Panloloko sa Pondo ng Pangunahing Tulong sa Pag-unlad

Ang panloloko sa Pondo ng Pangunahing Tulong sa Pag-unlad (mas kilala bilang pork barrel scam o panloloko sa pork barrel) ay ang kontrobersiya na unang nabunyag noong Hulyo 2013 na kinasasangkutan ng 5 senador at mga 23 kinatawan na naglipat ng kanilang PDAF na mas kilala bilang pork barrel funds na may kabuuang 10 bilyong piso sa mga pekeng non-government organizations (NGOs) para sa mga hindi umiiral na proyekto. [1] [2]

Bukod sa pondong pork barrel, ang 900 angaw na pondong Malampaya para sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy at Pepeng ay napunta rin sa mga pekeng NGO ni Napoles sa pamamagitan ng Department of Agriculture.

Bukod pa sa mga pondong pork barrel at mga pondo ng Malampaya, ang ₱500 angaw mula sa Disbursement Acceleration Program (DAP) ng mga mambabatas ay inilipat rin sa mga NGO ni Napoles.[3]

Ayon sa Komisyon sa Awdit, ang paglilipat ng mga mambabatas ng mga pondo sa mga di-pampamahalaang organisasyon (NGO) ay ilegal.[4]

Utak ng panloloko

baguhin
 
Janet Lim-Napoles na sinasabing utak ng pork barrel scam.

Ang sinasabing utak ng pork barrel scam ayon sa whistleblower na si Benhur Luy ay si Janet Lim-Napoles na CEO at presidente ng JLN Corp. [1] Sinasalungat ng mga kaklase at mga kamag-anak ni Napoles ang pag-aangkin ni Napoles na siya ay nagmana ng 2 milyong piso mula sa kanyang amang si Johnny Lim. Ayon sa mga kakilala ni Napoles, ang ama nito ay bangkarota nang namatay at walang iniwan sa kanyang mga anak. Isinaad nilang ang pamilya ni Napoles ay napakahirap na ang ina nitong si Magdalena Lim ay nagbebenta ng banana cue upang mapakain ang mga anak niya. Ayon sa dating kaklase ni Napoles noong highschool na si Rohana Cabayacruz, si "Jenny ay nagpupunta sa aming bahay na may isang mangkok na kanin at humihingi sa amin ng tuyong isda kada araw". Ang isang doktor ay umaayon sa salaysay ng mga kaibigan ni Napoles na isa itong mahirap. Ayon kay Benhur Luy na ikalawang pinsan ni Napoles at empleyado ng JLN Corp, si Napoles at pamilya nito ay hindi mayaman bago gawing personal assistant ni Napoles si Luy noong 2002. Ayon kay Luy, "Ano lang siya, mahirap lang. Kasi yung bahay niya po sa Biñan, Laguna maliit lang po. Nung 2002 po, nagulat na lang ako nasa Ayala Alabang na siya".

Paglalantad ng panloloko

baguhin

Ang paglalantad ng pork barrel scam ni Benhur Luy noong Hulyo 2013 ay sinasabing nagmula sa pagdukot at pagdetine ni Napoles kay Luy na empleyado ng JLN Corp. Ayon kay Luy, ang kanilang alitan ni Napoles noong Disyembre 19, 2012 ay dahil sa pagsusupetsa ni Napoles na si Luy ay nagsasagawa ng transaksiyon sa mga mambabatas sa kanyang sarili. Si Luy ay sinagip ng NBI noong Marso 22, 2013 at nagsampa ng kasong pagdukot laban kay Napoles. Ayon sa NBI, si Luy ay dinetine ng kapatid ni Napoles na si Reynald Lim sa tirahan ni Napoles sa Taguig dahil sa nalalaman ni Luy tungkol sa pork barrel scam ni Napoles.[5] Si Reynald Lim ay kasalukuyang nagtatago at hindi pa nadadakip ng mga autoridad. Sinasabing ibinasura ng DOJ ang kaso ng pagdukot kay Napoles dahil sa kawalan ng malamang na dahilan. Si Luy ay gumawa ng isang affidavit na naglalantad sa pork barrel scam ni Napoles. Si Napoles ay nagtatag ng 10 pekeng NGO na paglilipatan ng mga pork barrel fund ng mga mambabatas para sa mga ghost project, mga supply na may sobrang taas na presyo, o mga bogus na benepisyaryo. Bukod kay Luy, ang iba pang mga empleyado ng JLN Corp. ay tumestigo rin laban kay Napoles.

Pamamaraan ng panloloko

baguhin

Ang modus operandi ng scam ay si Napoles at ang isang mambabatas ay may kasunduan na ang pekeng NGO ni Napoles ang tatanggap ng pork barrel funds ng mambabatas kapalit ng mga kickback mula kay Napoles. Ang bawat senador ay pinaglalaanan ng pork barrel funds na 200 milyong piso kada taon at ang bawat kinatawan ay 70 milyong piso kada taon.

Ang mambabatas ay magsusumite ng talaan sa Department of Budget and Management (DBM) ng mga proyektong ipapatupad. Ang DBM ay maglalabas ng Special Allotment Releases Order (SARO) sa mambabatas na mag-eendorso ng napili nitong NGO ni Napoles sa ahensiya ng pamahalaan na nagpapatupad ng proyekto. Ang kasabwat na ahensiyang nagpapatupad ng proyekto ay hindi magsasagawa ng public bidding para sa proyekto at sa halip ay papasok sa isang kasunduan sa NGO ni Napoles para sa pagpapatupad ng proyekto. Pagkatapos na makumpleto ang mga papeles, ang DBM ay naglalabas ng Notice of Cash Allocation (NCA) sa nagpapatupad na ahensiya. Sa pagtanggap ng NCA, ang ahensiyang nagpapatupad ay maglalabas ng tseke sa NGO ni Napoles na idedeposito sa account sa bangko ni Napoles ng mga empleyado ng JLN Corp.[5]

Mga hatian

baguhin

Ang kickback na napupunta sa bulsa ng mambabatas sa pork barrel scam ay 40-60 porsiyento.[5] Ang mambabatas ay tatanggap ng paunang bayad mula kay Napoles sa pagsusumite ng mambabatas ng talaan ng mga proyekto sa DBM. Ang ikalawang bayad sa mambabatas ay ibibigay kapag nailabas na ang SARO.

Ang hindi bababa sa 35 porsiyento ay napupunta sa bulsa ni Napoles, ang 10 porsiyento ay napupunta sa pinuno ng kasabwat na ahensiya ng pamahalaan na nagpapatupad ng mga pekeng proyekto,[5] at ang natitirang porsiyento ay napupunta sa mga chief of staff ng mga mambabatas at mga pangulo ng mga NGO ni Napoles at mga incorporator nito. Kabilang sa mga ahensiya ng pamahalaan na kahati sa kickback ang National Livelihood Development Corporation (NLDC), National Business Corporation (NABCOR), Zamboanga Rubber Estate Corporation (ZREC) at Technology Resource Center (TRC).[5]

Mga sangkot na mambabatas sa pork barrel scam

baguhin

Ang mga sumusunod ang mga nasangkot na mambabatas batay sa mga testimonya ng mga testigong empleyado ng JLN Corp, mga dokumentong nakalap ng Commission on Audit (COA), Department of Budget, SEC, at mga nagpapatupad na ahensiya gaya ng SARO, Memorandum of Agreement, mga liham ng pag-eendorso ng mambabatas, mga mungkahing proyekto, mga ulat ng aktibidad ng proyekto, mga ulat ng inspeksiyon at pagtanggap, mga ulat ng disbursement, mga disbursement voucher, mga accomplishment report, ang resibo ng pagkilala, mga photocopy ng tsekeng inisyu ng mga NGO, mga opisyal na resibo na inilabas ng mga NGO at COA Special Audit Report.[5]

Mga senador

baguhin
Senador Pondong nilipat sa NGO
ni Napoles
Nakuhang Kickback
mula kay Napoles
Bong Revilla ₱1.015 bilyon[1] ₱224,512,500[5]
Juan Ponce Enrile ₱641.65 milyon[1] ₱172,834,500[5]
Jinggoy Estrada ₱585 milyon[1] ₱183,793,750[5]
Bongbong Marcos ₱100 milyon[1]
Gregorio Honasan ₱15 milyon[1]
Loi Estrada ₱10 milyon,[6] ₱23 milyon[6]
Ramon Revilla Sr. ₱35 milyon[7]

Mga kinatawan

baguhin
Kinatawan Pondong nilipat sa NGO
ni Napoles
Nakuhang Kickback
mula kay Napoles
Rizalina Seachon-Lanete ₱137 milyon[1] ₱108,405,000[5]
Rodolfo Plaza ₱79,500,000[5] ₱42,137,800[5]
Samuel Dangwa ₱54,000,000[5] ₱26,770,472[5]
Constantino Jaraula ₱50,500,000[5] ₱20,843,750[5]
Edgar Valdez[1] ₱56,087,500[5]
Erwin Chiongbian
Salacnib Baterina ₱7.5 milyon
Douglas Cagas ₱9.3 milyon
Rozzano Rufino Biazon ₱1.95 milyon
Marc Douglas Cagas IV ₱5.54 milyon
Rodolfo Valencia ₱2.41 milyon
Arthur Pingoy Jr. ₱7.5 milyon
Arrel R. Olaño ₱3.1 milyon
Joel Villanueva[8] ₱1 milyon,[9] ₱3 milyon[9]

Mga sangkot na mambabatas sa DAP scam

baguhin

Ayon sa dating empleyado ng JLN Corp. na si Mary Arlene Baltazar, ang ₱500 milyon mula sa Disbursement Acceleration Program (DAP) ng mga mambabatas ay inilaan sa mga NGO ni Napoles.[3]

Senador Pondong nilipat sa NGO
ni Napoles
Juan Ponce Enrile (Tanda) ₱100 milyon[3]
Bong Revilla (Pogi) ₱100 milyon[3]
Jinggoy Estrada (Sexy) ₱150 milyon[3]
Bongbong Marcos (Bongets) ₱100 milyon[3]
Loren Legarda (Dahon) ₱45 milyon[3]
Tito Sotto (Bigote) ₱35 milyon[3]

Mga testimonya ng mga testigo

baguhin

Ayon sa isang whistleblower, ang mga hapunan niya kasama ng mga mambabatas ay nangyayari sa mga mamahaling restaurant. Ayon sa kanya, siya ay inutusan rin ni Napoles na bumili ng mga regalo para sa mga senador. Ang isang regalo ay isang ball pen na Montblanc na nagkakahalagang ₱65,000 na uukitan ng pangalan ng senador. Ayon sa kanya, si Napoles ay may isang pulang aklat na naglalaman ng mga record ng mga transaksiyon nito sa mga senador at kinatawan.[10]

Ayon sa isang whistleblower, ang mga pangalan ng nakapasa sa mga board examination ng pamahalaan ay ginamit bilang benepisyaryo ng mga ghost project ng mga NGO ni Napoles. Ito ay kinumpirma rin ng COA. Bukod dito, ang mga katulong, driver at yaya ni Napoles ay inutusan rin ni Napoles na mag-imbento ng mga pangalan ng mga pekeng benepisyaryo.[10]

Ang isang testigo ay nagsabing siya ay naghahatid ng mga milyong pisong cash sa chief of staff ng senador.

Ayon kay Luy, ang tsekeng mula sa pamahalaan ay minsang wini-withdraw sa cash o minsang nililipat sa isa pang account sa bangko ni Napoles. Ang na-withraw na mga bag ng cash na mula ₱30 milyon hanggang ₱75 milyon ay nilalagay ng mga empleyado ng JLN Corp. sa kama o bathtub ni Napoles kapag hindi na kasya sa vault ni Napoles.

Reaksiyon ng publiko

baguhin
 
Pagpoprotesta sa Luneta noong Agosto 26,2013

Ang paglalantad ng scam noong Hulyo 2013 ay nagresulta sa mga pagpoprotesta at pagtawag ng taong bayan sa pagbuwag ng pork barrel funds ng mga senador (200 milyon kada taon) at kinatawan (70 milyon kada taon). Ayon kay Drilon, ang pork barrel ay bubuwagin na sa 2014 pambansang budget ng pamahalaan.

Gayunpaman, ayon sa kabataan party list, ang pork ni Pangulong Noynoy Aquino na nagkakahalagang ₱1.3 trilyon ay buo at buhay pa rin sa 2014 pambansang budget. Ang ₱1.3 trilyon ng Pangulo ay binubuo ng lump-sum funds sa pambansang budget kabilang ang Special Purpose Funds nagkakalahagang ₱310 bilyon, hindi nakaprogramang funds na nagkakahalagang ₱139 bilyon at mga automatic appropriation na nagkakahalagang ₱796 bilyon, mga kaduda dudang line item kabilang para sa mga gastusing intelihensiya at kompidensiya na nagkakahalagang ₱1.4 bilyon, PAMANA funds na nagkakahalagang ₱7.22 bilyon, Conditional Cash Transfer funds na nagkakahalagang ₱62.6 bilyon at pagpopondo para sa Bottom-Up Budgeting na nagkakahalagang ₱20 bilyon.

Noong Nobyembre 19, 2013, idineklara ng Korte Suprema ng Pilipinas na ang pork barrel funds o PDAF ay hindi konstitusyonal.[11]

Mga sinampahan ng kaso

baguhin

Pork barrel scam

baguhin

Ang mga sinampahan ng kaso ng NBI sa Ombudsman ang sumusunod:[12][13]

  • Kasong plunder o pandarambong: Bong Revilla, Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, Janet Lim-Napoles, Rizalina Seachon-Lanete, Edgar Valdez
  • Kasong malversation, direct bribery, and other graft and corrupt practices:
    • Mga mambabatas: Rodolfo Plaza, Samuel Dangwa, Constantino Jaraula, Douglas Cagas, Salacnib Baterina, Marc Douglas Cagas IV, Arrel Olano, Arthur Pingoy Jr, Rodolfo Valencia, Rozzano Rufino Biazon
    • Mga chief of staff ng mga mambabatas:Jessica Reyes (ni Enrile), Richard Cambe (Revilla), Ruby Tuason (Enrile at Estrada), Pauline Labayen (Estrada), Jose Sumalpong (Lanete), Jeanette Dela Cruz (Lanete), Erwin Dangwa (Dangwa), Carlos Lozada (Dangwa)
    • Mga representative o ahente: Zenaida Cruz-Ducut, Celia Cuasay
    • Mga head, opisyal at mga empleyado ng mga ahensiya ng pamahalaan: Alan Javellana (National Agribusiness Corp (NABCOR)), Antonio Ortiz (Technology Resource Center (TRC)), Dennis Cunanan (Technology Resource Center), Salvador Salacup (ZNAC Rubber Estate Corp. (ZREC)), Gondelina Amata (National Livelihood Development Corp. (NLDC)), Victor Cacal (NABCOR), Romulo Revelo (NABCOR), Ma. Ninez Guanizo (NABCOR), Julie Johnson (NABCOR), Rodhora Mendoza (NABCOR), Alexis Sevidal (NLDC), Sofia Cruz (NLDC), Chila Jalandoni (NLDC), Francisco Figura (TRC), Marivic Jover (TRC)
    • Mga presidente o head ng mga NGO ni Napoles: Jocelyn Piorato (Agricultura Para sa Magbubukid Foundation Inc.), Mylene Encarnacion (Countrywide Agri and Rural Economic and Development Foundation Inc.), John Raymund De Asis (Kaupdanan Para sa Mangunguma Foundation Inc.), Evelyn Deleon (Philippine Social Development Foundation Inc.), Ronald John Lim (Ginintuang Alay sa Magsasaka Foundation)

Malampaya scam

baguhin
  • Kasong plunder o pandarambong
    • Gloria Macapagal-Arroyo, Janet Lim-Napoles, dating Executive Secretary Eduardo Ermita, dating Agrarian Reform Secretary Nasser Pangandaman at Undersecretary Rafael Nieto, DAR finance officer Teresita Panlilio, former Budget Secretary Rolando Andaya at Undersecretary Mario Relampagos[14]
    • Mga pangulo at empleyado ng mga NGO ni Napoles: Evelyn De Leon, Jesus Castillo (Dalangpan Sang Amon Utod Kag Kasimanwa Foundation), Lilian Espanol (Saganang Buhay sa Atin Foundation), Genevieve Uy (Kasaganahan para sa Magsasaka Foundation), Ronald John Lim (Ginintuang Alay sa Magsasaka Foundation), Eulogio Rodriguez (Gintong Pangkabuhayan Foundation), Lorna Ramirez (Masaganang Buhay Foundation), Ronald Francisco Lim (Micro Agri Business Citizens Initiative), Simplicio Gumafelix (Karangyaan para sa Magbubukid Foundation), John Raymond de Asis (Kaupdanan para sa Mangunguma Foundation)[14]

Mga iba pa na nasangkot

baguhin

Ruby Tuason

baguhin

Noong Pebrero 7, 2014, si Ruby Tuason na isa sa mga sangkot sa pork barrel at malampaya scams ay bumalik sa Pilipinas mula sa Estados Unidos upang sabihin ang kanyang lahat ng nalalaman tungkol sa scam. Nangako si Tuason na ibabalik niya sa pamahalaan ng Pilipinas ang ₱40 milyong kickback na nakuha niya mula sa pork barrel scam.

Ayon kay Tuason, una niyang nakilala si Janet Lim-Napoles noong 2004 nang ipakilala siya kay Napoles ng kanyang asawa na si Butch Tuason na pinsan ni Miguel Arroyo na asawa ni Gloria Macapagal-Arroyo. Sinabi ni Tuason na ipinakilala niya si Napoles kay Jinggoy Estrada noong burol ni Rudy Fernandez. Sa simula ay tumangging personal na makipagkita si Jinggoy Estrada kay Napoles "so, sinabi ko kay Napoles 'ayaw ka niyang makilala,' sabi niya (Napoles) 'sabihin mo nagbibigay ako ng commission na 40 percent."

Isinaad ni Tuason na ang kanyang unang transaksiyon kay Jinggoy Estrada ay nangyari noong 2004 nang ihatid niya sa tirahan ni Estrada ang ₱5.7 milyon komisyon mula sa ₱37.5 milyong proyekto na kinansela ni Estrada at ibinalik ni Estrada ang komisyon. Ang ikalawang transaksiyon ay nangyari noong Disyembre 3, 2007 nang maglaan si Estrada ng ₱25 milyon ng kanyang pork barrel fund sa Technology and Livelihood Resource Center (TLRC). Ang kickback na nakuha ni Estrada mula sa proyekto ay ₱9 milyon na personal niyang inihatid kay Estrada. Isinaad rin ni Tuason na naghatid rin siya ng kickback sa chief of staff ni Enrile na si Gigi Reyes.[15]

Ayon kay Tuason, ang isang Santos ang contact niya sa Malacañang na nahanap ng kanyang kapatid na si Remy Chan para sa kanyang mga transaksiyon sa ₱900 milyong Malampaya Fund scam.

Mat Ranillo

baguhin

Ayon kay Benhur Luy, nilagdaan ng aktor na si Mat Ranillo ang mga voucher na nagpapakitang ang mga kickback ng pork barrel scam ay natanggap nina Jinggoy Estrada at kanyang inang si Loi Estrada.[16]

Ang mga voucher ay isinumite ni Ranillo sa husgado sa kanyang alitan kay Janet Lim-Napoles at JLN Corp noong 2005 dahil sa hindi pagbabayad ni Ranillo sa sasakyang Ford E-150 na binili niya mula sa JLN Corp. Ang pagbabayad sa sasakyan ay kukunin mula sa mga komisyon ni Ranillo mula scam. Ayon kay Luy, ninais tanggalin ni Napoles si Ranillo bilang middleman dahil ang transaksiyon ay isasagawa na sa pamamagitan ng chief of staff ni Estrada na si Pauline Labayen.

Ang isang JLN voucher ay nagpapakitang natanggap ni Jinggoy Estrada ang kabayaran para sa 50 porsiyento ng 30 milyong rebate charge na nagkakahalagang ₱1.14 milyon. Ang ikalawang voucher ay nagpapakita ng limang porsiyentong commission charge kay Loi Estrada sa kanyang pork barrel allocation na nagkakahalagang ₱475 milyon. Ang ikatlong voucher ay nagpapakita ng kabayarang 50 porsiyentong rebate charge kay Loi Estrada sa halagang ₱1.2 milyon.

Ayon kay Luy, sina Ranillo at Napoles ay nag-areglo dahil natakot si Napoles na baka kumalat sa media ang kaso at baka mabunyag ang kanyang pork barrel scam.

Ayon kay Ruby Tuason, si Ranillo ang naghatid ₱11.97 milyong kickback kay Jinggoy Estrada sa bahay ni Justa Tantoco na dating aide ni Loi Estrada.

Mga pag-unlad ng kaso sa taong 2014

baguhin

Noong Mayo 2014, sumulat si Janet Lim-Napoles sa DOJ para mag-apply bilang state witness sa pork barrel scam sa ilalim ng Witness Protection Program.[17] Ang kahilingan niyang ito ay nangyari pagkatapos ng kanyang pagsusumite ng isang sinumpaang salaysay kay De Lima. Sa kanyang affidavit, itinala ni Napoles ang mga sangkot sa scam kabilang ang 18 senador, 2 senador na tumanggap ng cash sa kanilang kampanya sa halalan, 100 kinatawan at 48 na ahente kabilang ang mga kamag-anak ng mga sangkot na mambabatas. Kabilang sa mga senador sina Rodolfo Biazon, Robert Barbers, Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, Loi Estrada, Gringo Honasan, Robert Jaworski, Lito Lapid, Loren Legarda, Ramon Magsaysay, Bongbong Marcos, Tessie Aquino-Oreta, Aquilino Pimentel, Koko Pimentel, Bong Revilla, Tito Sotto, Cynthia Villar, Manny Villar, Allan Peter Cayetano, at Chiz Escudero.[18]

Noong Hunyo 2014, ang mga sangkot na senador na sina Enrile, Revilla at Jinggoy Estrada ay ipiniit sa bilangguan sa kaso ng pandarambong.

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 1.7 1.8 http://www.asianewsnet.net/28-Philippine-solons-linked-to-pork-barrel-scam-49147.html
  2. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-08-29. Nakuha noong 2013-08-28.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2013-08-29 sa Wayback Machine.
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 3.7 http://www.philstar.com/headlines/2014/02/12/1289387/another-witness-vs-senators-surface
  4. http://www.philstar.com/headlines/2013/08/26/1135251/coa-35-lawmakers-transferred-p1.7-b-pork-ngos
  5. 5.00 5.01 5.02 5.03 5.04 5.05 5.06 5.07 5.08 5.09 5.10 5.11 5.12 5.13 5.14 5.15 5.16 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-09-24. Nakuha noong 2013-10-15.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2013-09-24 sa Wayback Machine.
  6. 6.0 6.1 http://www.gmanetwork.com/news/story/341199/news/nation/documents-link-jinggoy-loi-estrada-to-alleged-pork-scam-corporation
  7. http://www.philstar.com/headlines/2014/01/24/1282444/nbi-probe-revilla-sr.
  8. http://www.gmanetwork.com/news/story/349538/news/nation/newest-govt-witness-links-tesda-chief-joel-villanueva-to-pork-scam
  9. 9.0 9.1 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-02-21. Nakuha noong 2014-02-23.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2014-02-21 sa Wayback Machine.
  10. 10.0 10.1 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-26. Nakuha noong 2013-10-15.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2016-03-26 sa Wayback Machine.
  11. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-11-28. Nakuha noong 2013-12-01.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2013-11-28 sa Wayback Machine.
  12. http://www.gmanetwork.com/news/story/326673/news/nation/plunder-raps-filed-vs-napoles-three-senators-in-pork-scam
  13. http://www.gmanetwork.com/news/story/337571/news/nation/pnoy-ally-customs-chief-biazon-among-34-names-in-new-pork-case
  14. 14.0 14.1 http://www.gmanetwork.com/news/story/329257/news/nation/gloria-arroyo-napoles-20-others-face-plunder-raps-over-malampaya-fund-scam
  15. http://www.gmanetwork.com/news/story/348261/news/nation/ruby-tuason-i-delivered-heavy-bagfuls-of-money-to-jinggoy
  16. http://www.gmanetwork.com/news/story/348268/news/nation/luy-actor-mat-ranillo-signed-vouchers-on-jinggoy-loi-pork-transactions
  17. https://twitter.com/sandraguinaldo/status/466527525506920450
  18. http://www.philstar.com/headlines/2014/05/29/1328654/complete-list-names-janet-napoles-statements