Pierre F. Patricio

Si Pierre Farum Patricio (*Pebrero 20, 1960 sa Dumalag, Capiz, Pilipinas) ay isang artista ng sining sa Pilipinas. Ang kanyang pagiging malikhain sa pagguhit, pagpinta at eskultura ay nakapag-ani ng pagkilala sa kultura at sining ng Pilipinas sa ibang bansa.


Karera

baguhin

Ang kadalasang tema ng kanyang mga likha ay nakasentro sa kultura ng Pilipinas at Kanlurang Bisayas pati na rin ang pagprotekta sa kalikasan at pagtaguyod ng kapayapaan sa Pilipinas. Kilala siya bilang tagapangkatawan ng Pilipinas sa United Buddy Bears World Exhibition na pinamumunuhan ng kompanyang Buddy Bear GmbH sa Berlin, Alemanya kasama ang kooperasyon ng UNICEF para sa mga mapagkawang gawain sa mga nangangailangang bansa sa Ikatlong Mundo. Ang kanyang malawak na karanasan sa pagexhibit sa Pilipinas at iba't-ibang panig ng daigdig kagaya ng Gresya, Alemanya, Italya, Belhika, Irlanda, Sweden, Latvia, Singapore, Timog Korea atbp. ay nagbigay daan sa kanyang paglago bilang isang moderno at kontemporaryong artista ng sining.

Edukasyon

baguhin

Nakapagtapos siya ng kanyang Batsilyer sa Agham ng Transportasyong Pangkaragatan sa Iloilo Maritime Academy (Kasalukuyang Pangalan: John B. Lacson Foundation Maritime University-Arevalo) sa Lungsod ng Iloilo at nakapag-aral ng figurative drawing sa Hellenic American Union sa Atenas.

baguhin