Potsdamer Platz
Ang Potsdamer Platz Aleman: [ˈpɔtsdamɐ plats] ( pakinggan), Plaza Potsdam) ay isang pampublikong plaza at interseksiyon ng trapiko sa sentro ng Berlin, A,emanya, na matatagpuan mga 1 kilometro (1,100 yd) sa timog ng Tarangkahang Brandeburgo at ng Reichstag (Gusali ng Parlamentong Aleman), at malapit sa timog-silangan na sulok ng liwasang Tiergarten. Pinangalanan ito sa lungsod ng Potsdam, mga 25 kilometro (16 mi) sa timog kanluran, at minarkahan ang punto kung saan dumaan ang lumang kalsada mula sa Potsdam sa pader ng lungsod ng Berlin sa Tarangkahang Potsdam. Matapos umunlad sa loob ng mahigit isang siglo mula sa isang interseksiyon ng mga rural na daanan tungo sa pinakamataong traffic na interseksiyon sa Europa,[1] ito ay ganap na nawasak noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at pagkatapos ay naiwan na tiwangwang noong panahon ng Digmaang Malamig nang hatiin ng Pader ng Berlin ang dating kinalalagyan nito. Mula noong muling pagsasama-sama ng Aleman, ang Potsdamer Platz ay naging lugar ng mga pangunahing proyekto sa muling pagpapaunlad.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Weitz, Eric D. Weimar Germany, 2007, Princeton University Press, ISBN 0-691-01695-X, page 43