Sa agham, ang pormula ay isang maiksi ngunit epektibong paraan ng pagpapahayag ng impormasyon sa pamamagitan ng mga simbolo tulad ng matematikal o kimikal na pormula. Ang impormal na gamit ng terminong pormula sa agham ay tumutukoy sa pangkalahatang yari sa relasyon sa pagitan ng mga ibinigay na bilang.

Isang globo
Isobutane
Sa kaliwa ay isang globo, na ang bolyum ay binagay sa pormulang pang-matematika na V = 4/3 π r3. Sa kanan ay ang kompuwestong isobutane, na may pormulang pang-kimika na (CH3)3CH.

Sa matematika, ang pormula ay isang bagay na binubuo ng mga simbolo at patakaran sa pagbuo ng isang binigay na lohikal na wika. Halimbawa, ang pag-alam ng kabuuan ng isang globo ay nangangailangan ng makabuluhang dami ng integral na kalkulo o analogong heometrikal, ang paraan ng pagkaubos; ngunit, sa paggawa nang isang beses sa tuntunin ng kung anong parametro (halimbawa ang radius), may naggawang pormula ang mga matematiko upang mailarawan ang kabuuang sakop na ito: Ang partikular na pormula na ito ay:

V = 4/3 π r 3

Sa pagkamit ng resultang ito, at pag-alam ng radius ng kahit anong globo, mabilis at madali nating malalaman ang kabuuang sakop nito. Bigyang pansin na ang kabuuang sakop V at ang radius r ay ipinapahayag bilang isang titik sa halip na mga salita o parirala. Ang kumbensyon ito, kahit na mas kaunti ang kabuluhan sa mga di gaanong payak na pormula, ay nangangahulugang mas mabilis na mamamanipula ng mga matematiko ang mga mas malaki at mas komplikadong pormula. Ang mga matematikal na pormula ay kadalasang naka-alhebra, pormang nakasara, at/o kaya ay naka-analitiko.

Tingnan din

baguhin

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika at Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.