Amoy sa katawan

(Idinirekta mula sa Putok (amoy))

Ang amoy sa katawan ay mayroon sa lahat ng mga hayop, kabilang ang mga tao, at ang kasidhian nito ay naiimpluwensiya ng maraming sanhi (tulad ng mga nakasanayang pag-uugali at mga istratehiya para maligtas ang sariling buhay). Mayroon isang malakas na henetikong batayan ang amoy sa katawan, ngunit maari din itong maimpluwensiyahan ng iba't ibang sakit at kondisyong pampisiyolohiya. Bagaman may mahalagang ginampanan ang amoy sa katawan (at patuloy na mayroon pa rin sa maraming anyo ng buhay), pangkalahatang tinuturing ito bilang isang masangsang na amoy sa maraming kalinangang ng tao. Partikular na tinatawag na anghit ang mabahong amoy sa kili-kili.[1] Ang katagang baktol[2] o putok[3] ay mga salitang balbal na tumutukoy din sa masamang amoy sa kili-kili.

Sa tao, ang pag-buo ng amoy sa katawan ay sanhi ng maraming kadahilanan tulad ng diyeta, kasarian, kalusugan at medikasyon, ngunit ang pangunahing kontribusyon ay mula sa mga aktibidad ng mga bakterya sa sekresyon ng mga glandula ng balat.[4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Almario, Virgilio S. Diksyunaryong Adarna. Adarna House Inc. ISBN 9789715085236. OCLC 933524727.
  2. "Urban Dictionary: Baktol". Urban Dictionary (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-08-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Urban Dictionary: putok". Urban Dictionary (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-08-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Lundström, Johan N.; Olsson, Mats J. (2010). "Functional Neuronal Processing of Human Body Odors". Pheromones (sa wikang Ingles). Academic Press. p. 4. ISBN 978-0-12-381516-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)