Si Sir Ranulph Twisleton-Wykeham-Fiennes, Ika-3 Baronet, OBE (ipinangak noong 7 Marso 1944), na mas nakikilala bilang Ranulph (Ran) Fiennes, ay isang Britanikong adbenturero at manggagalugad at tagapaghawak ng ilang mga rekord ng katibayan at katatagan sa mga gawain. Isa rin siyang manunulat na prolipiko. Naglingkod si Fiennes sa Hukbo ng Britanya sa loob ng walong mga taon, kabilang na ang isang panahon na nasa serbisyo ng pagkontra sa mga panghihimagsik habang nakakabit sa hukbo ng Kasultanan ng Oman. Pagkalipas ay nagsagawa siya ng maraming mga ekspedisyon. Siya ang unang tao na nakarating sa mga Pole ng Hilaga at ng Silangan sa pamamagitan ng landas na nasa ibabaw ng daigdig. Siya rin ang unang nakabuo ng pagtawid sa Antarktika na ginagamit lamang ang mga paa. Noong Mayo 2009, sa gulang na 65, inakyat niya ang tuktok ng Bundok ng Everest. Ayon sa Guinness Book of World Records, siya ang pinakadakilang nabubuhay na eksplorador sa mundo. Nakapagsulat si Fiennes ng maraming mga aklat hinggil sa kaniyang pagseserbisyo sa militar at sa kaniyang mga ekspedisyon, pati na isang aklat na nagtatanggol kay Robert Falcon Scott mula sa mga rebisyonista ng modernong kapanahunan.

Si Ginoong Ranulph Fiennes.


TalambuhayUnited Kingdom Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at United Kingdom ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.