Padron:Unang Pahina/Balita
- Nagdeklara ang Pangulo ng Timog Korea na si Yoon Suk Yeol ng batas militar upang supilin ang diumanong "mga pagbabanta ng mga puwersang komunista sa Hilagang Korea at upang alisin ang mga elementong kontra-estado."
- Ipinabatid ng mga Palestinong opisyal na malapit na ang Fatah at Hamas na umabot sa kasunduan sa paghirang ng kumiteng teknokratiko na mamamahala sa Piraso ng Gaza kasunod ng katapusan ng digmaang Israel–Hamas.
- Pinandigan ng isang korte sa Lungsod ng Ho Chi Minh, Biyetnam ang parusang kamatayan para sa makapangyarihang negosyante ng ari-ariang lupain at bahay na si Trương Mỹ Lan pagkatapos napagpasyahang nagkasala ng pagdispalko ng $12.5 bilyon sa pamamagitan ng Sai Gon Joint Stock Commercial Bank.
- Naghain ng reklamong pagsasakdal (o impeachment) laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte (nakalarawan) ng Pilipinas ang koalisyon ng mga pribadong indibiduwal na sinasaad sa pagsasakdal ang 24 na artikulo ng pagsasakdal, kabilang maling paggamit ng bilyong pisong pondong konpidensyal sa kanyang panunungkulan bilang alkalde ng Lungsod ng Dabaw at Pangalawang Pangulo, at direktang pagsangkot sa mga patayang labas sa batas (o extrajudicial killings at pagbabanta laban sa mga matataas na opisyal partikular kina Pangulong Bongbong Marcos, Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, at Ispiker Martin Romualdez.