Pagbibihag ng bus sa Maynila (2010)
Naganap ang pagbibihag ng isang bus na puno ng mga turistang Tsino sa harap ng Panoorang Quirino (Quirino Grandstand) sa Liwasang Rizal, Ermita, Maynila sa Pilipinas noong 23 Agosto 2010, kung saan ibinihag ni Rolando Mendoza, isang dating tagasiyasat sa Distritong Pampulisya ng Maynila ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas, ang isang bus na may 25 katao. Karamihan sa mga taong nasa loob ng bus ay mga mamamayan ng Republikang Popular ng Tsina na mula Hongkong at tumungo sa Pilipinas para sa isang paglalakbay.[3]
Manila hostage crisis | |
---|---|
Lokasyon | Liwasang Rizal, Maynila, Pilipinas |
Coordinates | 14°34′52″N 120°58′30″E / 14.58104°N 120.974922°E |
Petsa | 23 Agosto 2010 Mga bandang 10:00 n.u. hanggang bandang 9:00 n.g. (PST) |
Target | Mga taga-Hong Kong na turista na sakay ng bus |
Uri ng paglusob | Krisis ng Pagbihag |
Sandata | XM16E1 rifle at kutsilyo |
Namatay | 8 bihag[1] & Rolando Mendoza[2] |
Nasugatan | 7 bihag & 2 walang kinalaman |
Salarin | Rolando Mendoza[2] |
Matapos ang halos sampung oras, nakatakas ang Pilipinong tsuper ng bus sa pamamagitan ng pagdaan sa bintana ng bus sa tabi niya at nakuhanan sa telebisyon na sumisigaw ng "patay na ang lahat" bago pa maihatid papalayo ng mga pulis.[4][5] Napanood ng milyun-milyong katao sa buhay na telebisyon ang sumunod na operasyon sa pagliligtas ng mga bihag ng mga operatiba ng pulis na umabot ng 90 minuto.[6] Sa huli, napatay ang walong bihag at si Mendoza habang siyam na iba pa ang sugatan. Matapos ang nasabing insidente naglabas ang pamahalaan ng Hongkong ng "itim" na babalang panlakbay ("black" travel alert) laban sa Pilipinas.[7] Ang nangyaring paglusob sa bus para sagipin ang mga bihag ay pinuna ng mga nasa Pilipinas at mas lalo na sa labas ng bansa bilang 'palpak', at inamin ng pamahalaan ng Pilipinas na mayroong pagkakamaling nagawa at nangako na isusulong ang imbestigasyon na iuulat din sa mga pamhalaan ng Hongkong at Republikang Popular ng Tsina.
Ang Tagabihag
baguhinAng tagabihag ay nakilala ng mga pulis bilang si Rolando Mendoza, isang dating pulis na may mataas na katungkulan.[8] Idinedemanda niya na ibalik siya sa kaniyang dating puwesto maging ang kaniyang mga benepisyo sa Manila Police District, kung saan siya natanggal sa 2009 dahil sa pangongotong.[3][6]
Nagtapos si Mendoza ng Kriminolohiya, at sumali sa pulisya bilang patrolman, at tumaas ang kaniyang katungkulang bilang Senior Inspector. Ginawaran siya ng 17 beses dahil sa katapangan at karangalan . Ayon sa kaniyang mga dating kasamahan sa pulisya, mabait at masipag si Mendoza.[9] Noong Pebrero 1986, pinamunuan ni Mendoza ang grupo ng mga pulisya sa pagtugis sa van na naglalaman ng 13 kabang puno ng salapi, na ipupuslit diumano ng dating Pangulo at diktador ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos palabas ng bansa. Noong taon din iyon ginawaran siya ng Jaycees International bilang isa sa mga Sampung Pinaka-Bukod-Tanging Mga Pulis Sa Pilipinas. .[10]
Sa salaysay ng kusinero ng isang hotel na si Christian Kalaw, hinuli siya ng grupo ng pulis na pinamumunuan ni Mendoza dahil sa isang paglabag sa pagpaparada noong 9 Abril 2008, kung saan nilagyan siya ng mga pakete ng shabu sa kaniyang kotse, sapilitan siyang magdroga, at akusahan siya bilang adik sa droga. Pinilitan daw siya na maglabas ng pera sa ATM at binigay sa kanila. Ani Kalaw, pinakawalan lang siya ng mga pulis matapos siyang makapagbigay ng dalawang libong piso. Napatunayan ng Tanodbayan (Ombudsman) na si Mendoza at ang apat na iba pa ay nagkasala sa lubhang kagarapalan (grave misconduct) at inutos nila ang agarang pagtanggal kay Mendoza sa puwesto at pagbawi sa lahat ng kaniyang benepisyo. Pormal nang kinasuhan si Mendoza noong 25 Abril 2008 kung saan siya natanggal sa puwesto bilang Hepe ng Mobile Patrol Unit.
Ang Pagbihag
baguhinAyon sa naunang salaysay habang ang bus panturista ng Hong Thai Travel Services na may sakay ng 25 turistang Hong Kong ay nasa harapan ng Panoorang Quirino sa Liwasang Rizal, nakiusap si Rolando Mendoza na kung maaari ay pasakayin siya ng libre sa bus. Noong tumanggi ang tsuper na siya'y pasakayin, naglabas ng armas si Mendoza, pinosasan ang tsuper, at binihag na niya ang bus. .[11] Ngunit ayon sa mas maraming mga testigo, may isang mamang kahawig ni Mendoza ang sumakay sa bus habang ito'y nasa harapan pa ng Kutang Santiago. Pinaghananap pa ng mga pulis kung sino ang naghatid sa kaniya sa Kutang Santiago.[12] Ayon sa tsuper ng bus na si Alberto Lubang, sumakay ng bus si Mendoza doon, at ipinahayag lang ang tunay niyang pakay habang nasa Liwasang Rizal na sila.
Armado ng isang maliit na baril at ng M-16,[13] nakontrol niya ang buong bus, at dinemanda niya ang pagbabalik niya sa puwesto,[8] habang sinasabi na na-frame-up lamang siya. Nangako ang alkalde ng Maynila na si Alfredo Lim na ibabalik siya sa dati niyang puwesto kung papatunayan ni Mendoza ang kaniyang sarili.[14] Unang inakala ng mga pulis na ang mga sakay ay ang mga taga-Timog Korea,[15] pero kinalaunan nalaman nila na ang mga bihag ay ang 21 turistang taga-Hongkong, isang tsuper ng bus, at dalawang gabay sa paglakbay. Kalmadong ipinahayag ng gabay na si Masa Tse na ang kaniyang grupo ay kasalukuyang binibihag.
Negosasyon
baguhinMatapos ang mahigit isang oras, anim ang pinalaya:[16] isang matandang babae na umaalma ng panananakit ng tiyan; ang kaniyang asawa; at ang isang may diabetes. Pinalaya rin kinalaunan ang isang babae at ang kaniyang mga anak—isang lalaki na 10 anyos at isang babae na 5 anyos. Napalaya din ang isang 12 anyos na lalaki matapos pasinungalingan ng babaeng unang napalaya na kamag-anak niya ito. Dalawang taga-litratong Pilipino ang nagkusang magpabihag kapalit ang pagpapalaya sa mga nauna. Ang mga pinalaya ay dinala sa presinto sa Liwasang Rizal.[17]
Bandang tanghali, apat pang mga bihag ang pinalaya, kasama ang dalawang nagpabihag at ang isang Pilipinong gabay sa paglakbay. Nagkaroon ng permanenteng ugnayan kay Mendoza si Erwin Tulfo, isang tagabalita ng TV5, habang si Superintendente Orlando Yebra at si Punong Tagasiyasat Romeo Salvador ang namumuno sa negosasyon. Labingpitong katao na lang ang natitira sa bus.[18] Sa pagkakataong ito, may buhay na pag-uulat na ang ABS-CBN, GMA, TV5 at NBN na pagmamay-ari ng gobyerno. Mayroon na ring buhay na pag-uulat ang mga estasyon ng telebisyon sa Hongkong at maging sa ibang bansa tulad ng BBC at Reuters.[19]
Tinanggi ng Tanodbayan ang demanda ni Mendoza na ibalik siya sa puwesto, ngunit nangako sila na papag-aralang muli ang kaniyang kaso. Ang sulat ay hinatid lamang ng Pangalawang Alkalde ng Maynila na si Isko Moreno kay Mendoza paglubog ng araw.[20] Nagalit si Mendoza at pinahayag na ang sulat na ito ay isa lamang "basura" at hindi sinasagot ang kaniyang mga hinaing. Sinabi naman ni Lim na napagdesisyunan na nilang ibalik si Mendoza sa puwesto para matapos na ang krisis, ngunit hindi nila ito masabi kaagad dahil sa tindi ng trapiko.[21][22]
Noong dumating na ang mga tauhan ng SWAT ng MPD, pinahayag ni Mendoza sa pamamagitan ng isang panayam sa radyo sa DZXL na papatayin niya ang mga bihag at dinemanda niya sa mga tauhan ng SWAT na umalis na sa lugar.[23] Nakiusap ang kaniyang kapatid na si Gregorio Mendoza, na may ranggong Senior Police Officer-2 (SPO2, kasingtaas ng Korporal), na sumuko na ng payapa at sinabi din sa kaniya na 'walang magaganap dito.' Matapos ang negosasyon ay lumayas na rin siya.[24] Maya-maya ay inaresto si Gregorio Mendoza, at ang sabi ng MPD hindi siya pinakiusapan na makibahagi sa negosasyon, at ang isa pa ay mayroon siyang dalang baril sa exclusion zone. [25][26] Pinahayag din ni Pangulong Noynoy Aquino na nakadagdag pa ang kapatid ng tagabihag sa paglala ng sitwasyon sa pamamagitan ng pagdadagdag ng galit laban sa mga negosyador.[21]
Ang Paglusob
baguhinNapanood ni Mendoza ang pagkadakip sa kaniyang kapatid sa pamamagitan ng TV na nakakabit sa loob ng bus, at dahil dito mas lalo siyang nagalit. Napag-isipan na maaaring namaril na si Mendoza ng babalang putok pagkadakip sa kaniyang kapatid at anak.[27] Dinemanda na niya sa isang panayam sa radyo na palayain na ng pulis ang kaniyang kapatid, at kung hindi ay iisa-isahin na niyang papatayin ang mga bihag.[6][28] Inamin din ni Mendoza na bago man dakipin ang kaniyang kapatid ay nauna na niyang binaril ang dalawa sa mga bihag.
Umalingawngaw ang mga unang putok ng baril bandang 7:21 ng gabi. Sa pareho ding oras napaulat na binaril din ng mga sniper ang gulong ng bus matapos nitong gumalaw. Nakatakas ang tsuper ng bus bandang 7:30 ng hapon at ipinahayag sa pulis na patay na ang lahat ng mga bihag. Inamin din niya na ang pahayag na ito ay base sa kaniyang pagkasaksi kay Mendoza sa pagbaril sa tatlong mga bihag at sa iba pang mga lugar sa bus.[5][25][29] Noong nagalit si Mendoza sa pagkadakip sa kaniyang kapatid pinatay na niya ang tour guide na si Masa Tse na nakaposas sa bandang pintuan ng bus.[30] Ayon sa isang nakaligtas na si Joe Chan, limang bihag na lalaki ang nagtangkang sumugod kay Mendoza ngunit sila ay napatay bago pa man sila makalapit.[31]
Isa-isang binaril ni Mendoza ang mga bihag "habang nakatutok sa ulo" [31] Habang nagaganap ang ganitong putukan sinalag ni Ken Leung ang kaniyang sarili sa kaniyang asawa na si Amy at namatay sa mga tama ng baril, ngunit nailigtas niya ito mula sa matinding pagkahamak.[32] Namatay din ang kanilang mas nakakabatang anak na babae na si Jessie habang pinoprotekta niya ang kaniyang kuya na si Jason.[33] Nakaligtas si Joe Chan sa pamamagitan ng pagsalag niya sa mga bala ni Mendoza gamit ang kaniyang backpack na puno ng laman, ngunit napuruhan ang kaniyang dalawang galanggalangan.
Dumating ang mga tauhan ng SWAT bandang 7:37 ng gabi.[29] Tinangka ng mga pulis na basagin ang mga bintana ng bus ngunit sila ay pinagbabaril. Halos isang oras ang inabot sa pagtatangka nilang makubkob ang bus. At habang tinatangka nilang buksan ang pintuan apat na tear gas canister ang hinagis sa bus. Tinangka nilang sirain ang pintuan sa pamamagitan ng pagtali ng lubid dito at sa isang sasakyan ng pulis, ngunit napatid ang lubid.[34] Binaril na ng mga sniper na maghapon nang nakapuwesto si Mendoza sa ulo. Ayon sa Tagapagsalita ng Pangulo na si Edwin Lacierda sa mga oras na iyon, apat na bihag ang napatay habang ang anim na iba pa ay nakaligtas.[35] Dalawa pang katao sa labas ng bus: isang inhinyero ng TVB, isang estasyong pantelebisyon sa Hongkong, at isang batang lalaki, ang tinamaan ng ligaw na bala.[11]
Pagkatapos
baguhinMga bihag
baguhinAnim na bihag ang dinala sa Ospital ng Maynila, kung saan dalawa ang dineklarang patay na at ang apat ay nasa mabuti nang kalagayan; dalawang bihag ang dinala sa Pangkalahatang Ospital ng Pilipinas sa Ermita;[36] at ang natitirang pito ay dinala sa Manila Doctors Hospital.[37] Anim na bihag na dinala sa tatlong mga ospital na nabanggit, kabilang na ang tour guide na si Masa Tse, ang dineklara nang patay, habang ang dalawang iba pa ay nasa malubhang kalagayan. Nagtamo naman ang anim na nakaligtas ng kaunting pinsala at nilagay sa obserbasyon. Hininaing ni Gng. Leung (Ng Yau-woon, Amy) ang tagal ng oras na kakailanganin para mapasok ng mga pulisya ang bus.[38]
Nakatakas naman ang tsuper na si Alberto Lubang na nakaposas diumano sa manibela bago pa lumala ang sitwasyon. Maya't maya sinuspetsa ni Lim na dahil sa kaniyang pagiging mabait diumano sa tagabihag at sa dali ng kaniyang pagkakalabas sa bus, baka isa siya sa mga kasangkot sa pagbibihag.[39] Itinanggi naman ito ni Lubang, na nagsasabing mapapatunayan niya ang sinasabi niya dahil nasa kanya ang posas at kikil na ginamit niya upang lumaya.[5] Bandang Agosto 27, naiulat na nawawala ang tsuper ng bus.[40]
Daliang nilabas sa midya ang mga pangalan ng biktima.
Tala ng mga bihag at ibang mga biktima
baguhinPangalan | Edad | Kasarian | Kalagayan | Nasyonalidad | Pagkakilanlan[41] |
---|---|---|---|---|---|
Leung Kam Wing, Ken (梁錦榮) |
58 | Lalaki | Patay | Kanadyano[42] | Turistang taga-Hongkong; ama, pamilyang Leung[43] |
Leung Chung-see, Doris (梁頌詩) |
21 | Babae | Patay | Kanadyano[42] | Turistang taga-Hongkong; panganay na babae, pamilyang Leung[43] |
Leung Song-yi, Jessie (梁頌儀) |
14 | Babae | Patay | Kanadyano[42] | Turistang taga-Hongkong bunsong babae, pamilyang Leung[43] |
Wong Tze-lam (汪子林) |
51 | Lalaki | Patay | Tsino | Turistang taga-Hongkong; ama, pamilyang Wong[43] |
Yeung Yee-wa (楊綺華) |
44 | Babae | Patay | Tsino | Turistang taga-Hongkong ina, pamilyang Wong[44] |
Yeung Yee-kam (楊綺琴) |
46 | Babae | Patay | Tsino | Turistang taga-Hongkong; tiyahin, pamilyang Wong[44] |
Fu Cheuk-yan (傅卓仁) |
39 | Lalaki | Patay | Tsino | Turistang taga-Hongkong ama, pamilyang Fu[43] |
Tse Ting-chun, Masa (謝廷駿) |
31 | Lalaki | Patay | Tsino | Gabay sa paglalakbay na taga-Hongkong |
Leung Song Xue, Jason (梁頌學) |
18 | Lalaki | Lubhang sugatan dahil sa tama ng bala sa ulo[42] | Kanadyano[42] | Turistang taga-Hongkong; anak na lalaki, pamilyang Leung[43] |
Leung Ng Yau-woon, Amy (梁吳幼媛) |
53 | Babae | Bahagyang sugatan | Kanadyano[42] | Turistang taga-Hongkong; ina, pamilyang Leung[43] |
Yik Siu-ling (易小玲) |
32 | Babae | lubhang nasugatan: nabasag ang panga sa tama ng bala; naputulan ng dalawang darili[45] | Tsino | Turistang taga-Hongkong |
Chan Kwok-chu, Joe (陳國柱) |
46 | Lalaki | Lubhang sugatan: napuruhan sa galanggalangan | Tsino | Turistang taga-Hongkong |
Wong Cheuk-yiu, Tracey (汪綽瑤) |
15 | Babae | Bahagyang nasugatan sa paa | Tsino | Turistang taga-Hongkong; anak na babae, pamilyang Wong[43] |
Lee Ying-chuen (李瀅銓) |
36 | Babae | Bahagyang sugatan | Tsino | Turistang taga-Hongkong |
Lo Kam-fun (羅錦芬) |
66 | Babae | Bahagyang sugatan | Tsino | Turistang taga-Hongkong |
Wen Ming (溫明) |
47 | Lalaki | Nasugatan ng ligaw na bala | Tsino | Mang-uulat na taga-Hongkong (TVB News)[11] |
Ladrillo y Campanero, Mike[46] | ~13[46] | Lalaki | Sugatan : tinamaan sa hita | Pilipino | Pilipinong usisero[47] |
Chan, Diana | 32 | Babae | Pinalaya at hindi sinaktan | Pilipino | Pilipinong gabay sa paglalakbay |
Lubang, Alberto | 38 | Lalaki | Pinalaya at hindi sinaktan | Pilipino | Tsuper ng bus |
Cruz, Rigor | 19 | Lalaki | Pinalaya at hindi sinaktan | Pilipino | Tagalitratong Pilipino, kahaliling bihag |
Medril, Danilo | 65 | Lalaki | Pinalaya at hindi sinaktan | Pilipino | Tagalitratong Pilipino, kahaliling bihag |
Li Yick-biu (李奕彪) |
72 | Lalaki | Pinalaya at hindi sinaktan | Briton | Turistang taga-Hongkong |
Li Fung-kwan (李徐鳳群) |
66 | Babae | Pinalaya at hindi sinaktan | Briton | Turistang taga-Hongkong |
Tsang Yee-lai (曾懿麗) |
40 | Babae | Pinalaya at hindi sinaktan | Tsino | Turistang taga-Hongkong; ina, pamilyang Fu[43] |
Fu Chung-yin (傅頌賢) |
4 | Babae | Pinalaya at hindi sinaktan | Tsino | Turistang taga-Hongkong; anak na babae, pamilyang Fu[43] |
Fu Chak-yin (傅澤賢) |
10 | Lalaki | Pinalaya at hindi sinaktan | Tsino | Turistang taga-Hongkong; anak na lalaki, pamilyang Fu[43] |
Wong Ching-yat, Jason (汪政逸) |
12 | Lalaki | Pinalaya at hindi sinaktan | Tsino | Turistang taga-Hongkong; anak na lalaki, pamilyang Wong[43] |
Imbestigasyon
baguhinInutos ni Pangulong Benigno Aquino III ang agarang imbestigasyon, at dapat itong maiulat sa loob ng tatlong linggo. Gagawin ang imbestigasyong ito ng Post Critical Incident Management Committee (PCIMC), sa ilalim ng Joint Incident Investigation and Review Committee (JIIRC), na pinamumunuan ni Leila de Lima, ang Kalihim ng Kagawaran ng Katarungan .[48] Para magkaroon ng kaaninagan ang imbestigasyon, inimbitahan din ni Aquino ang pulisya ng Hongkong na sumali sa imbestigasyon.[49] Ngunit bilang sa pagsunod sa patakaran ng imbestigasyon sa pagitan ng ibat-ibang mga bansa pinayagan ang mga pulis-Hongkong na mag-obserba lamang at hindi makialam sa imbestigasyon bilang pangangalaga sa soberanya ng Pilipinas.[50] Pinahayag din ni de Lima na ang kaniyang ahensiya lamang ang may karapatang magpahayag ng impormasyon para sa midyang pambansa at sinabihan ang mga midya sa Hongkong na kumuha ng ulat galing mismo sa pamahalaan ng Hongkong. Ang kautusang ito ay pumapaloob sa lahat, kasama na doon ang grupo galing Hongkong na nagsasagawa ng imbestigasyon dito sa bansa.
Lumabas ang paunang ulat ng imbestigasyon noong 31 Agosto. Ayon sa ballistic test ng PNP, ang mga bala na tumama sa mga napatay na bihag ay galing sa loob ng bus. Sa mga nakunang bala ng M16 sa bus, 58 dito ang nanggaling kay Mendoza.[51] Inamin ni de Lima noong 3 Setyembre na maaaring ibinaril diumano ng mga pulis ang ilan sa mga bihag.[52]
Nakatakdang magtapos ang imbestigasyon sa 6 Setyembre, pero pinalawig pa ito hanggang 15 Setyembre. Pagkatapos ng pagkumpleto sa paunang pag-usisa, tutulak ang JIIRC patungong Hongkong para makipanayam ang mga nakaligtas sa krisis.[53] Noong 6 Setyembre, pinahayag ni Orlando Yebra, ang tumayong negosyador kay Mendoza, na walang opisyal na grupong negosyador ang kapulisan. Naiulat noong 7 Setyembre na tumanggi si Tanodbayan Merceditas Gutierrez at ang kaniyang kinatawan na si Emilio Gonzales na dumalo sa pagdinig. Nauna nang sinabi ng mga opisyal ng pulis na narinig nila si Mendoza na pinagbibintangan si Gonzales na tumatangka diumanong suhulan siya.[54]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Manila hostage incident victim name list". Hong Kong's Information Services Department Press Release. 24 Agosto 2010. Nakuha noong 24 Agosto 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Conde, Carlos (23 Agosto 2010). "Gunman and 8 Hostages Dead in the Philippines". The New York Times. Nakuha noong 24 Agosto 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 Carcamo, Dennis (2010-08-23). "Report: Disgruntled cop takes tourists hostage in Manila". Manila, Philippines: The Philippine Star. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-06-19. Nakuha noong 2010-08-23.
A dismissed police official has taken hostage 25 passengers of a tourist bus, including some children, in Manila this morning, a radio report said.
{{cite web}}
: More than one of|author=
at|last=
specified (tulong); Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2010-08-23 sa Wayback Machine. - ↑ (sa Tagalog) Driver escapes, says 'hostages all dead' Naka-arkibo 2010-09-03 sa Wayback Machine.. (23 Agosto 2010). ABS-CBN News.
- ↑ 5.0 5.1 5.2 "Bus driver: Hostage-taker got mad after brod's arrest". ABS-CBN News. 24 Agosto 2010. Nakuha noong 24 Agosto 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 6.2 "Driver escapes, claims Chinese hostages killed". Philippine Daily Inquirer. 23 Agosto 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Hunyo 2012. Nakuha noong 23 Agosto 2010.
{{cite news}}
: Unknown parameter|co-authors=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 16 April 2012[Date mismatch] sa Wayback Machine. - ↑ "Hong Kong bans Philippines travel after hijack deaths". BBC News. 24 Agosto 2010. Nakuha noong 24 Agosto 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 "PNP statement on the hostage-taking incident at Quirino Grandstand, 23 Agosto 2010, as of 1:14 PM". Philippine National Police. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Hunyo 2012. Nakuha noong 23 Agosto 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 20 September 2012[Date mismatch] sa Wayback Machine. - ↑ Robles, Alan (24 Agosto 2010). "Disgrace of a model policeman thrown out of force for corruption", South China Morning Post
- ↑ Papa, Alcuin (23 Agosto 2010). "Who is this hostage-taking cop?". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Hunyo 2012. Nakuha noong 23 Agosto 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 12 October 2012[Date mismatch] sa Wayback Machine. - ↑ 11.0 11.1 11.2 Natalie Wong (24 Agosto 2010). "Tour leader calmly sent SOS to office". The Standard. Hong Kong. Nakuha noong 24 Agosto 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ramos, Marlon (27 Agosto 2010). "NBI probing who brought hostage-taker to Fort Santiago" Naka-arkibo 2010-08-30 sa Wayback Machine., Philippine Daily Inquirer
- ↑ Chong, Dennis (26 Agosto 2010). "Police may go it alone in deaths probe", The Standard (Hong Kong)
- ↑ Carcamo, Dennis (23 Agosto 2010). "Lim calls for review of Manila hostage-taker's case". The Philippine Star. Manila, Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Hunyo 2012. Nakuha noong 23 Agosto 2010.
{{cite web}}
: More than one of|author=
at|last=
specified (tulong); Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 4 June 2016[Date mismatch] sa Wayback Machine. - ↑ Jemandre, Tessa. (27 Agosto 2010). How the media covered the Grandstand carnage. GMA News.
- ↑ Carcamo, Dennis (23 Agosto 2010). "6 freed in Manila hostage drama". The Philippine Star. Manila, Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Hunyo 2012. Nakuha noong 23 Agosto 2010.
Six hostages, including three children have been released to police by a dismissed police officer who took hijacked a bus carrying 25 tourists n Manila, a radio report said.
{{cite web}}
: More than one of|author=
at|last=
specified (tulong); Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 4 June 2016[Date mismatch] sa Wayback Machine. - ↑ "Ex-cop holds tourist bus passengers hostage in Manila". GMANews.tv. 23 Agosto 2010. Nakuha noong 23 Agosto 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jeannette Andrade, Cathy Miranda (23 Agosto 2010). "9th hostage freed, 17 others left onboard bus". Philippine Daily Inquirer, INQUIRER.net. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Hunyo 2012. Nakuha noong 23 Agosto 2010.
{{cite news}}
: Missing|author1=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2 October 2012[Date mismatch] sa Wayback Machine. - ↑ Padron:Zh-tw icon "菲人質事件陷僵局 槍手貼出字條「3p.m. dead lock」". Radio Taiwan International. 23 Agosto 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-06-19. Nakuha noong 24 Agosto 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cathy C. Yamsuan, Tetch Torres (23 Agosto 2010). "Policeman's demand for reinstatement nixed". Philippine Daily Inquirer. INQUIRER.net. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Hunyo 2012. Nakuha noong 23 Agosto 2010.
{{cite news}}
: Missing|author1=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 10 March 2012[Date mismatch] sa Wayback Machine. - ↑ 21.0 21.1 Chong, Dennis &agencies (25 Agosto 2010). "Letter reinstating Mendoza stuck in traffic", The Standard
- ↑ "Police were ready to reinstate hostage-taker at the last minute" Naka-arkibo 2010-09-02 sa Wayback Machine., Manila Standard Today
- ↑ "Police hostage-taker threatens to kill hostages". Agence France-Presse (AFP). INQUIRER.net. 23 Agosto 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Hunyo 2012. Nakuha noong 23 Agosto 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2 October 2012[Date mismatch] sa Wayback Machine. - ↑ Andrade, Jeannette (23 Agosto 2010). "Hostage-taking cop's brother walks out of negotiations". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Hunyo 2012. Nakuha noong 23 Agosto 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 5 October 2012[Date mismatch] sa Wayback Machine. - ↑ 25.0 25.1 "Shots fired in Manila hostage crisis — report". GMANews.tv. 23 Agosto 2010. Nakuha noong 23 Agosto 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "President Aquino: SPO2 Gregorio Mendoza in custody". ANC News. 23 Agosto 2010. Nakuha noong 23 Agosto 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Dismissed cop kills most of Chinese hostages—tourist bus driver". INQUIRER.net. 23 Agosto 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Agosto 2010. Nakuha noong 28 Agosto 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Gunman tells live radio he shot two Hong Kong hostages". Agence France-Presse (AFP). INQUIRER.net. 23 Agosto 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Hunyo 2012. Nakuha noong 23 Agosto 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2 October 2012[Date mismatch] sa Wayback Machine. - ↑ 29.0 29.1 Abella, Jerrie, Pia Faustino, et al. (24 Agosto 2010). Massacre in nation's heart: Timeline of Manila bus siege. GMA News. Retrieved 26 Agosto 2010.
- ↑ Africa, Raymond & Bengo, Regina (25 Agosto 2010), "The morning after" Naka-arkibo 2010-08-29 sa Wayback Machine., The Malaya (Manila)
- ↑ 31.0 31.1 Padron:Zh-hk icon"倖存團友︰槍手逐個屠殺". Headline Daily. 26 Agosto 2010. Nakuha noong 30 Agosto 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "'My husband died shielding me with his body'". The Standard, Hong Kong. 24 Agosto 2010. Nakuha noong 30 Agosto 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Padron:Zh-hk icon"梁家幼女為兄擋兩槍犧牲". Headline Daily. 26 Agosto 2010. Nakuha noong 30 Agosto 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Manila Hostage Drama: During and After Story and Pictures". ALLVOICES.com. 23 Agosto 2010. Nakuha noong 23 Agosto 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Abella, Jerrie (23 Agosto 2010). "Hostage crisis ends in bloody carnage; 4 hostages dead". GMANews.tv. Nakuha noong 23 Agosto 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gomez, Jim (23 Agosto 2010). "Hospitals: 6 out of 15 bus hostages dead". Google News. Associated Press. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-08-27. Nakuha noong 24 Agosto 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "3 injured Hong Kong hostages in stable condition: doctors". Xinhua News Agency. 24 Agosto 2010. Nakuha noong 25 Agosto 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Police admit blunders in hostage crisis". Agence France-Presse. INQUIRER.net. 24 Agosto 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Agosto 2010. Nakuha noong 24 Agosto 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 25 August 2010[Date mismatch] sa Wayback Machine. - ↑ Staff reporter (25 Agosto 2010). "Bus driver feels heat", The Standard (Hong Kong)
- ↑ "Tourist bus driver missing?", abs-cbnNEWS.com. 27 Agosto 2010
- ↑ Padron:Zh-hk"同遊菲國出事 元配趕往揭發 重傷港漢有二奶". Sing Pao Daily News. 25 Agosto 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Hunyo 2011. Nakuha noong 25 Agosto 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 11 June 2011[Date mismatch] sa Wayback Machine. - ↑ 42.0 42.1 42.2 42.3 42.4 42.5 Lee, Ella; Wong, Martin & Lam, Anita (26 Agosto 2010). "Teen fights for life in hospital, but cause of head injury unclear", South China Morning Post
- ↑ 43.00 43.01 43.02 43.03 43.04 43.05 43.06 43.07 43.08 43.09 43.10 43.11 Lam, Anita; Wong, Martin; Eng, Dennis & Lo, Clifford (25 Agosto 2010). "The casualties and the fortunate few", South China Morning Post (note: The journal erroneously wrote: "Wong Tze-lam, 51, his wife, Yeung Yee-kam, 46, and sister-in-law, Yeung Yee-wa, 44 (all dead), the couple's son, Jason Wong Ching-yat, 12 (set free), and daughter Tracey Wong Cheuk-yiu, 15 (injured)")
- ↑ 44.0 44.1 Padron:Zh-hk icon"無情槍火奪走至親 真正死傷原因成謎". am730. 25 Agosto 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Enero 2013. Nakuha noong 27 Agosto 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 7 Enero 2013 at Archive.is - ↑ Padron:Zh-hk"馬尼拉受傷一名女團友下顎中槍舌頭破爛需接受整形". Commercial Radio Hong Kong. 24 Agosto 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Hunyo 2012. Nakuha noong 24 Agosto 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 20 June 2012[Date mismatch] sa Wayback Machine. - ↑ 46.0 46.1 "Spot Report re: Hostage Taking Incident". Manila Police District via Next Magazine and Martin Oei. 23 Agosto 2010. Nakuha noong 28 Agosto 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Padron:Zh-hk icon"記者中流彈擦傷 裝器材鐵箱當護盾". Ming Pao. Hong Kong. 24 Agosto 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Agosto 2010. Nakuha noong 24 Agosto 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 27 August 2010[Date mismatch] sa Wayback Machine. - ↑ Avendaño, Christine O.; Papa, Alcuin & Kwok, Abigail (30 Agosto 2010). "DOJ chief the only spokesperson on hostage crisis probe--Palace" Naka-arkibo 2010-09-02 sa Wayback Machine. Philippine Daily Inquirer
- ↑ Gil C. Cabacungan Jr. (31 Agosto 2010). "Honasan: Allowing HK cops in hostage-taking probe a gesture of transparency" Naka-arkibo 2012-10-04 sa Wayback Machine., Philippine Daily Inquirer
- ↑ Padron:Zh-hk icon"菲律賓發聲明 港警不能插手". Headline News. 30 Agosto 2010. Nakuha noong 31 Agosto 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Forensic team examines death bus". The Standard. Hong Kong. 31 Agosto 2010. Nakuha noong 31 Agosto 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://edition.cnn.com/2010/WORLD/asiapcf/09/09/philippines.bus.hostage/index.html?hpt=T1#fbid=KI9W1Oknxyp
- ↑ http://www.thestandard.com.hk/news_detail.asp?pp_cat=13&art_id=102617&sid=29488518&con_type=1&d_str=20100906&sear_year=2010
- ↑ http://www.thestandard.com.hk/news_detail.asp?pp_cat=13&art_id=102651&sid=29495479&con_type=1&d_str=20100907&sear_year=2010