Panggagalugad sa kailaliman ng dagat

Ang panggagalugad sa kailaliman ng dagat o panggagalugad sa pinaka kailaliman ng karagatan ay ang pagsisiyasat sa mga kalagayang pisikal, kimikal, at biyolohiyal na nasa ibabaw ng kalatagan ng dagat, para sa mga layuning pang-agham o pangkomersiyo. Ang eksplorasyon ng pinaka ilalim ng karagatan ay itinuturing na siang halos kamakailan lamang na gawain ng tao kapag inihambing sa iba pang mga pook ng pananaliksik na geopisikal, dahil sa ang mga kailaliman ng dagat ay naimbistigahan lamang noong kamakailang mga taon lamang. Ang kailaliman ng mga karagatan ay nananatili pa rin bilang isang malaking hindi nagagalugad na bahagi ng planeta, at bumubuo ng isang halos hindi pa natutuklasang dominyo.

Sa pangkalahatan, ang modernong pang-agham na eksplorasyon ng ilalim ng dagat ay masasabing nagsimula nang siyasatin ng Pranses na dalub-agham na si Pierre Simon de Laplace ang karaniwang lalim ng Karagatang Atlantiko sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga galaw na taib-tabsing (laki't kati ng tubig) na nakatala sa mga dalampasigan ng Brasil at ng Aprika. Kinalkula niya ang lalim na nasa 3,962 m (13,000 ft), isang halaga na napatunayan pagdaka na talagang tumbak sa pamamagitan ng paggamit ng mga instrumentong pinatutunog.[1] Sa lumaon, dahil sa tumataas na pangangailangang maglapat ng mga kableng pangsubmarino, ang tumapk na mga pagpapatunog ay kinailangan at isinagawa ang unang mga pag-iimbistiga sa kailaliman ng dagat. Ang unang mga nilalang na may buhay sa kailaliman ng dagat ay natuklasan noong 1864 nang nakakuha ang mga mananaliksik na Noruwego ng isang halimbawa ng isang may tangkay na crinoid habang nasa lalim na 3,109 m (10,200 ft). Ipinaadala ng Pamahalaan ng Britanya ang ekspedisyong Challenger (isang barko na tinawag bilang HMS Challenger) noong 1872 na nakatuklas ng 715 bagong sari (henera) at 4,417 bagong mga espesye ng mga organismong marino (pang-ilalim ng dagat) sa loob ng apat na mga taon.[1]

Ang unang instrumentong ginamit sa pagsisiyasat na pangkailaliman ng karagatan ay ang pabigat na may tunog (sounding weight), na ginamit ng manggagalugad na Britanikong si Sir James Clark Ross.[2] Sa pamamagitan ng instrumentong ito, naabot niya ang lalim na 3,700 m (12,140 ft) noong 1840.[3] Ang ekspedisyong Challenger ay gumamit na kahalintulad na mga instrumentong tinawag na mga Baillie sounding machine (mga makinang Baillie na tumutunog) upang makakuha ng mga halimbawa mula sa kapatagan ng ilalim ng dagat.[4]

Noong 1960, lumusong na papasok at papalubog sa Bambang na Mariana sina Jacques Piccard at Tenyente ng Hukbong Pandagat ng Estados Unidos na si Donald Walsh habang nakasakay at nasa loob ng bathyscaphe na Trieste. Nilusong nila ang Bambang na Mariana, ang pinaka malalim na bahagi ng karagatan ng mundo, upang gawin ang pinakamalalim na pagsisid sa kasaysayan: 10,915 mga metro (35,810 ft).[5] Noong 25 Marso 2012, ang tagagawa ng pelikula na si James Cameron ay lumusong na papalubog papunta sa pinaka malalim na bahagi ng Bambang na Mariana at, sa unang pagkakataon, ay inaasahang naigawa niya ng pelikula ang pagsisid na iyon at nakakuha ng halimbawa ng kalatagan ng kailaliman ng dagat.[6][7][8][9][10]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Deep Sea Exploration." World of Earth Science. Ed. K. Lee Lerner at Brenda Wilmoth Lerner. Gale Cengage, 2003. eNotes.com. 2006. 7 Disyembre, 2009 <http://www.enotes.com/earth-science/ Naka-arkibo 2011-10-10 sa Wayback Machine. deep-sea-exploration>
  2. "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-05-01. Nakuha noong 2013-06-05.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. DEEP-SEA EXPLORATION,. (2009). History.com. Nakuha noong 01:27, Disyembre 8, 2009, mula sa history.com
  4. <a href="http://science.jrank.org/pages/7094/Underwater-Exploration-Oceanography.html">Underwater Exploration - Oceanography</a>
  5. "Jacques Piccard: Oceanographer and pioneer of deep-sea exploration - Obituaries, News". London: The Independent. 2008-11-05. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2011-02-25. Nakuha noong 2010-09-17.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Than, Ker (25 Marso 2012). "James Cameron Completes Record-Breaking Mariana Trench Dive". National Geographic Society. Nakuha noong 25 Marso 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Broad, William J. (25 Marso 2012). "Filmmaker in Submarine Voyages to Bottom of Sea". New York Times. Nakuha noong 25 Marso 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. AP Staff (25 Marso 2012). "James Cameron has reached deepest spot on Earth". MSNBC. Nakuha noong 25 Marso 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Broad, William J. (8 Marso 2012). "Miles Under the Pacific, a Director Will Take On His Most Risky Project". NYTimes. Nakuha noong 8 Marso 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Staff (7 Marso 2012). "DEEPSEA CHALLENGE – National Geographic Explorer James Cameron's Expedition". National Geographic Society. Nakuha noong 8 Marso 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)