Tipo ng titik

(Idinirekta mula sa Ponte)

Sa tipograpiya, ang ponte, tipo ng titik, o tipo ng letra (Ingles: font, fount) ay ang laki, hugis, at estilo ng titik sa paglilimbag. Ito ang lahat ng mga titik o mga karakter ng isang iisang sukat ng isang pamilya ng tipo ng titik (typeface).[1] Halimbawa, ang lahat ng mga karakter para sa 9 puntos o 9 na tuldok ng Bulmer ay isang ponte, at ang 10 puntos ay isa ring ibang ponte. Dahil sa pagtaas ng paggamit ng mga personal na kompyuter o pansariling kompyuter, nabago ang kahulugan nito. Kadalasan na ngayon itong ginagamit bilang ibang pangalan para sa isang tipong-mukha. Ang sukat ng mga karakter ay walang epekto sa mga ponte kapag ginagamit sa ganitong kahulugan.

 
Regular at makapal na bersyon ng tatlong pinakakaraniwan na mga tipo ng titik. Mayroon ang Helvetica ng ganap na disenyong monoline at lahat ng mga guhit ay nadagdagan ng bigat tulad ng Optima at Utopia na mas lumaki ang bigat ng makapal na mga guhit at di gaanong makapal ang manipis na guhit. Sa lahat ng tatlong disenyo, naging manipis ang kurba sa 'n' habang sumasama ito sa patayong kaliwang-kamay.

Maraming mga pangalan ang ginagamit upang ilarawan ang bigat ng tipo ng titik na nagkakaiba sa sipo ng mga foundry at mga nagdisenyo, ngunit ang kanilang kaugnay na ayos ay karaniwang nakapirmi, na parang ganito:

Mga pangalan Halang numeriko[2]
Thin / Hairline 100
Ultra-light / Extra-light 200
Light 300
Book / Semilight
Normal / regular / plain 400
Medium 500
Semi-bold / Demi-bold 600
Bold 700
Extra-bold / extra 800
Heavy / Black 900
Extra-black
Ultra-black / ultra


Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Typography terms and definitions". Monotype. Nakuha noong 3 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "font-weight". Mozilla Developer Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2017-07-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)