Arahan
Ang arahan o Plicofollis tonggol (Ingles: roughback sea catfish)[1] ay isang uri ng mga kanduling pandagat.[2][3] Mahalaga ito sa hanap-buhay at kalakalan ng pangingisda. Bilang pagkain ng tao, pinatutuyo ang mga ito sa pamamagitan ng pagbibilad at paglalagay ng asin.
Arahan | |
---|---|
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | |
Pamilya: | |
Sari: | |
Espesye: | P. tonggol
|
Pangalang binomial | |
Plicofollis tonggol Bleeker, (1846) |
Pagkakapangkat-pangkat
baguhinKabilang ang Plicofollis tonggol (Bleeker, 1846) sa pamilyang Ariidae), orden ng mga Siluriformes, klaseng Actinopterygii.[3]
Katangian
baguhinUmaabot ang laki nito hanggang sa 40 sentimetro. Namumuhay ang mga ito sa tubig-alat na nasa mga tropikal na bahagi ng mundo. Kumakain sila ng mga imbertebrado. Mayroong itong matutulis na mga palikpik sa likod at dibdib, nakakatusok kung hahawakan.[3]
Katatagpuan
baguhinNamumuhay ang mga ito sa mga katubigang pandalampasigan ng Pakistan, Malaysia, Pilipinas at Indonesia.[3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Plicofollis tonggol." Fishbase.sinica.edu[patay na link]
- ↑ English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles (Tagalog-English Dictionary), Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
- ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 ""Plicofollis tonggol." Fishbase.sinica.edu.tw". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-05-26. Nakuha noong 2008-02-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.