Produktong petrolyo

Ang mga produktong petrolyo ay mga nagagamit na materyales na hinango mula sa krudong langis (petrolyo) habang pinoprosesa sa mga pabrika ng langis o mga dalisayan ng langis (pinuhan o alisan ng dumi).

Pabrika ng mga petrokemikal sa Grangemouth, Eskosya.

Ayos sa kayarian ng mga langis na krudo at sa pangangailangan, maaaring lumiha ng iba't ibang mga bahagi ng mga petrolyong produkto ang mga pabrika ng langis. Pinakamalaki sa mga bahagi ng mga produktong langis ang ginagamit bilang tagapagdala ng enerhiya: ilang grado ng mga langgis na panggatong at gasolina. Nakagagawa rin ng iba pang mga kemikal ang mga pabrika ng langis, na ginagamit ang ilan sa prosesong kemikal para makalikha naman ng mga plastik at iba mga gamiting mga materyales. Dahil karaniwang naglalaman ang petrolyo ng mga dalawang bahagan ng sulpura, malaking bilang ng sulpura ang nalilikha rin bilang produktong petrolyo. Maaari ring makagawa ng mga produktong petrolyong idroheno at karbon na nasa anyo ng petrolyong koka (petroleum coke). Karaniwang ginagamit ang idrohenong nalilikha bilang panggitnang produkto para sa ibang mga prosesong pampabrika ng langis katulad ng pagpapaputok ng mga katalaistang pang-idroheno (hydrogen catalytic cracking o hyrdrocracking at hidrodesulpurisasyon (hydrodesulfurization).

Mga pangunahing produkto ng mga pabrika ng langis

baguhin

Mga natatanging panghuling produkto

baguhin

Paghahaluin ng mga dalisayan o pagawaan ng langis ang sari-saring mga sangkap at iba pang mga pandagdag na kemikal, maglalaan ng ibang hindi pangmatagalang pagtatabi, at maghahanda ng maramihang karga sa mga trak, barko, at sasakyang pangriles o tren. Naririto ang ilan sa mga panghuling produktong nagagawa:

  • Mga sumisingaw na hanging panggatong katulad ng propanyo (propaneo o propane, gas na panluto o panggatong na binubuo ng tatlong atomo ng karbon o C at walong atomo ng idroheno[1]), na nakaimbak at inilalakbay sa anyong likido sa ilalim ng presyon habang nasa loob ng mga natatanging mga mga sasakyang pangriles patungo sa mga tagapagkalat ng produkto.
  • Pinaghalong mga likidong panggatong (na nakalilikha ng mga panggatong na pangsasakyan, tulad ng pangeroplano at pangkotse: gasolina, kerosina, panggatong na pangturbina, mga panggatong na diesel, mga pandagdag o aditibong tulad ng mga gamit sa antiknock, mga oxygenate, at mga kompuwestong panlaban sa pagkakaroon ng mga halamang singaw kung kailangan). Inilalakbay ang mga ito sa pamamagitan ng mga barko at riles. Maaaring ilakbay lamang sa mga nakatakdang pook o rehiyong nakalaan para sa mga linya ng tubo (nakatakdang mga daanan) patungo sa mga natatanging manggagamit, partikular na ang mga panggatong na langis na pang-abyasyon sa pangunahing paliparan, ngunit mayroon ding mga tubong nagdadala na ginagamit ng maraming linya ng mga tubo na nagbubukud-bukod sa huli ng sari-saring mga produkto patungo sa mga partikular na mga tagagamit.
  • Mga pampadulas o lubrikante (na nakalilikha ng mga magagaang na mga langis na pangmakina, langis na pangmotor, at grasa, na dinaragdag ng pampatatag ng kalagkitan o kalaputan kung kinakailangan), na karaniwang inilalakbay ng maramihan patungo sa isang plantang malayo sa pinagmulang pabrika para balutin.
  • Pagkit (parapina o paraffin, pagkit na ginagawang kandila[1]), na ginagamit sa pagbabalot ng mga pagkaing ilado o pinatigas sa lamig (inilagay at inimbak sa palamigan), at iba pa. Maaaring ilakbay ang mga ito ng maramihan patungo sa isang plantang nagbabalot ng mga bloke ng pagkain.
  • Sulpura (o asidong sulpuriko), mga panghuling produktong nalilikha dahil sa pagkakaalis ng sulpura mula sa petrolyo na maaaring naglalaman ng dalawang bahagdang sulpura bilang mga kompuwestong organiko may sulpura. Gamitin ang mga sulpur at asidong sulpuriko bilang mga materyales na pangindustriya. Karaniwang inihahanda ang asidong sulpuriko at inilalakbay bilang mga paunang asidong (asidong prekursor) oleum.
  • Bulto ng tar na inihahatid sa mga pagawaang nagbabalot nito para magamit sa mga bubong o mga katulad.
  • Aspalto, na ginagamit bilang pansanib na pandikit ng mga kaskaho o mga batong panambak o pansemento (mga banday-banda[1]) para makagawa ng sementong aspalto, na ginagamit sa paglikha ng mga kalsada, bakuran, at iba pa. Inilalakbay ito ng bultuhan o maramihan sa isang pagawaan.
  • Kokang petrolyo, na ginagamit sa mga natatanging produktong karbon katulad ng mga partikular na uri ng mga dagindas (mga electrode), o solidong panggatong.
  • Mga petrokemikal, na karaniwang pinadadala sa mga planta para sa mga ganitong uri ng sangkap na daraan pa sa karagdagang pagpoprosesong may iba't ibang kaparaanan. Maaaring mga olepina (o olefin) o mga paunang anyo ng mga ito, o kaya iba-ibang mga mababango o aromatikong mga petrokemikal.
Maraming iba't ibang mga malawakang gamit ang mga petrokemikal. Karaniwan na bilang mga monomero o monomer o mga sangkap para makalikha ng mga monomero. Kalimitang ginagamit bilang mga monomero ang mga olepinang tulad ng alpang olepina (mga alpha-olefin) at mga diene, bagaman maaaring ring gamitin bilang mga prekursor (mga unang anyo ng sangkap) ang mga aromatiko. Pagkaraan, dumaraan naman sa iba't ibang paraan ng polimerisasyon ang mga monomero para maging mga polimero. Nagagamit ang mga polimero bilang mga plastiko, mga elastomero, o hibla (mga pibra), o kaya maaaring bilang mga panggitna o intermedyaryong anyo ng ganitong uri ng mga materyales. May ilang mga polimerong ginagamit din bilang mga helatina o lubrikante. Maaari ring gamitin ang mga petrokemila bilang mga solbent o mga sangkap na makalilikha ng mga solbent. Maaari rin naman bilang mga prekursor para sa mas malawak na sari ng mga kemikal at sustansiyang katulad ng mga pluidong pangsasakyan, surpaktante para sa mga panlinis, at iba pa.

Tingnan din

baguhin
  • Lanolina - isang likas na pamalit ang lanolina sa mga nakalalasong pangwisik na mga petrokemikal at mga pantanggal ng mga grasa.

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Gaboy, Luciano L. Propane, paraffin, gravel - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.