Pandaigdigang Lupong Paralimpiko

Ang Pandaigdigang Lupong Paralimpiko (IPC; Aleman: Internationales Paralympisches Komitee) ay isang pandaigdigang organusasyon na hindi umaasa sa tubo ng mga piling palakasan para sa mga manlalaro na may kapansanan. Itinatag noong Setyembre 22, 1989, ang misyon ng organisasyon ay Upang Mabigyan ng Pagkakataon ang mga Manlalaro na Makamit ang Kahusayan sa Palakasan at Pasiglahin at Palibugin ang Daigdig. Ang kasapian ng IPC ay binubuo ng mga kinatawan mula sa mga 162 Pambansang Lupong Paralimpiko, apat na Pandaigdigang Organisasyon ng Palakasan para sa May Kapansanan, limang Organisasyong Panrehiyon, at anim na Pandaigdigang Pederasyong Pampalakasan. Ang IPC ay nakahimpil sa Bonn, Alemanya.

International Paralympic Committee
Internationales Paralympisches Komitee
MottoSpirit in Motion
Pagkakabuo22 Setyembre 1989; 35 taon na'ng nakalipas (1989-09-22)
UriSports federation
Punong tanggapanBonn, Germany
Kasapihip
176 National Paralympic Committees
Wikang opisyal
English, French, and German
and the host country's official language when necessary
President
Brazil Andrew Parsons
Vice President
New Zealand Duane Kale
Websiteparalympic.org

Sa Seremonya ng Pagtatapos ng Palarong Paralimpiko sa Tag-init 2004 noong Setyembre 28, 2004, inilunsad ng IPC ang bagong logo. Nang ipinasa ng Atenas ang watawat sa Beijing nakalagay ang bagong logo na binubuo ng tatlong Agito sa pula, bughaw at luntian—ang mga tatlong kulay na karamihang kumakatawan nang malawakan sa mga pambansang watawat sa buong daigdig. Ang logong Agito ay may lubos na kaugnayan sa moto ng IPC, Diwa sa Galaw. Ang lumang logo ng IPC ay binubuo ng tatlong Taegeuk, isang nakaugaliang Koreanong pampalamuting sagisag, at sumasagisag ng mga pinakamahalagang bahagi ng tao: Isip, Katawan, Kaluluwa. Ang logo na batay sa taeguk ay ipinakilala sa Palarong Paralimpiko sa Tag-init 1988 na ang mga limang taeguk ay nakaayos at nakakulay batay sa mga Olimpikong singsing.

Nagsasaayos ng IPC ang Palarong Paralimpiko at iba pang mga kaganapang pampalakasan. Ang IPC at ang mga Pambansang Lupong Paralimpiko ay nagsasaayos ng pambansang Palarong Paralimpiko para sa mga mataas na antas na paligsahan at ang pambansang antas.

Ang Lupon ng mga Namamahala na binubuo ng labinlima ay nangangasiwa ng IPC sa pagitan ng Pangkalahatang Pagpupulong. Ang kasalukuyang Pangulo ng IPC ay si Gat Philip Craven. Kasapi rin siya ng Pandaigdigang Lupong Olimpiko.

Tingnan din

baguhin

Kawing panlabas

baguhin