Papa Pio XII

(Idinirekta mula sa Pius XII)

Si Papa Pio XII (Ingles: Pope Pius XII; Latin: Pius Duodecimus o Pius PP. XII; Italyano: Pio XII) na ipinanganak na Eugenio Maria Giuseppe Giovanni Pacelli (2 Marso 1876 – 9 Oktubre 1958) ay isang Italyanong pari ng Simbahang Katoliko Romano at naging ika-261 Papa at soberanya ng Batikano, na nanungkulan mula 2 Marso 1939 hanggang sa kanyang kamatayan noong 1958.[1]

Kapita-pitagang Pio XII
Nagsimula ang pagka-Papa2 Marso 1939
Nagtapos ang pagka-Papa9 Oktubre 1958
HinalinhanPio XI
KahaliliJuan XXIII
Mga orden
Ordinasyon2 Abril 1899
Konsekrasyon13 Mayo 1917
ni Papa Benedicto XV
Naging Kardinal16 Disyembre 1929
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakanEugenio Maria Giuseppe Giovanni Pacelli
Kapanganakan2 Marso 1876(1876-03-02)
Roma, Kaharian ng Italya
Yumao9 Oktobre 1958(1958-10-09) (edad 82)
Castel Gandolfo, Italya
MottoOpus Justitiae Pax
("Ang gawain ng katarungan [ay magiging ang] kapayapaan" [Is. 32: 17])
Lagda{{{signature_alt}}}
Eskudo de armas{{{coat_of_arms_alt}}}
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Pio

Bago ang kanyang pagkahalal bilang papa, si Pacelli ay nagsilbing kalihim ng Kagawaran ng Ekstraordinaryong Eklesiyastikal na mga Bagay, nunsiyo ng papa sa Alemanya (1917–1929) at Kardinal na Kalihim ng Estado na sa kapasidad na ito ay gumawa sa pagtatapos ng mga kasunduan sa mga bansang Europeo at Latinong Amerikano na ang pinakakilala ang Reichskonkordat sa Alemanyang Nazi. Ang concordat ng 1933 kung saan ay hinangad ng Batikano ang proteksiyon ng Simbahan sa Alemanya at paghahangad ni Hitler na wasakin ang Katolisismong pampolitika at pagkapinuno ni Pio XII noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig kabilang ang kanyang "desisyon na manataling tahimik sa publiko tungkol sa kapalaran ng mga Hudyo" [2] ay nananatiling paksa ng kontrobersiya.

Pagkatapos ng digmaan, itinaguyod ni Pio XII ang kapayapaan at pakikipagkasunduan kabilang ang mga maluluwag na patakaran tungo sa mga bansang Aksis at Aksis-satelayt. Ang Simbahang Romano Katoliko ay nakaranas ng malalang pag-uusig at pagpapatapon na pang-masa ng klerong Romano Katoliko sa Silanganing Bloke. Sa hayagang pakikisangkot ni Pio XII sa politika ng Italya, ang sinumang bumoto para sa isang kandidatong Komunista noong 1948 ay binantaan ng automatikong pagtitiwalag mula sa Simbahang Katoliko Romano. Hayagang hinimok ni Pio XII ang ex cathedra inpalibilidad ng papa sa dogma ng pag-akyat ni Maria sa langit noong 1950 sa kanyang konstitusyong apostoliko Munificentissimus Deus.[3] Ang kanyang magisterium ay kinabibilangan ng halos 1,000 mga pagtugon at mga paghahayag sa radyo. Ang knayang apatnapu't isang ensiklikal ay kinabibilangan ng Mystici Corporis, ang Simbahan ng Katawan ni Kristo; Mediator Dei sa repormang liturhiya; at Humani generis tungkol sa mga posisyon ng Simbahang Romano Katoliko tungkol sa teolohiya at ebolusyon. Kaniyang tinanggal ang mayoridad na Italyano sa Kolehiyo ng mga Kardinal noong 1946.

Maagang bahagi ng buhay

baguhin

Ipinanganak si Pacelli sa Roma, Italya. Nag-aral siya sa Seminaryo ng Capranica at sa Pontipikong Pamantasang Gregoriano. Noong 1895, nagkamit siya ng degri sa Teolohiya.[4]

Bilang pari

baguhin

Naordinahan si Pacelli bilang isang pari noong 2 Abril 1899. Noong 1904, naitaas siya ng ranggo upang maging isang Monsinyor. Nagtrabaho siya sa Opisina ng Kongresasyon ng Ekstraordinaryong Eklesyastikal na mga Asunto (Office of the Congregation of Extraordinary Ecclesiastical Affairs).[4]

Bilang obispo

baguhin

Noong 1917, itinalaga siya ni Papa Benedicto XV bilang arsobispo at nuncio para sa Bavaria, Alemanya.[4]

Bilang kardinal

baguhin

Iniangat ni Papa Pio XI ang ranggo ni Pacelli upang maging Kardinal noong Disyembre 1929.[5]

Noong Pebrero 1930, si Kardinal Pacelli ay naging Sekretaryo ng Estado ng Batikano.[5]

Bilang papa

baguhin

Nahalal si Kardinal Pacelli bilang Papa noong 2 Marso 1939,[4] na araw ng kaniyang ika-63 kaarawan. Pinili niya ang pangalang Pio XII. Nagsulat si Pio XII ng apatnapu't isang opisyal na mga liham ng pagkapapa (mga ensiklikal). Nagpangalan si Pio XII ng apatnapu't dalawang mga bagong kardinal.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "List of Popes," Catholic Encyclopedia (2009); nakuha noong 2011-11-02.
  2. Introduction, Gerard Noel, Pius XII,The Hound of Hitler-, and "brief phases of reassurance about the role of the Pope were followed by waves of critical literature[-] and counteracted the process of exoneration that had been underway for some years. The focus of recent analyses by John Cornwell via Michael Phayer, Susan Zucotti, Daniel J. Goldhagen, and Giovanni Miccoli, as well as works by authors Matteo Napolitano and Andrea Torniello, is once again about the Pope's silence about the murder of Jews in Europe -the papal archives could provide information about Vatican diplomacy between 1933 and 1945; however, the Vatican remains the only European state that withholds free access to its archives from contemporary historians. The archives of these years are crucial if many questions about the Holocaust and the Second World War are to be answered and if the many uncertainties concerning Nazi refugee assistance by the Vatican are to be removed." (Gerald Steinacher: Nazis on the Run, p. 105)
  3. Encyclopedia of Catholicism nina Frank K. Flinn, J. Gordon Melton; ISBN 0-8160-5455-X, p. 267
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 "Pope Pius XII"[patay na link], Embryo Project Naka-arkibo 2011-10-05 sa Wayback Machine. (2010); nakuha noong 2011-11-02.
  5. 5.0 5.1 "Cardinal Pacelli Papal Secretary," New York Times. 11 Pebrero 1930; nakuha noong 2011-11-9.

Mga kawing na panlabas

baguhin

  May kaugnay na midya ang Pius XII sa Wikimedia Commons

 
Wikiquote
Ang Wikiquote ay mayroong isang kalipunan ng mga sipi na may kaugnayan kay:
Sinundan:
Pius XI
Pope
1939–1958
Susunod:
John XXIII