Pandemya ng COVID-19 sa Lungsod ng New York

Nagsimula ang pandemya ng COVID-19 sa Lungsod ng New York nang nakumpirma noong Marso 2020 ang unang kaso na may kaugnayan sa pandemya ng COVID-19 sa Lungsod ng New York. Nangyari ito nang magpositibo ang isang babaeng kamakaliang naglakbay sa lungsod mula sa Iran, isang bansang lubhang apektado na ng pandemya noong panahong iyon. Halos isang buwan ang lumipas, ang lungsod na ang pinakaapektado sa buong bansa.[5][6] Pagsapit ng Abril, ang lungsod ay may mas marami nang kaso ng coronavirus kaysa sa Tsina, ang U.K., o Iran, at noong Mayo, ay may mas marami nang kaso kaysa sa anumang bansa maliban sa Estados Unidos.

Pandemya ng COVID-19
sa Lungsod ng New York
Ang pagdaan ng barkong ospital USNS Comfort sa Pantalan ng New York para sa pagtulog sa pandemya sa Lungsod ng New York.
Confirmed cases per 100,000 residents in the greater New York City area
SakitCOVID-19
Uri ng birusSARS-CoV-2
LokasyonNew York City, New York, United States
New York Metropolitan Area (depending on criteria of study)
Unang kasoManhattan
Petsa ng pagdatingmid-February[1]
(first case found March 1)[2]
PinagmulanWuhan, Hubei, China
Kumpirmadong kaso
  • 535,700 (CSA; 4 Hunyo 2020)[3]
  • 2,639,161 (NYC; 6 Enero 2023)[4]
Patay
44,101 (37,786 confirmed,
6,315 probable)[4]
Opisyal na websayt
nyc.gov/coronavirus

Noong 20 Marso 2020, ang tanggapan ng gobernador ay naglabas ng isang ehekutibong kautusan na nagsasara ng mga hindi gaanong mahalagang negosyo. Ang sistema ng pampublikong transportasyon ng lungsod ay nanatiling bukas ngunit nagkaroon ng siksikan dahil sa nabawasang serbisyo ng transportasyon at pagdami ng mga taong walang tirahan na naghahanap ng masisilungan sa subway.

Pagsapit ng Abril, daan-daang libong taga-New York ang nawalan ng trabaho at ang mga nawalang kita sa buwis ay tinatayang aabot sa bilyon-bilyong dolyar. Higit na apektado ang mga trabahong may mababang pasahod sa mga sektor ng tingian, transportasyon at restawran. Ang pagbaba ng kita, buwis sa pagbebenta, at kita sa turismo, kabilang ang kita sa buwis sa mga otel ay maaaring magdulot sa lungsod ng $10 bilyong pagkalugi.[7][8] Ipinahayag ni Alkalde Bill de Blasio na ang sistema para sa mga walang trabaho ay gumuho kasunod ng pagdami ng mga claim at mangangailangan ito ng pederal na tulong upang mapanatili ang mga pangunahing serbisyo.[9]

Paglaganap

baguhin

Ang nagpapatuloy na pandemya ay ang pinakamalubhang kalamidad sa kasaysayan ng Lungsod ng New York kung ang bilang ng namatay ang pagbabatayan.[10][11][12]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Zimmer, Carl (8 Abril 2020). "Most New York Coronavirus Cases Came From Europe, Genomes Show". The New York Times. ISSN 0362-4331. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Abril 2020. Nakuha noong 9 Abril 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. West, Melanie Grayce (2 Marso 2020). "First Case of Coronavirus Confirmed in New York State". Wall Street Journal (sa wikang Ingles). ISSN 0099-9660. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Marso 2020. Nakuha noong 9 Marso 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "COVID-19 Cases US". www.arcgis.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Marso 2020. Nakuha noong 1 Abril 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "COVID-19: Data – NYC Health". nyc.gov. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Abril 2020. Nakuha noong 6 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Goldstein, Joseph; McKinley, Jesse (1 Marso 2020). "Coronavirus in N.Y.: Manhattan Woman Is First Confirmed Case in State". The New York Times. p. A24. ISSN 0362-4331. Archived from the original on March 2, 2020. Retrieved March 25, 2020.
  6. "New York City, U.S. Epicenter, Braces For Peak". NPR. 24 Marso 2020. Archived from the original on March 26, 2020. Retrieved March 26, 2020.
  7. Hansen, Sarah. "Coronavirus Crisis Has Cost NYC Up To $10 Billion: 'Basic Services' At Risk As De Blasio Pleads For More Federal Aid". Forbes. Archived from the original on May 9, 2020. Retrieved May 9, 2020.
  8. Lucking, Liz. "Coronavirus likely to cost New York City up to $10 billion in lost revenue". MarketWatch. Archived from the original on April 24, 2020. Retrieved May 9, 2020.
  9. Jr, Berkeley Lovelace (April 21, 2020). "New York state's unemployment system 'collapsed' following a surge in claims, Gov. Cuomo says". CNBC. Archived from the original on April 30, 2020. Retrieved May 9, 2020.
  10. "COVID-19: Data Main - NYC Health". www1.nyc.gov. Archived from the original on June 5, 2020. Retrieved September 6, 2020.
  11. "The Flu Epidemic of 1918". NYC Department of Records & Information Services. Archived from the original on November 16, 2020. Retrieved September 6, 2020.
  12. "SUMMARY OF VITAL STATISTICS - 2017 - THE CITY OF NEW YORK" (PDF). Archived (PDF) from the original on November 16, 2020.