Papa Pablo III
Si Papa Pablo III (29 Pebrero 1468 – 10 Nobyembre 1549) na ipinanganak na Alessandro Farnese ang Papa ng Simbahang Katoliko Romano mula 1534 hanggang sa kanyang kamatayan noong 1549. Siya ay ay naluklok sa trono ng papa sa panahon kasunod ng pagsalakay sa Roma noong 1527 at laganap na mga hindi katiyakan sa Simbahang Katoliko Romano kasunod ng Repormasyong Protestante. Sa kanyang pagkapapa at sa espirito ng Kontra-Repormasyon, ang bagong mga orden na Katoliko gaya ng mga Hesuita, Theatine, Barnabita at Kongregasyon ng Oratoryo ay nakaakit ng mga tagasunod. Kanyang tinipon ang Konseho ng Trent noong 1545. Siya ay isang mahalagang patron ng mga sinig at nagsanay ng nepotismo upang isulong ang kapangyarihan at mga kayamanan ng kanyang pamilya. Kay Papa Pablo III na inalay ni Nicolas Copernicus ang kanyang akdang De revolutionibus orbium coelestium (Tungkol sa mga Pag-ikot ng Mga Sperong Pangkalawakan).
Paul III | |
---|---|
Nagsimula ang pagka-Papa | 13 October 1534 |
Nagtapos ang pagka-Papa | 10 November 1549 |
Hinalinhan | Clement VII |
Kahalili | Julius III |
Mga orden | |
Ordinasyon | 26 June 1519 |
Konsekrasyon | 2 July 1519 ni Pope Leo X |
Naging Kardinal | 20 September 1493 |
Mga detalyeng personal | |
Pangalan sa kapanganakan | Alessandro Farnese |
Kapanganakan | 29 Pebrero 1468 Canino, Lazio, Papal States |
Yumao | 10 Nobyembre 1549 Rome, Papal State | (edad 81)
Asawa | Silvia Ruffini (mistress) |
Mga anak | Pier Luigi II Farnese Paul Farnese Ranuccio Farnese Constanza Farnese |
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Paul |
Pampapang styles ni Papa Pablo III | |
---|---|
Sangguniang estilo | His Holiness |
Estilo ng pananalita | Your Holiness |
Estilo ng relihiyoso | Holy Father |
Estilo ng pumanaw | None |
Talambuhay
baguhinSi Pablo III ay ipinanganak noong 1468 sa Canino, Latium(na bahagi sa panahong ito ng mga Estado ng Papa). Siya ang pinakamatandang anak ni Pier Luigi I Farnese, Signore di Montalto (1435–1487) at kanyang asawang si Giovanna Caetani na isang kasapi ng pamilyang Caetani na pinagmulan din ni Papa Bonifacio VIII. Ang pamilyang Farnese ay sumagana sa loob ng mga siglo ngunit sa pagluklok sa pagkapapa ni Alessandro o Pablo III at kanyang dedikasyon sa pagpapadami ng mga interes ng kanyang pamilya nang nakakita ng malawak na pagtaas ng kapangyarihan at kayamanan ang kanyang pamilya. Ang kanyang edukasyong humanista ay sa Unibersidad ng Pisa at sa korte ni Lorenzo de' Medici. Sa simula ay sinanay siya bilang isang notaryong apostoliko. Kanyang sinalihan ang Kuriang Romano noong 1491 at noong 1493, siya ay hinirang na Kardinal-Deakono ni Papa Alejandro VI ng Santi Cosma e Damiano. Ang kerida o kabit ni Papa Alejandro VI na si Giulia Farnese ang kanyang kapatid na babae. Siya ay minsang pangungutyang tinatawag na "Borgia bayaw" kung paanong si Giulia ay kinutya na "Asawa ni Kristo" . Sa ilalim ni Papa Clemente VII, siya ay naging Kardinal Obispo ng Ostia at dekano ng Kolehiyo ng mga Kardinal. Sa kamatayan ni Papa Clemente VII noong 1534, siya ay hinalal na Papa Pablo III.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.