Pastilyas

(Idinirekta mula sa Pastillas)

Ang pastilyas, kilala rin bilang Pastillas de Leche o Pastiyema ay uri ng mga hinulmang kendi na karaniwang sinangkapan ng gatas na nagmula sa bayan ng San Miguel sa Bulacan, Pilipinas.[1] Mula sa San Miguel, kumalat ang paggawa ng pastilyas sa mga ibang rehiyon ng Pilipinas tulad ng mga lalawigan ng Cagayan at Masbate.[2]

Pastilyas
Tradisyonal na pastilyas na gawa sa gatas ng kalabaw
UriKendi
LugarPilipinas
Rehiyon o bansaSan Miguel, Bulacan, San Pedro, Laguna
Pangunahing SangkapGatas ng kalabaw o baka

Noong una, gawang-bahay ang pastilyas ng mga magsasakang nagpapalaki ng mga kalabaw. Nang maglaon, lumago ito hanggang nagkaroon ng maliit na industriya, kung saan ang pastilyas ay yari sa gatas ng kalabaw o baka o kapwa. Idinaragdag din ang pinong asukal at katas ng kalamansi sa proseso ng paggawa ng pastilyas.[2]

Sa San Miguel, Bulacan, ginaganap ang isang Kapistahan ng Pastilyas bawat Mayo mula noong 2006. Nauugnay rin ang pabalat, isang uri ng paggugupit ng papel, sa kapistahan, at ginagamit ang balot ng pastilyas dito sa paggawa ng mga detalyadong disenyo.[3]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Lacquian, Eleanor at Irene Sobreviñas (1977). "Pastillas". Filipino Cooking Here & Abroad (Lutuing Pilipino Dito at sa Labas ng Bansa).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "IV. OTHER MILK/MILK BASED PRODUCTS". The Technology of traditional milk products in developing countries. Rome: Food and Agriculture Organization of the United Nations. 1990. ISBN 92-5-102899-0. Nakuha noong 2 Oktubre 2015.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Mapanoo, Sherwin. "The Pastillas Paper Cut Tradition". Artes de las Filipinas. Nakuha noong 2 Oktubre 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)