Pamantasang Comenius sa Bratislava

Ang Pamantasang Comenius sa Bratislava (Eslobako: Univerzita Komenského v Bratislave; Ingles: Comenius University in Bratislava) ay ang pinakamalaking unibersidad sa Slovakia. Karamihan sa mga fakultad nito ay matatagpuan sa Bratislava. Ito ay itinatag noong 1919, ilang sandali matapos ang paglikha sa Czechoslovakia. Ito ay ipinangalan kay Jan Amos Comenius, isang guro at pilosopong Czech noong ika-17 siglo.

Noong 2006, ang unibersidad ay may higit sa 30,000 mag-aaral at 2,000 miyembro ng kahuruan. Tulad ng karamihan sa mga unibersidad sa Slovakia, malaking bahagi ng pondo nito ay nagmula sa pamahalaan. Kahit na nagkaroon ng mga plano upang simulan ang paniningil ng mga bayarain sa mga mag-aaral sa unibersidad sa Slovakia sa loob ng ilang taon, ang isa sa mga pagtatangka ay nabigong makakuha ng sapat na suporta sa parliyamento noong Mayo 2005.

Matapos ang rebolusyong anti-Komunista na tinatawag na "Rebolusyong pelus" noong 1989, ang unibersidad ay lumikha ng isang demokratikong pamamahala sa sarili, at ang mga mandatoryong kurso sa ideolohiyang Marxista ay binuwag. Sumanib sa unibersidad ang Roman Catholic Faculty of Teolohiya at Evangelical Theological Faculty.

Ang pagbabagong-anyo ng Slovakia patungo sa ekonomiyang merkado ay lumikha ng pangangailangan para sa mga propesyonal sa pamamahala at agham pinansiyal. Bilang resulta, ang unibersidad ay nagtatag ng Faculty of Management noong 1991 at Faculty of Social and Economic Sciences noong 2002. Noong 2000, naipatupad ang European credit transfer system upang maisaayos ang mobilidad ng mga estudiyante.

Listahan ng mga fakultad

baguhin
 
Gusali ng Faculty of Mathematics, Physics and Informatics, na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Bratislava
 
Jessenius School of Medicine sa Martin
  • Faculty of Medicine 
  • Faculty of Law 
  • Faculty of Philosophy 
  • Faculty of Natural Sciences 
  • Faculty of Education 
  • Faculty of Pharmacy 
  • Faculty of Physical Education and Sports 
  • Jessenius School of Medicine in Martin 
  • Faculty of Mathematics, Physics and Informatics 
  • Roman Catholic Faculty of Theology of Cyril and Methodius 
  • Evangelical Lutheran Theological Faculty 
  • Faculty of Management 
  • Faculty of Social and Economic Sciences

48°08′28″N 17°06′57″E / 48.14122°N 17.11594°E / 48.14122; 17.11594   Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.