Pambansang Kawanihan ng Pagsisiyasat
Ang Pambansang Kawanihan ng Pagsisiyasat (NBI) (Ingles: National Bureau of Investigation) ng Pilipinas ay isang ahensiya ng pamahalaan ng Republika ng Pilipinas sa ilalim ng Kagawaran ng Katarungan na may tungkulin ukol sa paghahawak at paglulutas ng mga matitindi at pambihirang kaso na may pagkahaling ng bansa.
National Bureau of Investigation | |
Buod ng Ahensya | |
---|---|
Pagkabuo | 13 Nobyembre 1936 |
Preceding agency |
|
Kapamahalaan | Pamahalaan ng Pilipinas |
Punong himpilan | Abenida Taft, Ermita, Maynila, Pilipinas |
Kasabihan/motto | Kadakilaan, Katapangan at Katapatang-asal... mabisang pagpapatupad ng batas sa paghagad ng katotohanan at katarungan |
Tagapagpaganap ng ahensiya |
|
Pinagmulan na ahensiya | Kagawaran ng Katarungan (Pilipinas) |
Websayt | www.nbi.gov.ph |
Kasaysayan
baguhinItinatag ang NBI noong 13 Nobyembre 1936 sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 181 na nilikha ng mga mambabatas. Ang utak sa pagkatatag nito ay ang dating Pangulong Manuel L. Quezon at Jose Yulo, Kalihim ng Katarungan. Inatasan sa pagganap ng tungkuling ito kasabay ang pagsasaayos ng Dibisyon ng Pagsisiyasat (Division of Investigation o DI) na tinularan sa Kawanihang Pederal ng Pagsisiyasat (FBI) ng Mga Nagkakaisang Estado kina Thomas Dugan, isang batikang hepe ng pulisya mula sa Kagawarang Pulisya ng Bagong York at Flaviano C. Guerrero, ang kaisa-isang Pilipinong kasapi ng FBI.
Batay sa mahigpit na pamantayan ng anyo ng katawan, pangkaisipan, at kasanlingan, 45 katao ang napili bilang alagad mula sa 300 aplikante. Upang mabuo ukol sa mga gawaing pagsisyasat, mayroon ding mga manggawang sibilyan na binubuo ng mga manggagamot, mga kimiko, mga dalubhasa sa mga bakas ng daliri, mga potograpo, mga eskribador, at mga klerk.
Noong panahon ng pananakop ng mga Hapones, ang DI ay sumanib sa Kawanihan ng Rentas Internas at ang Konstabularyo ng Pilipinas na kinilala bilang Kawanihan ng Pagsisiyasat (BI). Kasunod ng kapanuhan ng paglaya pagkatapos ng digmaan, naglangap ng DI ng Hukbong Amerikano ng CIC ang lahat ng mga nahahandang alagad bilang tagapagsiyasat.
Mula't sapul, ang Kawanihan ay akalaing lumalawig ang kanyang makabuluhang tungkulin. Kaya, noong 19 Hunyo 1947, mula sa kabutihang-loob ng Batas Republika Blg. 157, ito ay isinabuo muli sa Kawanihan ng Pagsisiyasat. Kinabukasan, ito'y sinusog ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 94 noong 4 Oktubre 1947 na pinangalan muli sa kinilala nating Pambansang Kawanihan ng Pagsisiyasat (NBI).
Talaan ng mga tanggapan ng NBI
baguhinRehiyon 1
baguhin- Tanggapang Panrehiyon ng Ilocos (IRO) – San Fernando, La Union
- Tanggapang Distrito ng Dagupan (DADO) – Lungsod ng Dagupan, Pangasinan
- Tanggapang Distrito ng Laoag (LADO) – Lungsod ng Laoag, Hilagang Ilocos
- Tanggapang Distrito ng Vigan (VIDO) – Lungsod ng Vigan, Timog Ilocos
Rehiyon 2
baguhin- Tanggapang Panrehiyon ng Lambak Kagayan (CAVRO) – Lungsod ng Tuguegarao, Kagayan
- Tanggapang Distrito ng Isabela (ISDO) – Ilagan, Isabela
- Tanggapang Distrito ng Bayombong (BAYDO) – Bayombong, Nueva Vizcaya
CAR
baguhin- Rehiyong Administratibo ng Cordillera (CAR) – Lungsod ng Baguio, Benguet
Rehiyon 3
baguhin- Tanggapang Panrehiyon ng Gitnang Luzon (CELRO) – Lungsod ng San Fernando, Pampanga
- Tanggapang Distrito ng Bulacan (BULDO) – Plaridel, Bulacan
- Tanggapang Distrito ng Cabanatuan (CABDO) – Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija
- Tanggapang Distrito ng Tarlac (TARDO) – San Roque, Lungsod Tarlak, Tarlak
- Tanggapang Distrito ng Olongapo (OLDO) – Mataas na Kalaklan, Lungsod Olongapo, Zambales
Rehiyon 4
baguhin- Tanggapang Panrehiyon ng Katimugang Tagalog (SOTRO) – Lungsod ng Batangas, Batangas
- Tanggapang Distrito ng Lucena (LUCDO) – Lungsod ng Lucena, Quezon
- Tanggapang Distrito ng Puerto Princesa (PUERDO) – Dng. Taft, Lungsod ng Puerto Princesa, Palawan
- Tanggapang Distrito ng Kabite (CAVIDO) – Kaybagal, Lungsod Tagaytay, Kabite
- Tanggapang Distrito ng Calapan (CALDO) – Lungsod Kalapan, Silangang Mindoro
- Tanggapang Distrito ng Laguna (LAGDO) – Lungsod ng Sta. Rosa, Laguna
Rehiyon 5
baguhin- Tanggapang Panrehiyon ng Bikol (BRO) – Lungsod ng Naga, Timog Kamarines
- Tanggapang Distrito ng Legaspi (LEGDO) – Lungsod ng Legaspi, Albay
Rehiyon 6
baguhin- Tanggapang Panrehiyon ng Kanlurang Visayas (WEVRO) – Lungsod ng Iloilo, Iloilo
- Tanggapang Distrito ng Bacolod (BACDO) – Lungsod ng Bakolod, Kanlurang Negros
Rehiyon 7
baguhin- Tanggapang Panrehiyon ng Gitnang Visayas (CEVRO) – Lungsod ng Sugbo, Sugbo
- Tanggapang Distrito ng Dumaguete (DUMDO) – Lungsod ng Dumaguete, Silangang Negros
- Tanggapang Distrito ng Bohol (BOHDO) – Dao, Lungsod Tagbilaran, Bohol
Rehiyon 8
baguhin- Tanggapang Panrehiyon ng Silangang Visayas (EVRO) – Lungsod Takloban, Leyte
- Tanggapang Distrito ng Samar (SAMDO) – Lungsod ng Katbalogan, Samar
Rehiyon 9
baguhin- Tanggapang Panrehiyon ng Kanlurang Mindanao (WEMRO) – Lungsod ng Zamboanga, Timog Zamboanga
- Tanggapang Distrito ng Dipolog (DIPDO) – Lungsod ng Dipolog, Hilagang Zamboanga
- Tanggapang Distrito ng Pagadian (PAGDO) – Lungsod ng Pagadian, Timog Zamboanga
Rehiyon 10
baguhin- Tanggapang Panrehiyon ng Hilagang Mindanao (NEMRO) – Lungsod ng Cagayan de Oro, Silangang Misamis
- Iligan District Office (ILDO) – Pala-O, Lungsod ng Iligan, Hilagang Lanaw
Rehiyon 11
baguhin- Tanggapang Panrehiyon ng Katimugang-Silangang Mindanao (SEMRO) – Bajada, Lungsod ng Dabaw
- Tanggapang Distrito ng Tagum (TAGDO) – Visayan Village, Lungsod ng Tagum, Hilagang Dabaw
Rehiyon 12
baguhin- Tanggapang Panrehiyon ng Gitnang-Silangang Mindanao (CEMRO) – Lungsod ng Kotabato, Maguindanao
- Tanggapang Distrito ng Sarangani (SARDO) – Alabel, Sarangani
Rehiyon 13
baguhin- Tanggapang Panrehiyon ng Caraga (CARAGA) – Lungsod Butuan, Hilagang Agusan
Mga Tagapamahala ng NBI
baguhinTala ng mga tagapamahala ng NBI mula nang itinatag noong 1946:
Mga tagapamahala ng NBI | |||
---|---|---|---|
Taon ng paglilingkod | Mga tagapamahala | ||
1946-1950 | Pardo de Tavera | ||
1951 | Higinio Macadaeg | ||
1951-1954 | Alberto Ramos | ||
1954 | Jose M. Crisol | ||
1954 | Leoncio Tan | ||
1954-1966 | Jose G. Lukban | ||
1966 | Serafin Fausto (Pansamantalang opisyal) | ||
1967-1986 | Jolly R. Bugarin | ||
1986-1989 | Antonio M. Carpio | ||
1989-1992 | Alfredo S. Lim | ||
1992-1995 | Epimaco A. Velasco | ||
1995 | Antonio D. Aragon† | ||
1995-1996 | Mariano M. Mison | ||
1996-1999 | Santiago Y. Toledo† | ||
1999-2000 | Federico M. Opinion† | ||
2000-2001 | Carlos S. Caabay (Pansamantalang opisyal) | ||
2001-2005 | Hen. Reynaldo G. Wycoco† | ||
2005-kasalukuyan | Abog. Nestor M. Mantaring | ||
† namatay habang naglilingkod |