Paz Márquez-Benítez
Si Paz Marquez-Benitez (Marso 3, 1894 - Nobyembre 10, 1983) ay isang Pilipinang manunulat na lumikha ng unang Pilipinong modernong maikling kwento na nasusulat sa wikang Inggles.[1]
Paz Marquez-Benítez | |
---|---|
Kapanganakan | 3 Marso 1894 |
Kamatayan | 10 Nobyembre 1983 | (edad 89)
Edukasyon | Unibersidad ng Pilipinas |
Trabaho | manunulat |
Asawa | Francisco Benítez |
Magulang | Gregorio Marquez at Maria Jurado |
Unang yugto ng buhay
baguhinIpinanganak si Paz Marquez noong Marso 3, 1894 sa Tayabas, Quezon sa kanyang mga magulang na sina Gregorio Marquez at Maria Jurado.[2][3] Ikinasal siya kay Francisco Benítez at nagkaroon sila ng apat na mga anak.[4]
Edukasyon
baguhinKabilang si Paz Marquez sa unang klase ng mga freshmen sa Unibersidad ng Pilipinas kung saan ay nakapagtapos siya noong 1912 ng Batsilyer sa Sining.[3]
Propesyon
baguhinMula 1916 hanggang 1951 ay nagturo si Paz Marquez-Benitez ng pagsulat ng maikling kwento sa Departamento ng Inggles sa Unibersidad ng Pilipinas at naging mga estudyante niya sina Loreto Paras Sulit, Paz Latorena, Bienvenido Santos, Manuel Arguilla, S.P. Lopez at Francisco Arcellana.[4][3]
Mga nalikha
baguhinNaisulat ni Paz Marquez-Benitez ang “Dead Stars”, ang unang modernong maikling kwento na nilikha ng isang Pilipino gamit ang wikang Inggles.[3] Ito ay nailathala sa Philippine Herald noong Setyembre 20, 1925.[2][4] Bagama't ito ay tungkol sa kwento ng pag-ibig nina Alfredo Salazar, Esperanza at Julia Salas, ito rin ay isang alegorya na pumupuna sa epekto ng imperyalismo ng Amerika sa Pilipinas. [5] Bukod dito ay nalikha din niya ang isa pang maikling kwento na pinamagatang "A Night In The Hills".[4]
Mga nagawa
baguhinItinatag ni Paz Marquez-Benitez ang Woman's Home Journal noong 1919 na unang magasin sa Pilipinas na nauukol sa mga kababaihan.[4]
Kasama sina Clara Aragón, Concepción Aragón, Francisca Tirona Benítez, Carolina Ocampo Palma, Mercedes Rivera, at Socorro Márquez Zaballero, itinatag nila ang Philippine Women's College noong 1919 na naging Philippine Women's University kalaunan.[4]
Ang Philippine Journal of Education ay magkasamang binuo nina Paz Marquez-Benitez at ng kanyang asawa na si Francisco Benitez. Ito ay isang magasin na ukol sa mga pampublikong guro.[2]
Kamatayan
baguhinYumao si Paz Marquez-Benitez noong Nobyembre 10, 1983.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Today in Philippine History, March 3, 1894, Paz Marquez-Benitez was born in Lucena City, Quezon". The Kahimyang Project. Nakuha noong 30 Marso 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 "Paz Marquez-Benitez". CulturEd Philippines. National Commission for Culture and the Arts. Nakuha noong 30 Marso 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 "Paz Marquez-Benitez". Ateneo Library of Women's Writings. Ateneo de Manila University. Nakuha noong 30 Marso 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 4.5 "Paz Marquez-Benitez". Goodreads. Goodreads, Inc. Nakuha noong 30 Marso 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "LOOK: Filipino writer Paz Marquez Benitez is featured as Google Doodle". Rappler. Rappler. Marso 3, 2023. Nakuha noong 30 Marso 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)