Pinabacdao

bayan ng Pilipinas sa lalawigan ng Samar
(Idinirekta mula sa Pinabacdao, Samar)

Pinabacdao, opisyal na kilala bilang Municipality of Pinabacdao, ay isang ika class bayan sa lalawigan ng Samar, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, mayroon itong populasyon na 18,136 katao.

Pinabacdao
Municipality of Pinabacdao
Loob ng Simbahang Paroykal ng Ina ng Pitong Hapis
Loob ng Simbahang Paroykal ng Ina ng Pitong Hapis
Opisyal na sagisag ng Pinabacdao
Sagisag
Palayaw: 
"The Home of Mayaw-Mayaw Festival"
Bansag: 
"Small Town, Big Dreams"
Mapa ng Samar na nagpapakita ng Pinabacdao
Mapa ng Samar na nagpapakita ng Pinabacdao
Map
Pinabacdao is located in Pilipinas
Pinabacdao
Pinabacdao
Kinaroroonan sa Pilipinas
Mga koordinado: 11°37′N 124°59′E / 11.62°N 124.98°E / 11.62; 124.98
Bansa Pilipinas
RehiyonSilangang Kabisayaan (Rehiyong VIII)
LalawiganSamar
DistritoIkalawang Distrito ng Samar
Unang itinatag1749
Naging bayanHulyo 16, 1946
Mga barangay24
Pamahalaan
[1]
 • UriSangguniang Bayan
 • mayor of Pinabacdao[*]Teodorico A. Mabag
 • Pangalawang alkaldeRodrigo T. Eguia
 • KinatawanSharee Ann T. Tan
 • Manghahalal13,536 botante (2022)
Lawak
[2]
 • Kabuuan183.06 km2 (70.68 milya kuwadrado)
Populasyon
 (senso ng 2020)
 • Kabuuan18,136
 • Kapal99/km2 (260/milya kuwadrado)
Ekonomiya
 • Klase ng kitaika-4 na klase ng kita ng bayan
 • Kalaganapan ng kahirapan45.5% (2015)[3]
 • Kita (₱)₱121,250,668.49 (2020)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigong postal
6707
PSGC
IDD:area code+63 (0)55
Uri ng klimaTropikal na kagubatang klima
Mga wikang pampookWikang Waray
wikang Tagalog

Ito ay nasa gitnang bahagi ng timog-kanlurang baybay-dagat ng pulo ng Samar at dinaraanan ng Pan-Philippine Highway. Hinahangganan ito ng bayan ng Calbiga sa hilaga, lungsod ng Borongan sa silangan na kabisera ng lalawigan ng Silangang Samar, bayan ng Villareal at Look ng Villareal sa kanluran, at mga bayan ng Santa Rita at Basey sa timog.

Itinuturing ito na sentro ng produksiyon ng bigas sa lalawigan ng Samar. Ito ay tahanan din ng pista ng Mayaw-Mayaw, isang pistang etniko at sayawan na taunang idinaraos tuwing Mayo 10.[4] Nakamit ng Pista ng Mayaw-Mayaw ang ikalawang runner-up sa paligsahan ng sayaw ng kapistahan, at nanguna ito sa paligsahan ng disenyo ng float sa Pistang Aliwan ng 2015 na ginanap sa mga lungsod ng Maynila at Pasay noong Abril 23–25.[5]

Kasaysayan

baguhin

Unang itinatag ang Pinabacdao noong 1749, ngunit naging baryo ng Calbiga noong 1902. Naging isang ganap na bayan ito noong ika-16 ng Hulyo, taong 1946 sa bisa ng Kautusang Ehekutibo Blg. 2, seryeng 1946, na nilagdaan ni dating Pangulong Manuel A. Roxas noong ika-8 ng Hulyo sa taong iyon.[6]

Ini-uri ang klima ng Pinabacdao bilang tropiko. May maraming pag-ulan ang bayan, kahit sa pinakatuyong buwan nito. Itinalaga ang Pinabacdao sa pag-uuring Köppen and Geiger bilang Af. Ang karaniwang taunang temperatura ay 27.1 °C. Ang katamtamang dami ng pag-ulan taun-taon ay 2739 milimetro.[7]

Mga barangay

baguhin

Nahahati ang Pinabacdao sa 24 na mga barangay.

Para sa mga layuning administratibo at estadistika, nakapangkat sa dalawang mga distrito ang mga barangay - ang mga upland barangay at mga pilot barangay. Ang Upland district ay binubuo ng mga barangay na nasa malalayong lugar at karamihan ay nasa silangang bahagi ng bayan. Ang mga barangay na nasa kahabaan ng Pan-Philippine Highway/Daang Maharlika ay bumubo sa Pilot district na karamihan ay nasa mga baybaying-dagat at kapatagang pook sa kanlurang bahagi ng bayan. Walang anumang uri ng lokal na pamahalaan ang mga distritong ito.

Barangay[A] Distrito Populasyon ±% p.a. Pag-uuri PSGC[8]
(2015)[9] (2010)
Bangon Pilot 7.8% 1,425 1,243 2.64% Rural 086013001
Barangay 1, Poblacion Pilot 3.5% 641 656 −0.44% Urbano 086013002
Barangay 2, Poblacion Pilot 4.9% 895 766 3.01% Rural 086013003
Botoc Pilot 4.1% 750 697 1.41% Rural 086013004
Bugho Upland 1.4% 254 237 1.33% Rural 086013005
Calampong Pilot 3.1% 572 512 2.13% Rural 086013006
Canlobo Upland 2.1% 392 276 6.91% Rural 086013007
Catigawan Upland 0.7% 135 134 0.14% Rural 086013008
Dolores (Kasang-an) Pilot 4.1% 742 670 1.96% Rural 086013010
Lale Pilot 5.2% 945 820 2.74% Rural 086013011
Lawaan Upland 1.8% 327 305 1.33% Rural 086013012
Laygayon Pilot 5.4% 994 816 2.64% Rural 086013013
Layo Upland 1.4% 260 219 3.32% Rural 086013014
Loctob Upland 1.4% 262 213 4.02% Rural 086013015
Madalunot (Antol) Pilot 5.0% 914 730 4.37% Rural 086013016
Magdawat Upland 2.5% 459 468 −0.37% Rural 086013017
Mambog Pilot 7.7% 1,412 1,368 0.60% Rural 086013018
Manaing Upland 1.7% 312 233 5.72% Rural 086013019
Nabong Pilot 7.2% 1,323 1,084 3.87% Rural 086013026
Obayan Pilot 6.8% 1,234 1,105 2.12% Rural 086013020
Pahug Pilot 5.0% 921 830 2.00% Rural 086013021
Parasanon Pilot 10.4% 1,902 1,736 1.75% Rural 086013022
Pelaon Upland 4.5% 829 754 1.82% Rural 086013023
San Isidro Pilot 1.9% 352 336 0.89% Rural 086013025
Kabuoan 18,252 16,208 2.29%
  1. ^ Ang ibang mga pangalan na kilala sa pook ay nakapahilis.

Calampong

baguhin
 
Barangay Calampong noong 2008.

Ang Calampong ay isa sa dalawang mga baybaying-dagat na barangay ng Pinabacdao. Hinahangganan ito ng Calbiga, sa hilaga at kanluran at Look ng Maqueda sa kanluran at timog. Karamihan sa mga mamamayan nito ay kumukuha ng kabuhayan sa pangingisda at pagsasaka.

Demograpiko

baguhin
Senso ng populasyon ng
Pinabacdao
TaonPop.±% p.a.
1903 2,142—    
1948 5,214+2.00%
1960 7,472+3.04%
1970 9,723+2.67%
1975 8,373−2.95%
1980 9,389+2.32%
1990 10,361+0.99%
1995 11,590+2.12%
2000 13,167+2.77%
2007 14,492+1.33%
2010 16,208+4.16%
2015 18,252+2.29%
2020 18,136−0.13%
Sanggunian: PSA[9][10][11][12]


Mga Paaralan

baguhin

Mababang Paaralan

  • Mababang Paaralan ng Bangon
  • Mababang Paaralan ng Botoc
  • Mababang Paaralan ng Calampong
  • Mababang Paaralan ng Lale
  • Mababang Paaralan ng Laygayon
  • Mababang Paaralan ng Madalunot
  • Mababang Paaralan ng Mambog
  • Mababang Paaralan ng Nabong
  • Mababang Paaralan ng Obayan
  • Mababang Paaralan ng Pahug
  • Mababang Paaralan ng Parasanon
  • Mababang Paaralan Sentral ng Pinabacdao

Mataas na Paaralan

  • Paaralang Agrikultural ng Quintin Quijano, Sr. (dating Mataas na Paaralang Agrikultural ng West Coast)
  • Mataas na Paaralang Pambansa ng Pinabacdao-Punong Paaralan
  • Mataas na Paaralang Pambansa ng Pinabacdao-Paaralang Parasanon

Sentro ng Pagsasanay/Kolehiyo/Pamantasan

  • Pinabacdao One-Stop Training Center
  • Pamantasan ng Silangang Pilipinas-Kolehiyo ng Pinabacdao

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Province: Samar (Western Samar)". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA releases the 2015 Municipal and City Level Poverty Estimates". Quezon City, Philippines. Nakuha noong 12 Oktubre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Eastern Visayas Festivals and Events". Visit My Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Agosto 2016. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Aliwan Fiesta 2015". Aliwan Fiesta. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Agosto 2016. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Executive Order No. 2, s. 1946". Official Gazette of the Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Hunyo 2023. Nakuha noong 10 Enero 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Pinabacdao Climate". Climate-Data Org. Nakuha noong 5 Hunyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "PSGC Active Statistics". Philippine Statistics Authority. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Marso 2016. Nakuha noong 30 Hunyo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 9.0 9.1 Census of Population (2015). "Region VIII (Eastern Visayas)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Census of Population and Housing (2010). "Region VIII (Eastern Visayas)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Censuses of Population (1903–2007). "Region VIII (Eastern Visayas)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  11. "Province of Samar (Western Samar)". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Kawing Panlabas

baguhin