Pagpapasuso

(Idinirekta mula sa Pagsuso)

Ang pagpapasuso o pagpapadede ay ang pagpapakain at pagpapainom sa isang sanggol o bata ng gatas mula sa suso na tuwirang nanggagaling mula sa suso ng babaeng tao sa pamamagitan ng laktasyon, sa halip na mula sa isang boteng pambata o iba pang lalagyan. Mayroong hindi kusang pagsupsup o paghitit ang mga sanggol kaya't nakapagsasagawa sila ng pagsipsip at paglunok ng gatas. Karamihan sa mga ina ang nakapagpapasuso sa loob ng anim na mga buwan o mahigit pa, na hindi nangangailangang magdagdag ng pormulang pangsanggol o pagkaing buo.

Isang inang nagpapasuso ng kanyang sanggol sa Natal, Brasil.

Pinakamalusog sa lahat ng uri ng mga gatas para sa sanggol na tao ang gatas na nagmumula sa mga suso ng tao.[1] May ilang mga hindi kasali rito, katulad ng kapag gumagamit ang ina ng partikular na mga gamot o may tuberkulosis o HIV. Nakapagtataguyod ng kalusugan ang pagpapasuso, nakatutulong sa pag-iwas sa karamdaman, at nakababawas ng mga halagang pangpagpapakain at pangangalagang pangkalusugan.[2] Sa kapwa umuunlad at maunlad na mga bansa, may kaugnayan ang hindi likas na pagpapasuso sa mas maraming kamatayan dahil sa pagtatae ng mga sanggol.[3] Sumasang-ayon ang mga dalubhasa na kapakipakinabang ang pagpapasuso, ngunit maaaring hindi magkasundo hinggil sa tagal ng panahon ng pagpapasuso na pinaka kapakipakinabang, at ukol din sa paggamit na mga artipisyal na pormula ng gatas.[4][5][6]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Picciano M (2001). "Nutrient composition of human milk". Pediatr Clin North Am. 48 (1): 53–67. doi:10.1016/S0031-3955(05)70285-6. PMID 11236733.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Riordan JM (1997). "The cost of not breastfeeding: a commentary". J Hum Lact. 13 (2): 93–97. doi:10.1177/089033449701300202. PMID 9233193.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Horton S, Sanghvi T, Phillips M, at iba pa. (1996). "Breastfeeding promotion and priority setting in health". Health Policy Plan. 11 (2): 156–68. doi:10.1093/heapol/11.2.156. PMID 10158457.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  4. Kramer M, Kakuma R (2002). "Optimal duration of exclusive breastfeeding". Cochrane Database Syst Rev: CD003517. doi:10.1002/14651858.CD003517. {{cite journal}}: Text "i 11869667" ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Baker R (2003). "Human milk substitutes. An American perspective". Minerva Pediatr. 55 (3): 195–207. PMID 12900706.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Agostoni C, Haschke F (2003). "Infant formulas. Recent developments and new issues". Minerva Pediatr. 55 (3): 181–94. PMID 12900705.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)