Poltri

domestikadong ibon na inaalagaan ng mga tao para sa kanilang itlog, karne, o balahibo
(Idinirekta mula sa Pampoltri)

Ang poltri (Ingles: poultry) ay tumuturing sa mga ibong inaalagaan sa bukirin, na karaniwang pinalalaki para ibenta, lutuin at kainin ang kanilang karne at itlog ng tao. Kabilang sa mga poltri ang manok, pabo, gansa, bibe, pato at kalapati. Kung minsan, ginagamit din ang salitang poltri bilang kasingkahulugan ng manukan.[1]

Poltri ng mundo

Depinisyon

baguhin

Ang poltri (poultry) ay hango gamit sa uri ng ibon at domestikong ibon at tradisyonal sa tawag bilang wildfowl, ang poultry ay maaring tawag sa mga: domestikong ibon, kasama ang manok, pabo, paboreal, abestrus, pato/itik, gansa at sisne. Na nahahanay sa pamilyang ibon.

Mga Halimbawa

baguhin
Ibon Ligaw na ninuno Domestikasyon Utilisasyon Larawan
Manok Pulang junglefowl Southeast Asia Itlog at karne  
Domestikong pabo Ligaw na pabo Mehiko Karne  
Domestikong pato Mallard Various Itlog at karne  
Domestikong gansa Greylag Various Itlog at karne  
Guinea fowl Helmeted guineafowl Aprika Karne  
Pigeon Rock dove Middle East Karne  
 
Ang isang Manok kasama ang kanyang mga inakay sa Portugal

Ang mga domestikong manok o chicken ay nagmula mula sa Labuyo (Gallus gallus) at siyentipikong inuuri bilang parehong species. Ang parehong ito ay malayang makakabuo ng supling. Ang kamakailang pagsisiyasat na henetiko ay nagpapakitang ang gene para sa dilaw na balat ng manok ay isinama sa mga domestikong ibon sa pamamagitan ng pagha-hybrid sa Grey Junglefowl (G. sonneratii). Ayon sa mga kamakailang pag-aaral, ang mga domestikong manok ay may maraming mga pinagmulang pangina. May mga kladong matatagpuan sa Amerika, Europa, Gitnang Silangan at Aprika na nagmula sa subkontinenteng Indiyano kung saan ang isang malaking bilang ng mga natatanging haplotype ay umiiral.Ang mga manok mula sa kulturang Harappan ng Lambak Indus noong 2500-2100 BCE sa ngayong Pakistan ay maaaring ang pangunahing pinagmulan ng malawak na pagkalat ng mga manok sa buong mundo.

Tandang

baguhin
 
Ang isang Gallus (Tandang)

Ang mga tandang o panabong (cockfighting) ay mga manok na lalaki o panlaban sa iba't ibang bansa sa mundo.

 
Аng muskowy pato (Pato)

Ang mga pato o ducks ay pangalawang uri ng domestikadong itik ay ang mas malaking moskobito o Muscovy duck sa Ingles (Cairina moschata). Ang mga ito ay may balahibong puti, itim o batik-batik na puti at itim. Bukod sa pagiging mas malaki kaysa mga ibang itik, ang mga ito ay may taglay na mga pulang palong at mala-maskarang balat sa paligid ng mga mata at tuka. Sa mga ibong maygulang lang ito makikita; ang mga bibi nito ay mukhang pangkaraniwang bibi rin.

Ang mga itik ay siyang pinagkukunan ng itlog na balut at penoy, at gayundin ang karne nito ay karaniwang matitikman sa mga lutong Intsik at Timog-Silangan Asyano.

 
Ang cygnoides (Gansa)

Ang gansa o goose ay isang uri ng pamilyang ibon o bird animalia ay nabibilang sa mga alagang poultry ito ay kahawig ng sisne (swan) ngunit ito ay maikli ang leeg at nakakalipad ng tuwid.

Lumilipad sa himpapawid at lumalangoy din na nakalutang sa ibabaw ng tubig ang mga ito. Kabilang ito sa mga tinatawag na ibong pam-poltri.Kabilang sa mga gansang ito ang mga saring Anser at Branta na nasa pamilyang Anatidae.

 
Ang isang Gallopavo ay nakatayo sa isang espasyong bakuran

Ang mga pabo nakauri sa ordeng pangtaksonomiya ng Galliformes. Sa loob ng orden na ito, ang mga pabo ay mga kamag-anakan ng mag-anak o subpamilya ng grouse. Ang mga lalaki ng kapwa espesye ay mayroong isang namumukod-tanging malaman na palong o umbok na nakabitin magmula sa ituktok ng tuka sa mga pabong labuyo at mga inapo nitong domestikado. Kabilang ang mga pabo sa pinakamalalaking mga ibon na nasa loob ng kanilang mga nasasakupang lugar. Katulad ng sa maraming mga espesyeng galiporma, ang lalaki (tandang) ay mas malaki at mas makulay kaysa sa babae (inahin).

Kalapati

baguhin
 
Ang lumilipad na Rock dove

Ang kalapati o pigeon ay isa sa mga pamilyang ibon ay nabibilang sa alagang poultry katulad ng alagang domestikong manok sa bakuran, ito ay may iba't ibang kulay sa bahagi ng leeg, ang kalapating puti ay ginagamit sa seremonya halimbawa sa kasal at iba pa.

Mga sanggunian

baguhin
  1. English, Leo James (1977). "Poltri, poultry, manukan, chicken farm". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)