Ptolomeo VIII Physcon
Si Ptolomeo VIII Euergetes II Tryphon(Griyego: Πτολεμαῖος Εὐεργέτης Τρύφων, Ptolemaĩos Euergétēs Tryphon "Ptolemy Ang Benepaktor, ang marangya"; c. 184 BCE – 28 Hunyo 116 BC), pinalayawan na Physcon (Φύσκων "Mataba") ay isang paraon ng Kahariang Ptolemaiko. Siya ang nakababatang anak nina Ptolomeo V Epiphanes at Cleopatra I ng Syra. Ang kanyang paghahari ay inilalarawan sa matinding alitang politikal at militar sa kanyang nakakatandang kapatid na lalakeng si Ptolomeo VI Philometor at kanyang kapatid na babaeng si Cleopatra II.
Ptolomeo VIII Physcon | |
---|---|
Ptolemy VIII Euergetes II | |
Paraon ng Kahariang Ptolemaiko | |
Paghahari | c. 169–164 BCE kasama ni Ptolomeo VI at Cleopatra II c. 144–132/1 BC with Cleopatra II and Cleopatra III c. 126–116 BC with Cleopatra II and Cleopatra III (Ptolemaic) |
Hinalinhan | Ptolomeo VI Cleopatra II |
Kahalili | Ptolomeo IX at Cleopatra III |
Konsorte | Cleopatra II ng Ehipto Cleopatra III ng Ehipto |
Anak | By Cleopatra II: Ptolemy Memphites By Cleopatra III: Ptolemy IX Lathyros Ptolemy X Alexander I Cleopatra IV Tryphaena Cleopatra Selene I By Eirene(?): Ptolemy Apion |
Ama | Ptolemy V Epiphanes |
Ina | Cleopatra I Syra |
Ipinanganak | c. 184 BCE |
Namatay | 28 Hunyo 116 BCE (edad 68) |
Si Ptolomeo VIII ay orihinal na kapwa pinuno ng kanyang mga kapatid hanggang sa Ikaanim na Digmaang Syrio. Sa digmaang ito, si Ptolomeo VI ay nabihag at si Ptolomeo VIII ang naging tanging hari ng Ehipto. Nang matapos ang digmaan, si Ptolomeo VI ay muling naluklok sa trono noong 168 BCE at ang magkapatid ay patuloy na nakipag-alitan. Noong 164 BCE, pinatalsik ni Ptolomeo VIII ang kanyang kapatid na lalake at naging ang tanging hari ng Kahariang Ptolemaiko. Gayunpaman, siya ay napatalsik na hari noong 163 BCE. Dahil sa panghihimasok ng mga Romano, ibinigay kay Ptolomeo VIII ang kontrol ng Cyrenaica. Mula dito, kanyang pauliulit na sinubukang sakupin ang Cyprus na ipinangako rin sa kanya ng mga Romano mula sa kanyang kapatid na lalake.
Nang mamatay si Ptolomeo VI noong 145 BCE, si Ptolomeo ay bumalik sa Ehipto at naghari kasama ng kanyang kapatid na babae. Ang kanyang malupit na pagtrato sa mga sumasalungat sa kanya at kanyang desisyon na pakasalan ang kanyang pamangkin na babae na si Cleopatra III at paglalagay dito bilang kapwa pinuno ay humantong sa digmaang sibil mula 132 hanggang 126 BCE kung saan kinontrol ni Cleopatra II ang Alehandriya at nagkaroon ng suporta ng populasyong Griyego sa bansa samantalang napunta kina Ptolomeo VIII at Cleopatra III ang kontrol ng karamihan ng Ehipto na sinuportahan ng mga Ehipsiyo. Sa digmaan, ang mga katutubong Ehipto ay iniluklok sa matatas na posisyon ng gobyernong Ptolemaiko sa unang pagkakataon. Si Ptolomeo VIII ay nagtagumpay at nagharing kasama ni Cleopatra II at Cleopatra III hanggang sa kanyang kamatayan noong 116 BCE.