Papa Pio V

(Idinirekta mula sa Papa Pío V)

Si Papa Pio V (17 Enero 1504 – 1 Mayo 1572) na ipinanganak na Antonio Ghislieri (mula 1518 ay tinawag na Michele Ghislieri, O.P.) ang Papa ng Simbahang Katolika mula 1566 hanggang 1572 at isang santo ng Simbahang Katolika.[1] Siya ay pangunahing kilala para sa kanyang papel sa Konsilyo ng Trento, Kontra-Repormasyon at estandardisasyon ng Ritung Romano sa loob ng Simbahang Latin. Kanyang idineklara si Tomas Aquino na isang doktor ng simbahan at nagpatronisa ng prominenteng kompositor ng musikang si Giovanni Pierluigi da Palestrina. Bilang isang kardinal, nakamit ni Ghislieri ang isang reputasyon sa paglalagay ng ortodoksiya bago ang mga personalidad, paglilitis sa walang mga obispong Pranses para sa heresiya. Siya ay sumalungat sa nepotismo na sumuway sa kanyang predesesor na si Papa Pío IV sa mukha nito nang ninais nitong gawin ang isang 13 taong gulang na kasapi ng kanyang pamilya na isang kardinal at pondohan ang kanyang isang pamangking lalake mula sa kayamanan ng kapapahan. Sa mga bagay ng estado, tiniwalag ni Pío V si Elizabeth I ng Inglatera para sa sisma at mga pag-uusig ng mga katolikong Ingles sa kanyang paghahari. Kanya ring isinaayos ang pagkakabuo ng Banal na Liga na isang alyan ng mga estadong Katoliko. Bagaman napanaigan sa bilang, sikat na natalo ng Banal na Liga ang Imperyong Ottoman na nagbantang sakupin ang Europa sa Labanan ng Lepanto.

Papa San Pio V
Nagsimula ang pagka-Papa7 Enero 1566
Nagtapos ang pagka-Papa1 Mayo 1572
HinalinhanPio IV
KahaliliGregorio XIII
Mga orden
Ordinasyon1528
Konsekrasyon14 Setyembre 1556
ni Giovanni Michele Saraceni
Naging Kardinal15 Marso 1557
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakanAntonio Ghislieri
Kapanganakan17 Enero 1504(1504-01-17)
Bosco, Kadukehan ng Savoy
Yumao1 Mayo 1572(1572-05-01) (edad 68)
Roma, Mga Estado ng Papa
Kasantuhan
Kapistahan30 Abril (Pangkalahatang Kalendaryong Romano)
Mayo 5 (1962 calendar)
Beatipikasyon1 Mayo 1672
ni Papa Clemente X
Kanonisasyon22 Mayo 1712
ni Papa Clemente XI
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Pio

Mga sanggunian

baguhin
  1. Durant, Will; Durant, Ariel (1961). Age of Reason Begins Vol.7. Simon & Schuster. pp. 238–239.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.