Plinky Recto
Si Plinky Recto (buong pangalan: Marie Roxanne G. Recto) ay isang artistang Pilipino, TV host at isa rin siyang dalubhasa sa Pilates. Apo siya ng dakilang bayaning Pilipino na si Claro M. Recto at kapatid siya ng senador na si Ralph Recto, asawa ng tanyag na artistang si Vilma Santos.
Talambuhay
baguhinMula noong bata pa si Plinky Recto, nag-aral siya ng iba't ibang sayaw tulad ng ballet at sayaw na jazz. Ito ay dahil sa hangad niyang makahanap ng paraan ng pag-eehersisyo na ankop sa kanya. Natigil ang pag-aaral niya ng sayaw ng pumasok siya sa kolehiyo noong siya ay labing-walong taong gulang.
Matapos ang pag-aaral ay nag-umpisa si Plinky Recto sa telebisyon noong dekada 70 at nag-host siya ng mga programang pantelebisyon tulad ng tanyag na pangtanghaling programang Eat Bulaga. Di kalaunan ay gumanap rin siya sa pelikula tulad ng mga komedyang Walang matigas na pulis sa matinik na misis kasama sina Bong Revilla Jr., Lani Mercado at Jimmy Santos, Abrakadabra na tinampukan ng batikang komedyanteng si Dolphy at ang maaksyong Hanggang sa huling bala kasama si Lito Lapid, dating gobernador ng Pampanga at ngayo'y kagawad ng Senado.
Pero hindi nalimutan ni Plinky Recto ang ninanais niyang paraang pag-eehersisyo. Kaya noong nagpunta siya sa Estados Unidos, dinala si Plinky ng kanyang tiyahin sa isang Pilates studio sa Beverly Hills. Naglakbay siya sa New York, California at New Mexico para mapag-aralan ng mabuti ang Pilates hanggang sa maging dalubhasa siya rito.
Nagbalik si Plinky Recto sa Pilipinas na kung saan nagturo siya ng Pilates sa mga maybahay, manlalaro at mga may kapansanan...lalo na yung mga may sakit na osteoporosis. Siya ay kinikilala ngayon ng iba't ibang kapisanan ng pangkalusugan sa Estados Unidos bilang isang tunay na Pilates instructor.[1]
Mga Ginanapang Palabas
baguhinTelebisyon
baguhin- Eat Bulaga (1986)
Pelikula
baguhin- Hanggang sa huling bala (1995)
- Abrakadabra (1995)
- Walang matigas na pulis sa matinik na misis (1994)
Video
baguhin- Plinky Recto: Pilates To Go (2002)
Mga Pahinang Pagsangguni
baguhinMga Pahinang Pag-uugnay
baguhin- PlinkyRecto.com
- PlinkyRecto.net Naka-arkibo 2009-07-25 sa Wayback Machine.
- PlinkyRecto.org[patay na link]
- PilatesPhilippines.com Naka-arkibo 2009-08-21 sa Wayback Machine.
- Plinky Recto sa IMDb
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.