluluwa na resulta ng alkimikal na magnum opus ("Dakilang Gawa"). Iba't iba ang pagkakonekta ng konsepto ng paglikha ng bato ng pilosopo sa lahat ng mga proyektong ito. Sinaunang malaagham ang alkimiya na may elemento ng kimika, pisika, astrolohiya, sining, semiotika, metalurhiya, medisina, mistisismo, at relihiyon.