Pangulo ng Slovakia

Ang Pangulo ng Republikang Slovak (Eslobako: Prezident Slovenskej republiky) ay ang puno ng estado ng Slovakia at siya ring commander-in-chief ng Sandatahang Lakas. Tuwirang hinahalal ng mga mamamayan ang pangulo para maglingkod ng limang taon, at maaaring maihalal muli nang hindi hihigit sa dalawang magkasunod na termino. Halos seremonyal ang tungkulin ng pangulo, ngunit may ilan itong kapangyarihan, bagaman limitado, ay may ganap na diskresyon sa pagpapasiya. Ang opisyal na tahanan ng pangulo ay ang Palasyo ng Grassalkovich sa Bratislava.

Kasaysayan ng tanggapan

baguhin

Itinatag ang tanggapan sa bisà ng saligang batas ng Slovakia noong 1 Enero 1993 nang tuluyan nang humiwalay ang Slovakia sa Czechoslovakia at maging isang nagsasariling bansa. Walang nanungkulang pangulo hanggang 2 Marso 1993 nang ihalal ng Pambansang Sanggunian si Michal Kováč bilang unang pangulo ng bansa. Subalit, noong 1998, hindi nakapaghalal ng papalit kay Kováč ang Pambansang Sanggunian. Dahil ditó, kalahating taóng bakante ang panguluhan nang matápos ang termino ni Kováč noong 1998. Ang mga tungkulin at kapangyarihan ng pangulo ay inilipat sa noo'y punong ministro at Pambansang Sanggunian. Upang matugunan ang naging problema, sinusugan ang konstituyon at isinalin sa mamamayan ang kapangyarihang maghalal ng pangulo. Mula noon, nagdaraos ng halalan sa pagkapangulo ang Slovakia tuwing limang taon simula noong 1999.

Talaan ng mga Pangulo

baguhin
Partido

      HZDS       SOP       HZD       PS       Independent

Pangulo Panunungkulan Partido Nahalal
1   Michal Kováč
1930–2016
(Edad: 86 taon)
2 Marso 1993 – 2 Marso 1998 HZDS 1993
2   Rudolf Schuster
Ipinanganak: 1934
(90 taón gulang)
15 Hunyo 1999 – 15 Hunyo 2004 SOP 1999
3   Ivan Gašparovič
Ipinanganak: 1941
(83 taón gulang)
15 Hunyo 2004 – 15 Hunyo 2014 HZD 2004
Ind. 2009
4   Andrej Kiska
Ipinanganak: 1963
(61 taóng gulang)
15 Hunyo 2014 – kasalukuyan Ind. 2014
5   Zuzana Čaputová
Ipinanganak: 1973
(51 taóng gulang)
15 Hunyo 2019
(Pangulong-halal)
PS 2019

Mga sanggunian

baguhin