Parian, Calamba
Ang Parian ay isang urbanisadong barangay sa Calamba, Laguna, na matatagpuan sa Manila South Road- Calamba National Highway. [1]
Parian | ||
---|---|---|
Barangay Parian, Lungsod ng Calamba | ||
Isang gusali malapit sa AMA Computer College - Calamba Annex | ||
| ||
Mga koordinado: 14°12′54″N 121°8′5″E / 14.21500°N 121.13472°E | ||
Country | Philippines | |
Province | Laguna | |
Region | Calabarzon (Region IV-A) | |
City | Calamba | |
Pamahalaan | ||
• Chairman | Rodnie P. Perez | |
• Councilors |
| |
Lawak | ||
• Lupa | 1.120 km2 (0.432 milya kuwadrado) |
Isa ito sa pinakamatandang barangay sa bayan ng Calamba. Makasaysayan ang nayong ito magmula pa noong panahon ng Kastila. Ang bahagi ng nayon ay pinanahanan ng mga magsasakang Tsino noong mga panahong hindi pa ganap na pueblo ang bayan ng Calamba.[2]
Etimolohiya
baguhinAng pangalang "parian" o "padian" ay kinuha mula sa salita sa lumang wikang Malay na 'puntahan', 'pariyan' o 'padiyan' na nangangahulugan 'pumunta' o 'tumungô".[3]
Noon, ang salitang parian ay nangangahulugan ding 'liwasan' (plaza/town square), isang patag na lugar sa gitna ng bayan na karaniwang malapit sa ilog o dagat. Ito'y lugar ng kalakalan na kalauna'y naging 'tianggi' (pamilihan) na may ilang tindahan. Sa katagalan, tumukoy din ang salitang ito sa mga natatanging lugar kung saan pinatira ang mga Tsino upang ihiwalay sila sa iba pang taong bayan. [3]
Ngunit noong 1581, dahil sa takot ng mga Kastila sa pag-aalsang Tsino kagaya ng ginawang pag-aalsa noon ni Limahong noong 1574, pinatupad ng pamahalang Kastila ang pag-bubukod sa mga Tsino. Dahil dito, iniutos ni Gov. Gonzalo Ronquillo de Peñalosa sa mga Tsino na tumira sila sa timog na bahagi ng baybayin ng ilog Pasig malapit sa Intramuros, kung kaya't ang bukod na distritong tirahan ng mga mamamayan at mangangalakal na Tsinong di Kristiyano ay tinawag na Parian. [3]
Tulad ng Parian ng Intramuros na pinananahanan ng mga Tsino, ang pook ng Parian sa Calamba ay pinanahanan din ng mga Tsino at naging pamilihan din. Ito ang dahilan kung bakit ang pangalan ng nayong ito sa Calamba ay Parian. [2]
Noong unang dumating ang mga Amerikano dito sa Pilipinas, ang lugar ng nayong ito ay dating pamilihan ng baka, baboy, kalabaw at kabayo na ipinagbibili ng mga taga-Sto. Tomas at Tanauan. Dito namimili ng mga nabanggit na mga hayop ang mga taga-Cabuyao, Sta. Rosa, at Biñan.[2]
Ayon sa mga matatandang taga-Parian, noong panahon ng Amerikano ay may tatlong malalaking puno ng mabolo sa bukana ng nayon. Sa mga puno ng mabolo itinatali ang mga hayop na ipinagbibili. Naging palatandaan tuloy ang nayon ng Parian na lugar na may tatlong puno ng mabolo. Ito ang dahilan kung bakit ang tawag din sa lugar na ito ay Mabolo. Ang tatlong puno ng mabolo ay nakatayo noon sa kinatatayuan ng Health Center at Barangay Hall ngayon.
Unti-unting nawala ang pangalan ng Mabolo at nanaig hanggang ngayon ang pangalan na Parian. [2]
Kasaysayan
baguhinPanahon ng Kastila
baguhinNoong mga taon ng 1600, ang bayan ng Calamba ay sitio lamang ng pueblo ng Tabuko na ngayon ay ang Lungsod ng Cabuyao. Noong mga panahong ding ito ipinagtibay ang pamahalaang Kastila na ang mga Tsino sa Parian ng Maynila ay dapat na tumira sa nayong ito na kalaunan ay tatawaging Parian sa Calamba at sa bahagi ng nayon ng San Cristobal upang magtrabaho sa bukid.
Maraming mga Tsino ang nanirahan sa lugar. Masisipag at matitipid ang mga Tsino. Sa maikling panahon, napaunlad nila ang sinasakang tubuhan at palayan. Sila'y masunurin sa mga utos ng pamalahaan. Hindi sila nakakalimot na magbayad ng buwis na ipinapataw sa kanila. Sa utos ng mga Kastila, pinabuti nila ang patubig na nagmumula sa Ilog San Juan sa nayon ng Prinza. Naghukay sila ng daluyan ng tubig upang maabot ang mga bukirin at palay sa silangang bahagi ng Calamba. Itinayo nila ang kauna-unahang trapiche sa kanilang pinananahanan.[2]
Habang umuunlad ang mga Tsino, unti-unting silang inabuso ng mga namamahalang Kastila. Pinataas nang pinataas ng mga Kastila ang buwis sa lupang sinasaka ng mga Tsino hanggang sa hindi na halos mabayaran ng mga Tsino ang napakataas na buwis. Upang lalong pahinain ang damdamin ng mga Tsino, pinalipat pa ang kanilang mga tahanan sa maruruming lugar na malayo sa kanilang bukid na sinasaka. Dahil sa mga pang-aaping ito, gumawa sila ng isang hakbang na paghihiganti laban sa mga Kastila[2]
Noong 1639, nag-aklas ang mga Tsino[4]. Sinunog nila ang kapilya at maraming tahanan sa kabayanan ng Calamba. Pinatay nila ang malupit na alcalde mayor ng lalawigan ng Laguna na si Luis Arias de Mora. Sinilaban nila ang simbahan ng Tabuko.
Nakiramay ang iba pang mga Tsino na naninirahan sa mga bayan ng lalawigan ng Cavite, San Pedro sa Makati, at sa Morong sa lalawigan ng Rizal. Sila ay naghimagsik sa pamamagitan ng kilusang gerilya.
Sa bayan ng Antipolo naganap ang pinakamadugong labanan ng mga Tsino at mga Kastila. Umurong ang mga Tsino sa labanan dahil sa maraming nangamatay sa kanila. Samantalang umuurong sila, sinunog nila ang mga bayan ng Baras, San Mateo, Binangonan, at Pililla sa Rizal. Sinunog din nila ang mga bayan ng Santa Maria, Siniloan, Pangil at Cavinti sa Laguna.
Nagwakas ang aklasan ng mga Tsino na may humigit kumulang 25,000 ang namatay at 7,000 na sugatan. Nagsisuko ang mga natirang Tsino. Dahil sa aklasang ito, sinamsam ng pamahalaang Kastila ang mga lupang sinasaka nila.
Noong dumating ang mga Amerikano, wala na ni isang Tsino na nakatira sa nayon ng Parian. Ang Parian noong panahon ng Amerikano ay naging isang barangay ng Calamba.
Heograpiya
baguhinAng Parian ay nasa pagitan ng dalawang ilog sa Hilaga at Timog Silangan nitong hangganan. Sa Hilaga ay ang ilog San Cristobal na nagsisilbing hangganan ng Parian at Barangay San Cristobal. Sa Hilagang kanluran ng Parian ay ang sapang dumurugtong sa IIog San Cristobal at nagsisilbing hangganang ng Parian at Barangay Paciano Rizal. Sa Timog Silangan naman ay ang ang ilog San Juan na nagsisilbing hangganan ng Parian, Real at ng mga Barangay sa Poblacion (Brgy. 6 (Tibag), Brgy. 4 (Bantayan) at Brgy. 1 (Crossing)). Sa Timog nitong hangganan ay ang Barangay Lawa. Sa Hilagang silangan namang hangganan ng Parian ay ang Barangay Bañadero. [2][5]
Edukasyon
baguhin- Pre-elementarya
- Parian Day Care Center
- Periwinkle Montessori School
- Sunflower Learning Center
- St. Peter Academy of San Pedro Laguna
Pre-Elementarya at Elementarya
baguhin- Parian Elementary School
- Cavalry Baptist Academy
Pre-Elementarya hanggang Sekundarya
baguhin- Jesus is Lord Colleges Foundation Inc.
- St. Peter Academy
Sekundarya, Kolehiyo at Bokasyonal
baguhin- Rizal College of Laguna
- Kolehiyo at Bokasyonal
- AMA Computer College - Calamba Campus
- Calamba Doctors' College
- St. Benilde International School, Inc., SHS and College Department
- St. Augustine School of Nursing.
Mga Establisimiyento
baguhin- Calamba Doctors 'College
- Commercial Building - Parian
- Commercial Building - Parian-Paciano Bridge
- Gawad Kalinga Building
- Lianas Supermarket Parian
- MegaHealth - Parian
- Munda Motorworks Center
- Motorsiklo Honda Motors - Parian
- River View Resort - Parian
- Makatipid ng Higit Pa Store - Parian
- Social Security System (SSS) - Calamba Branch
- Yamaha Calamba - Parian Branch
Populasyon
baguhinTaon | Populasyon |
2014 | 23,551 |
2013 | 22,678 |
2012 | 21,837 |
2011 | 21,028 |
2010 | 20,248 |
2007 | 19,587 |
2000 | 13,601 |
1995 | 10,767 |
1990 | 10,278 |
1980 | 5,491 |
Pagamutan
baguhinAng Calamba Doctors 'Hospital, ay isang pribadong pagamutan na matatagpuan sa hilagang bahagi ng lungsod, malapit sa Check Point-Bridge at panulukan ng National Highway. Mayroon itong isang pribadong paaralan sa tabi ng ospital na tinawag na "Calamba Doctors' College". Ang sapang malapit dito na dumurugtong sa Ilog San Cristobal ang nagsisilbing hilagang hangganan ng Barangay Parian.
Mga Sanggunian
baguhin- ↑ ""Barangay Parian City of Government"". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-07-31. Nakuha noong 2020-05-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 Sa aming Ka-Barangay, sa Silangang Purok ng Calamba - Kasaysayan, Hemograpiya, Demograpiya, Sibika,1989
- ↑ 3.0 3.1 3.2 https://scribblingblues.wordpress.com/2011/02/01/the-parian/
- ↑ https://www.jstor.org/stable/42634529?seq=1
- ↑ https://www.google.com/maps/place/Parian,+Calamba,+Laguna/@14.2113306,121.1458368,15.5z/data=!4m5!3m4!1s0x33bd63cad2d403b5:0x895d68e8b158dc69!8m2!3d14.2146396!4d121.1498205