Ospital Heneral ng Pilipinas
Ang Ospital Heneral ng Pilipinas (Ingles: Philippine General Hospital), na tinutukoy rin bilang UP–PGH o PGH, ay tersiyaryong opsital na pagmamay-ari ng na pinapangaswaan at pinapatakbo ng Unibersidad ng Pilipinas, Maynila. Naitalaga ito bilang Pambansang Pamantasang Opsital at ang pinakamalaking pasilidad at referral center ng gobyerno. Nakatayo ito sa loob ng 10-ektaryong (25-akre) pook na matatagpuan sa Kampus ng UP Maynila sa Ermita, Maynila. Ang PGH ay may 1,100 kama at 400 pribadong kama, at may tinatantyang 4,000 empleyado upang mapaglinguran ang higit sa 600,000 pasyente bawat taon.[3]
Ospital Heneral ng Pilipinas | |
---|---|
Heograpiya | |
Lokasyon | Ermita, Maynila, Pilipinas |
Mga koordinado | 14°34′41″N 120°59′08″E / 14.57802°N 120.98554°E |
Organisasyon | |
Sistema ng pangangalaga | Pampubliko |
Uri | Pangkalahatan, pampubliko, pang-edukasyon |
Kaakibat na unibersidad | |
Kagawaran ng emerhensya | Oo |
Mga higaan | 1,100 higaan mula sa karidad 400 higaang pribado |
Binuksan | |
Websayt | pgh.gov.ph |
Ang PGH, na pinakamalaking ospital sa pagsasanay sa bansa, ay opsital panlaboratoryo ng mga mag-aaral ng agham pangkalusugan na nakaenrol sa Unibersidad ng Pilipinas. Kabilang dito ang mga mag-aaral ng medisina, pagnanars, terapiyang pisikal, parmasyutika, terapiyang pang-okupasyon, pagdedentista, at patolohiya sa pagsasalita.
Mayroong 15 kagawarang kliniko—Medisinang Pampamilya at Pampamayanan, Anestesyolohiya, Medisinang Internal, Palatistisan, Neurosiyensya, Pediyatriko, Otorinolaringolohiya-Palatistisan ng Ulo & Leeg, Optalmolohiya, Ortopedya, Medisinang Pangrehabilitasyon, Saykayatri, Radyolohiya, Patolohiya, Dagliang Paggamot at Obstetrisya & Hinekolohiya—pawang nag-aalok ng pagsasanay panresidente at pampagsasama. Nag-aalok din ito ng iba't ibang pagsasanay para sa mga paramdeikong espesyalidad tulad ng pagnanars, terapiyang pisikal, terapiyang pang-okupasyon, patolohiya sa pagsasalita, teknolohiya sa radyasyon, nutrisyon, pagdedentista sa ospital, teknolohiyang medikal at pagsasanay sa EMT.
Kasayasayan
baguhinNoong 1907, nagpasa ang Komisyong Pilipino ng Akto Blg. 1688 na naglaan ng kabuuan ng halos P780,000.00 para sa pagtatayo ng Ospital Heneral ng Pilipinas sa Maynila.[2][1] Inilagak ang batong-panulukan ng ospital noong Pebrero 28, 1908. Nabuksa ang pag-aalok para sa pagtatayo ng mga gusali noong Enero 27 at ipinagkaloob ang kontrata sa pinakamababang bidder, H. Thurber ng Manila Construction Company. Nakumpleto ang mga gawaing istruktura para sa sentrong gusaling pampangasiwaan, isang pabilyong pampaninistis na may dalawang silid ng operasyon, isang gusali para sa dispensaryo at labas-klinika, limang pabilyong silid na may tig-aanimnapung kama, isang bahay-nars, isang kusina, isang kuwadrang pang-ambulansya at morge noong Nobyembre 30, 1909. Noong 1910, binuksan ang Ospital Heneral ng Pilipinas sa publiko noong Setyembre 1 na may tatlong daan at tatlumpung kama at kalaunan ay kinonekta sa Paaralang Medikal ng Piilipinas. Nanatiling bukas ang PGH noong Ika-2 Digmaang Pandaigdig, kung kailan punung-pano ang kanyang silid ng mga biktima ng labanan. Kapwang pinagamot nito ang mga Pilipino at Hapones na sundalo at Amerikanong bilanggo, kahit noong paubos na ang suplay ng ospital.
Noong 1981, inatasan ni Unang Ginang Imelda R. Marcos si Ariktektong J. Ramos upang maisagawa ang punong balak ng proyektong pagkukumpuni ng PGH.[4] Ipinagdiwang ng PGH ang kanyang sentenaryo noong 2007, isang daang taon mula noong nagpasa ng batas na nagtatag nito.[4]
Noong pandemya ng coronavirus ng 2020 sa Pilipinas, napili ang PGH bilang isa sa tatlong COVID-19 Referral Center para sa bansa. Naglaan ang ospital ng 130 kama para sa mga pasyente ng COVID-19, habang naglilingkod sa mga taong may ibang sakit.[5] Opisyal na tumanggap ang PGH ng mga referral ng COVID-19 mula sa mga ibang ospital simula noong Marso 30, 2020. [6]
Arkitektura
baguhinAng Gusaling Pampangasiwaan ng Ospital Heneral ng Pilipinas ay nasa kahabaan ng Abenida Taft sa Maynila. Itinayo ito ni arkitektong Tomas Mapua sa istilong neoklasiko na sumunod sa plano ni Daniel Burnham para sa Maynila. Kasama sa plano ang Manila Hotel, Army and Navy Club at ang Ospital Heneral ng Pilipinas. Isinagawa ang mga ito ng kanyang kahalili, Parsons na isang tagaplano ng lungsod sa Pilipinas noong unang yugto ng Kolonisasyong Amerikano sa bansa. Ang kanyang mga gawa ay malilinaw na pagsasalin ng Neoklasisismo sa bagong mestiso ng arkitekturang kolonyal at tropikal.[7]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "Act No. 1688, (1907-08-17)" [Batas Blg. 1688, (1907-08-17)]. Lawyerly (sa wikang Ingles). Agosto 17, 1907. Nakuha noong Abril 18, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 United States Congressional Serial Set (sa wikang Ingles). U.S. Government Printing Office. 1909. p. 484. Nakuha noong Abril 18, 2020.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Quodala, Schatzi. "Did you know: Philippine General Hospital" [Alam niyo ba: Ospital Heneral ng Pilipinas] (sa wikang Ingles). Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Abril 9, 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 "HISTORY". Philippine General Hospital. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Marso 2015. Nakuha noong 9 Abril 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 24 March 2015[Date mismatch] sa Wayback Machine. - ↑ Magsambol, Bonz (Marso 23, 2020). "PGH accepts DOH's request to be coronavirus referral hospital". Rappler. Nakuha noong Marso 28, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Llaneta, Celeste Ann Castillo. "UP-PGH begins operating as COVID-19 referral center".
- ↑ Fernandez, John Joseph. "Methods and Strategies in theRehabilitation of the Luneta Hotel" (PDF). College of Architecture, UST. Nakuha noong 2015-04-09.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)