Pambobomba sa Baghdad noong 8 Disyembre 2009

Mga pag-atake ng mga terorista sa Iraq

Ang Pambobomba sa Baghdad noong 8 Disyembre 2009 ay mga pag-atake sa Baghdad, Irak na kumitil nang hindi bababa sa 127 katao at nang 448 pang sugatan.[1] Ang pag-atake ay kinondena ng iba't-ibang bansa bilang isang terorismo,[1][3] ilang elemento sa politika ng Irak ang nagsabing ang mga pag-atake ay dahil sa korapsiyon sa loob ng Pwersa ng Seguridad ng Irak at ang kawalan umanong kontrolin ng Punong Ministro, Nouri al-Maliki ang nasabing insidente.[4]

Pambobomba sa Baghdad noong 8 Disyembre 2009
LokasyonBaghdad, Iraq
Petsa8 Disyembre 2009
10.30am – (UTC+3)
TargetMultiple
Uri ng paglusobCar bombs
Namatay127+
Nasugatan440+
Hinihinalang salarinAl-Qaeda in Iraq[1]
Baath Party[2]

Pag-atake

baguhin

Naganap ang pag-atake umaga nang 8 Disyembre 2009 tinatayang mga 10.30 ng umaga. Naiulat ng mga mamamayan doon na hindi bababa sa tatlong magkakasunod ang pagsabog at mayroon pang sumunod na dalawa. Kinahapunan iniulat ng mga opisyal ang limang pagsabog sa lugar. Pinaniniwalaang planado ang mga pag-atake, at ayon sa mga opisyal hindi bababa sa 127 katao ang namatay at 200 pa ang pinaniniwalaang nasugatan,[4][5] Inaasahan pang tataas ang nasabing bilang sa pagdaan ng mga oras.[5]

Pinaniniwalaang ang mga gusali ng pamahalaan ang puntirya ng pagpapasabog ayon na rin sa ipinapahiwatig ng mga nasunog na sasakyan sa labas ng mga Ministeryo ng Pananalapi, Ugnayang panlabas, at Katarungan.[6] Isa sa mga pag-atake ay gawa ng isang suicide bomber na ang puntirya ay isang patrol ng pulisya, nagdulot ang pag-atakeng iyon ng pagkasugat ng ibang tao sa kalapit na kolehiyo sa Dora.[7] Pinaghihinalan ang iba pang mga bomba ay pinasabog gamit ang orasan o remote.[4]

Ang pag-atake ang itinuturing na pinakamapaminsala simula noong Pambobomba sa Baghdad noong 25 Oktubre 2009, na kumitil ng 155 katao at nag-iwan ng 500 sugatan.[1]

Kinalabasan

baguhin

Dahil mabilis ang sunod-sunod na pagsabog hindi na napigilan ng mga pwersa ng seguridad ang dulot nitong pinsala.[8] Subalit sinabi naman ng ilang pinuno ng oposisyong partido sa Irak na maaaring ang mga pag-atake ay dahil sa korbap na mga opisyal ng pwersa ng seguridad at inakusahan pa nila na hindi kayang kontrolin nang Punong Ministro na si Mr Maliki ang insidente.[4] Binatikos naman ni Colonel Ahmed Khalifa ng Hukbo ng Irak ang mga guwardiya dahil isa umano itong "malinaw na kapabayaan at katamaran."[9]

Dahil sa pakiramdam nila ay hindi nila kayang hawakan ang kinalabasan ng mga pag-atake humingi na ng tulong ang pwersa ng seguridad ng Irak sa pwersa ng Amerika, na siyang namahala sa mga gawaing forensic at pamamahala ng mga tao,[9] gayundin ang pagdadala ng mga nakaligtas sa ospital.[8]

Mga reaksiyon

baguhin

Kinondena ng ibang bansa ang pag-atake at nagpahatid na ng pakikiramay ang E.U. at Nagkakaisang Kaharian, gayundin ang Jordan. Pinaniniwalaang ang mga pag-atake ay gawa ng Al-Qaeda para maliitin ang nangyaring halalan [kailangan ng sanggunian], kahit pa wala pang umaako ng responsibilidad sa pangyayari.

  Iraq: Sinabi ni Nouri al-Maliki, Punong Ministro ng Irak, na ang mga pag-atake ay pagtatangkang "hadlangan ang halalan" at magdulot ng kaguluhan.[2] Sinisi naman ni Mowaffaq al-Rubaie, Pambansang Tagapayo ng Seguridad ng Irak, ang Al-Qaeda at sinabing: "Layuning [nila] maipakita na hindi kayang protektahan ng pamahalaan ang mga sibilyan at ang mga mamamayan gayundin ang pagpigil sa mga tao na magtungo sa halalan."[1] Al-Qaeda rin ang sinisisi ni Major General Qassim Atta.[2]

Subalit sinabi naman ng ilang pinuno ng oposisyong partido sa Irak na maaaring ang mga pag-atake ay dahil sa korbap na mga opisyal ng pwersa ng seguridad at inakusahan pa nila na hindi kayang kontrolin nang Punong Ministro na si Mr Maliki ang insidente.[4] Binatikos naman ni Colonel Ahmed Khalifa ng Hukbo ng Irak ang mga guwardiya dahil isa umano itong "malinaw na kapabayaan at katamaran."[9]

  United Kingdom: Sinabi ng isang tagapagsalita ni Punong Ministro ng Britanya, Gordon Brown, na ang "tunay na pagbabago" ay ginawa sa seguridad at politika ng Irak, at "ang mga naghahangad ng para maliitin ang gawaing ito ay hindi magtatagumpay".[1] Nagpahayag naman ng pagsuporta ang Kalihim ng Panlabas na si David Miliband sa mga opisyal ng Irak laban sa mga gawain nila laban sa terorismo at sinabing nakikiisa siya sa mga naapektuhan ng pangyayari. Idinagdag pa niya na ipinapakita ng mga politiko at mga mamamayan ang matinding determinasyon na magkaroon ng demokratikong pamahalaan.[3]

  Estados Unidos: Kinondena ni Robert Gibbs, tagapagsalita ng Puting Tahanan ang mga pag-atake, at nagkomentong nagpapakita lamang ang ito na mayroong natatakot sa katotohanang ang Irak "ay gumagalaw na sa tamang landas".[1]

  Jordan: Kinondena ni Haring Abdullah II ang pag-atake bilang terorismo. Nagpaabot na siya ng pakikiramay kay Pangulo ng Irak Jalal Talabani.[10]

Tingnan rin

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
 
Wikinews
May kaugnay na balita ang Wikinews tungkol sa artikulong ito:
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 "Baghdad car bombs cause carnage". BBC News. Nakuha noong 08 Disyembre 2009. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  2. 2.0 2.1 2.2 "Baghdad bomb blasts leave 127 dead". Sydney Morning Herald. Nakuha noong 08 Disyembre 2009. {{cite news}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  3. 3.0 3.1 "Britain condemns Baghdad bombings". xinhuanet. Nakuha noong 08 Disyembre 2009. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 "More than 120 killed in Baghdad bombings". Telegraph. Nakuha noong 08 Disyembre 2009. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  5. 5.0 5.1 "Scores Killed as Blasts Shake Baghdad". The Wall Street Journal. Nakuha noong 08 Disyembre 2009. {{cite news}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  6. "Car bombings in Baghdad leave 101 dead". The money times. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Hulyo 2011. Nakuha noong 08 Disyembre 2009. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong) Naka-arkibo 21 July 2011[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  7. "Car-Bombs Kill Over 100, Wound Dozens in Baghdad". Voa news. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Disyembre 2009. Nakuha noong 08 Disyembre 2009. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  8. 8.0 8.1 "Baghdad blasts claim lives of more than one hundred people". Thaindian. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Enero 2012. Nakuha noong 08 Disyembre 2009. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong) Naka-arkibo 27 January 2012[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  9. 9.0 9.1 9.2 "Iraq insurgents try to blast elections off course". Times online. Nakuha noong 08 Disyembre 2009. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)[patay na link]
  10. "Jordan's king condemns Baghdad bombings". Monsters and Critics. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-01-28. Nakuha noong 08 Disyembre 2009. {{cite news}}: Check date values in: |accessdate= (tulong) Naka-arkibo 2013-01-28 at Archive.is