Partinico
Ang Partinico (Sicilian: Partinicu, Sinaunang Griyego: Parthenikòn, Παρθενικόν) ay isang lungsod at comune (komuna o munisipalidad) sa Kalakhang Lungsod ng Palermo, rehiyon ng Sicilia, Katimugang Italya. Ito ay 30 kilometro (19 mi) mula sa Palermo at 71 kilometro (44 mi) mula sa Trapani.
Partinico | |
---|---|
Comune di Partinico | |
Mga koordinado: 38°02′42″N 13°07′15″E / 38.04500°N 13.12083°EMga koordinado: 38°02′42″N 13°07′15″E / 38.04500°N 13.12083°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Sicilia |
Kalakhang lungsod | Palermo (PA) |
Mga frazione | Parrini |
Pamahalaan | |
• Mayor | Maurizio Agnese (Special commissioner) |
Lawak | |
• Kabuuan | 108.06 km2 (41.72 milya kuwadrado) |
Taas | 175 m (574 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 31,786 |
• Kapal | 290/km2 (760/milya kuwadrado) |
Demonym | Partinicese(i) or Partinicota(i) |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 90047 |
Kodigo sa pagpihit | 091 |
Santong Patron | San Leonardo ng Noblac |
Saint day | Nobyembre 6 |
Websayt | Opisyal na website |
Mga pangunahing tanawin Baguhin
- Simbahan ng San Giuseppe, na naglalaman ng mga mga ika-17 siglong pinta
- Neoklasikong Chiosco della Musica
- Barokong puwente
- Real Cantina Borbonica
Mga kilalang mamamayan at pook Baguhin
Ang ama ng Amerikanong musikero na si Frank Zappa ay ipinanganak sa Partinico. Ang kalye ng Via Zammatà kung saan dating nanirahan ang pamilya Zappa, ay pinalitan ng pangalan sa Via Frank Zappa. Noong 2015, ang anak ni Zappa na si Dweezil ay naglabas ng album na pinamagatang Via Zammata'.[3][4]
Ang punong ministro ng Italya na si Vittorio Emanuele Orlando ay kumatawan sa Partinico sa Parlamento ng Italya mula 1897 hanggang 1925.
Si Danilo Dolci ay isang Italyanong aktibistang panlipunan, sosyologo, tanyag na tagapagturo at makata, at sa loob ng ilang panahon ay naninirahan sa Partinico.
Ang lokal, pinapatakbo ng pamilya, at anti-Mafia na estasyon ng telebisyon na Telejato ay nakabase sa lungsod/bayan.
Tingnan din Baguhin
Galeriya Baguhin
-
Ang Simbahan ng San Joaquin
-
Ang Simbahan ng Anunsiyasyon
Mga sanggunian Baguhin
- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑ Marin, Marc; Zappa, Dweezil (10 March 2016). "Dweezil Zappa interview, WTF with Marc Maron, Episode 688". WTF. Nakuha noong 7 April 2016.
- ↑ Zappa, Dweezil. "Via Zammata'". Tinago mula sa orihinal noong 25 Abril 2019. Nakuha noong 21 November 2017.
Mga panlabas na link Baguhin
- Comune di Partinico (sa Italyano)