Pagkawala nina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño
Sina Sherlyn Cadapan (1976/1977 – nawala noong 26 Hunyo 2006)[1] at Karen Empeño (1983/1984 – nawala noong 26 Hunyo 2006)[1] ay mga mag-aaral na parehong nawala sa Hagonoy, Bulacan, noong 26 Hunyo 2006, habang ginagawa ang kanilang proyekto sa paaralan.[2]
Sherlyn Cadapan at Karen Empeño | |
---|---|
Kapanganakan | Cadapan: Padron:Birth based on age at death Empeño: Padron:Birth based on age at death Kalakhang Maynila, Pilipinas (pareho) |
Naglaho | Padron:Disappeared date Hagonoy, Bulacan, Pilipinas |
Katayuan | Padron:Missing for |
Edukasyon | Unibersidad ng Pilipinas Diliman |
Konteksto
baguhinSi Sherlyn Cadapan ay ang pangalawang anak na ipinanganak sa pamilya Cadapan at isang senior sa siyensiyang pang-sports sa panahon ng kaniyang pagkawala.[2] Ayon sa kanyang ina na si Linda Cadapan, isa siyang sprinter sa ilalim ng varsity scholarship. Nakiisa rin si Cadapan sa mga protesta laban sa tumataas na presyo ng gasolina at mga pang-aabuso sa karapatang pantao sa ilalim ng administrasyong Arroyo; ang kaniyang pampulitikang pananaw ay dating hindi ikinasiya ng kaniyang ina[3] Si Karen Empeño ay isang magtatapos na estudyante sa sosyoliya at siya ay inilarawan bilang palakaibigan ng kaniyang ina.[kailangan ng sanggunian]
Pagkawala
baguhinNoong 26 Hunyo 2006, sina Cadapan at Empeño, parehong alumni ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman, ay dinukot ng mga lalaking militar sa Hagonoy, Bulacan, sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo,[4] at inakusahan ng pagiging miyembro ng Partido Komunista ng Pilipinas . Ang insidenteng ito ay nangyari sa panahon ng matinding labanan sa Gitnang Luzon sa pagitan ng gobyerno at ng komunistang Bagong Hukbong Bayan.[5] Ayon sa opisyal na imbestigasyon, sinabi ng nakasaksi na si Raymond Manalo na tinortyur ni Heneral Jovito Palparan si Sherlyn sa pamamagitan ng paghampas sa kanyang bibig at pagsuntok sa kaniyang dibdib at tiyan hanggang sa dumugo ang mga ito. Gamit ang mga tablang gawa sa kahoy, hinampas ni Palparan ang mga ito laban sa biktima upang paaminin ni Sherlyn na siya ay isang komunista, habang si Sherlyn ay patuloy na nagsasabi na gusto na niyang umuwi sa kaniyang mga magulang. Sinabi rin ni Manalo na nakita niya ang militar na nagnanakaw sa mga kalapit na tagabaryo, nagsusunog ng mga bangkay gamit ang gasolina, at pinagbabaril ang isang lalaking nakasakay sa kalabaw dahil sa trabaho sa bukid. Nabanggit din sa salaysay ni Manalo na noong Abril 2007, nakita niya si Sherlyn na nakahandusay nakahubad sa isang upuan na bumagsak sa sahig, nakatali ang mga pulso at nakatali ang isang paa, habang hinahampas ng mga tablang kahoy, kinukoryente, at pagkatapos ay kalahating nilunod. Pinaglaruan din ng militar ang kaniyang katawan, nagtusok ng mga bagay na gawa sa kahoy ang loob ng ari ni Sherlyn, matapos malaman na magsusulat si Sherlyn sa isang tao. Si Sherlyn, dahil sa matinding pagpapahirap, ay nagbulalas na ang pagsusulat ay ideya ni Karen. Pagkatapos ay kinaladkad ng militar si Karen palabas ng kanyang selda, hinubaran siya, itinali ang kaniyang mga pulso at bukung-bukong, pagkatapos ay binugbog siya, isinailalim sa water torture, pinaso siya ng sigarilyo, at ginahasa siya ng mga piraso ng kahoy. Pagkatapos ay nilabhan ni Manalo ang damit ng dalawang babae, kasama na ang panty nilang basang-dugo. Napansin din niya na ang balde na naglalaman ng ihi ng dalawang babae na napuno ng 'tipak ng dugo'.[4][5]
Kinahinatnan
baguhinInakusahan ng makakaliwang partidong pulitikal na Bagong Alyansang Makabayan ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas na sangkot sa pagkawala ng mga kababaihan at diumano'y pagkamatay. Ang dating heneral at dating kongresistang si Jovito Palparan–na kilala bilang Berdugo para sa kanyang pagkakasangkot[kailangan ng sanggunian]–ay idinawit ng gobyerno ng Pilipinas noong 2011 para sa kidnapping, tortyur, at pagpaslang.[6][7][8][9] Siya ay inaresto para sa mga pagkawala noong 2014.[kailangan ng sanggunian] Si Palparan ay tumakbong senador noong halaln 2016, ngunit natalo.[10] Noong 17 Setyembre 2018, hinatulan si Palparan ng habambuhay na pagkakakulong matapos mahatulan sa kaniyang pagkakasangkot sa mga pagkawala.[11] Sina Tenyene Koronel Felipe Anotado at S/Sgt Edgardo Osorio ay hinatulan kasama si Palparan para sa pagkidnap kina Cadapan at Empeño.[11][12]
Ang sapilitang pagkawala ay ginugunita tuwing Undas ng kanilang mga kamag-anak.[13]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin
- ↑ 1.0 1.1 "WHAT WENT BEFORE: Abduction of UP students Karen Empeño and Sherlyn Cadapan". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 15 Hunyo 2021.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "The disappearance of Karen Empeño and Sherlyn Cadapan". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 15 Hunyo 2021.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Finding Sherlyn Cadapan". Rappler. Nakuha noong 16 Hunyo 2021.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 "2 UP students still missing after 7 years". Rappler. Hunyo 28, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 "Karen Empeño and Sherlyn Cadapan: Fates Intertwined by a Desire to Serve the Masses - Bulatlat". Bulatlat (sa wikang Ingles). 2009-06-27. Nakuha noong 2017-05-07.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Hunt on for Palparan | Inquirer News". newsinfo.inquirer.net. 2011. Nakuha noong 28 Disyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Hunt on for Palparan - Yahoo!". ph.news.yahoo.com. 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Enero 2012. Nakuha noong 28 Disyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 9 January 2012[Date mismatch] sa Wayback Machine. - ↑ "Manhunt launched for retired general Jovito Palparan | Sun.Star". sunstar.com.ph. 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Septiyembre 2013. Nakuha noong 28 December 2011.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) Naka-arkibo 21 September 2013[Date mismatch] sa Wayback Machine. - ↑ "Manhunt on for 'The Butcher' - ucanews.com". ucanews.com. 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Marso 2012. Nakuha noong 28 Disyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ News, ABS-CBN. "Palparan son files COC for dad". ABS-CBN News. Nakuha noong 2019-08-27.
{{cite web}}
:|last=
has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 11.0 11.1 Buan, Lian (Setyembre 17, 2018). "Jovito Palparan found guilty". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong Setyembre 17, 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lopez, Ron; Macapagal, Maan (2018-09-17). "Palparan found guilty of kidnapping in case of 2 UP students". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-06-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ See the following reports of desaparecidos:
Walang kategorya ang artikulong ito.
Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito.(Disyembre 2023) |