An-Nahl

(Idinirekta mula sa Quran 16)

Ang mga Bubuyog[1] (Arabe: الْنَّحْل;[2] an-nahl) ay ang ika-16 na kabanata (sūrah) ng Qur'an, na may 128 talata (āyāt). Ipinangalan ito sa mga bubuyog na nabanggit sa talata 68, at naglalaman ng isang paghahambing ng industriya at kakayahang umangkop ng mga bubuyog sa industriya ng tao.[3][4] Tungkol sa pagkakataon at kontekstuwal na impormasyon ng pinaniwalaang pahayag (asbāb al-nuzūl), isa itong naunang "Makkan na surah", na ibig sabihin ay pinaniwalaang hinayag sa Mecca imbis na sa Medina nang naglaon.

Sura 16 ng Quran
النحل
An-Naḥl
Ang mga Bubuyog
KlasipikasyonMakkan
PosisyonJuzʼ 14
Hizb blg.27 hanggang 28
Blg. ng Ruku16
Blg. ng talata128
Blg. ng Sajdah1 (talata 50)

Nagbabala ang surah na ito laban sa politeismo, na sinasabing hindi makakalikha ang mga paganong diyos,[5] at laban sa paghahambing sa pagitan ng Diyos at sa kahit anumang nilalang.[6] Pinupuri nito ang Diyos sa pagbibigay ng Daigdig kasama ang lahat ng kayamanan nito sa sangkatauhan. Sang-ayon sa surah na ito, patunay ang lahat ng kahanga-hangang likas na mundo, tulad ng mga dagat, bituin, bulubundukin ng walang hanggang kapangyarihan ng Diyos.[7]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Quran Tagalog Filipino in PDF Isinalin sa Wikang Tagalog nina Dr. Aboulkhair S. Tarason Ustadh Badi Udzaman S. Saliao at Muhammad M. Rodrigues Sinuri ni Dr. Muhammad Nadheer Ebil. Abril 2010.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Ibn Kathir. "Tafsir Ibn Kathir (English): Surah Al Nahl". Quran 4 U (sa wikang Ingles). Tafsir. Nakuha noong 9 Marso 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. islamicity.com — Honey Bee (sa Ingles)
  4. Ünal, Ali, author. The Qurʼan with annotated interpretation in modern English (sa wikang Ingles). p. 539. ISBN 978-1-59784-000-2. OCLC 1002857525. {{cite book}}: |last= has generic name (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  5. Q16:20, islamawakened.com (sa Ingles)
  6. Q16:74, islamawakened.com (sa Ingles)
  7. Q16:14, islamawakened.com (sa Ingles)