Pamamaril sa RCBC Cabuyao
Ang Pamamaril sa RCBC Cabuyao ay isang krimen ng pamamasalang ang naganap sa lungsod ng Cabuyao sa Laguna noong Mayo 16, 2008, Ang pangyayaring ito ay isa sa madugong masaker ng panghoholdap sa bangko sa Pilipinas, na hindi bababa sa 10 (sampu) ang pinaslang.[1]
RCBC Cabuyao shooting | |
---|---|
Lokasyon | LISP Gate 1. Pulo-Diezmo Road, Cabuyao, Laguna, Pilipinas (abandunado) |
Petsa | Mayo 16, 2008 (16 taon, 6 buwan at 4 araw) alas-8 ng umaga (PST, UTC+8) |
Target | Empleyado (sibilyan) |
Uri ng paglusob | Masaker o maramihang pamamaslang |
Sandata | Mga matataas na kalibre ng baril |
Namatay | 10 (kumpirmado) |
Nasugatan | 1 (pulis) |
Buod
baguhinNagtamo ang lahat ng biktima ng tama sa ulo ay naganap ang isang "summary execution" habang ginagawa ng mga salarin ang kanilang pakay na tangayin ang mga perang nakalagay sa vault na nagkakahalagang P9M hanggang 12 milyon.
Suspek
baguhinKinalala mga suspek na sina "Pepito Magsino", "Montano Tolentino" at ang guwardiyang si "Joel dela Cruz", Isang witness na nagsilbing look out na nagngangalang "Roger", Na ang pakay ng mga ito ay walang itira na buhay na makakapagsabi at makakasiwalat ng mangyayari sa loob ng bangkong RCBC, isang sekyu ang nag leave sa araw na iyon na nagngangalang "Joel dela Cruz" isa sa mga hininalang suspek (inside job), Napagalaman ng mga pulis.
Talaan ng mga salarin
baguhin- Pepito Magsino (suspek)
- Montano Tolentino (suspek)
- Danilo Letoquit (suspek)
- Jesus Narvaez (akusado)
- Ricardo Gomolon (testigo)
- Joel dela Cruz (guwardiyang testigo)
- Crisanto Alvarez (akusado)
- Jake Javier (suspek)
- Vivencio Javier
- Jun Alvarez
- Allan Bago
- Eugene Hilario (akusado)
- 1 babae
Mga biktima
baguhinHabang tahimik na nangyayari sa loob ang pagpaslang sa mga biktima, kabilang sa mga ito ang isang kliyente na nagngangalang Ferdinand at dalawang kahera na kinilalang sina Olga Gonzales at Teresita Umayam, Ay isa sa mga napaslang.
Talaan ng mga biktima
baguhin- Roberto P. Castro (bank manager)
- Ferdinand Antonio (kliyente)
- Teresita Umayam (kahera)
- Noel O. Miranda (commercial manager)
- Juan Layva (janitor)
- Bernardo C. Lapaan Jr. (operation assistant)
- Baltazar Aguilando (guwardya)
- Olga R. Gonzales (kahera)
- Benjamin Nicdao Jr. (teller)
- Isagani C. Pastor (pr. manager)
Pangyayari
baguhinIsang liblib na bangko na branch ng RCBC sa baryo Diezmo, lungsod ng Cabuyao na nasa entrada ng Light Indistrial Science Park LISP II, at katabi ng isang kompanyang "TAWI" (Pulo-Diezmo Road). Ika Mayo 16, 2008, pasadong 8am ng umaga ay walang kaalam-alam ang mga empleyado at kliyente sa oras na iyon, Ayon sa mga pulis ang ang oras ng pagbukas ng bangko ay nasa dakong 9am ng umaga, Isang kliyente ng bangko na kinilala na si Ferdinand Antonio ang isa sa mga ipinasok ng suspek sa loob kalaunan ay walang ingay na nangyayari sa loob ng bangko, ni kahit ang mga drayber ng tricycle at katabing pabrika nito ay hindi narinig ang pangyayari o sinong saksi ang makakapagsabi. Ayon sa "Kapulisang Istasyon ng Cabuyao" ay nakahilerang magkakadapa ang mga biktima (summary execution). Sa lumabas na ulat ang mga suspek ay kinilalang mga grupo ng Ozamiz at Tanauan Roberry, Javier Gang notorious group ang nasa likod ng panghoholdap.
Pagtugis
baguhinKalaunan ang mga suspek matapos nilang mapatay ang mga biktima ay dumaan ito sa likoran ng bangko, hanggang sa ilang minuto ay dumating ang mga pulis. Nagkaroon ng agarang manhunt operation ang (PNP) na nauwi sa shootout sa Batangas sa Tanauan, base sa kriminal sindikato ay kinilala sa dating nagngangalang Ricardo Gomolon.[2]
Dating lugar at mga pagbabago
baguhinAng lumang gusali ng "RCBC Science Park" ay abandunado sa taon kasalukuyan, na pag mamayari na ng "New Vista Properties Inc." matapos ang masaker noong ika Mayo 2008, ngunit taong 2013, nailipat na sa mas mataong lugar sa kaparehong lugar pa din ang RCBC Science Park Branch na matatagpuan na sa ADMIN Building at mas hinigpitan pa ang seguridad nito upang hindi na muling maulit ang nangyaring masaker.