Kamakailang pinagmulang Aprikano

Sa paleoantropolohiya, ang kamakailang pinagmulang Aprikano ang nananaig na tinatanggap ng mga siyentipiko na modelo ng pinagmulang heograpiko at migrasyon mula sa Silangang Aprika ng mga homo sapiens o anatomikong modernong mga tao.[1] Ang teoriyang ito ay tinatawag na modelong (Recent) Out-of-Africa sa press at recent single-origin hypothesis (RSOH), Replacement Hypothesis, and Recent African Origin (RAO) sa akademya. Ang hipotesis na ang mga tao ay may isang pinagmulang(monohenesis) ay inilimbag ni Charles Darwin sa Charles Darwin's Descent of Man, and Selection in Relation to Sex (1871). Ang konseptong ito ay spekulatibo hanggang mga 1980 nang ito ay ayunan at suportahan ng isang pag-aaral ng kasalukuyang panahong DNA na mitokondriyal na hinaluan ng ebidensiya batay sa antropolohiyang pisikal ng mga sinaunang specimen. Ang ebidensiyang fossil at henetiko ay nagpapakita na ang ninuno ng homo sapiens na pinaniniwalaang ang Homo heidelbergensis ay nag-ebolb tungo sa mga homo sapiens sa Silangang Aprika sa pagitan ng 200,000 at 150,000 taon ang nakalilipas,[2] at ang mga kasapi ng isang sangay ng Homo sapiens ay lumisan sa Aprika sa pagitan ng 125,000 at 60,000 taon ang nakalilipas at sa paglipas ng panahon, ang mga taong ito ay pumalit sa sinaunang mga populasyon ng tao gaya ng mga Neanderthal at Homo erectus.[3] Ang petsa ng pinakamaagang matagumpay na migrasyon mula sa Aprika(mga pinakaunang mga migrante na may mga nabubuhay na inapo) ay pangkalahatang inilagay sa 60,000 taon ang nakalilipas gaya ng iminumungkhai ng henetika bagaman ang mga pagtatangka sa migrasyon mula sa kontinente ay maaaring nangyari mga 125,000 taon ang nakalilipas ayon sa natuklasan ng arkeolohiya sa Arabia.[4]

Isang modelong migrasyon ng tao batay sa mitochondrial DNA

Ang kamakailang isang pinagmulan ng mga modernong tao sa Silangang Aprika ang nananaig na posisyon sa pamayanang siyentipiko.[5][6][7][8][9]

Ang ebidensiyang fossil at henetika ay nagpapakita na ang mga sinaunang homo sapiens ay nagebolb tungo sa mga modernong tao sa Aprika sa pagitan ng 200,000 at 150,000 taong nakakalipas[2] . Ang mga kasapi ng isang sangay ng homo sapiens ay lumisan mula sa Aprika sa pagitan ng 125,000 at 60,000 taong nakakalipas at sa paglipas ng panahon ay pumalit sa mas naunang mga populasyon ng Neanderthal at Homo erectus.[3] Ang petsa ng pinakamaagang matagumpay na paglisan mula sa Aprika ay noong mga 60,000 taong nakakalipas.

Henetikong rekonstruksiyon

baguhin

Ang dalawang mga piraso ng genome ng tao ay magagamit sa pagtukoy ng kasaysayan ng mga modernong tao: Ang mitochondrial DNA at Y chromosome Ang lahat ng mga taong nabubuhay ngayon ay nagmana ng parehong Mitochondria[10] mula sa isang babaeng tao na nabuhay sa Aprika noong mga 160,000 taong nakakalipas[11][12] na pinangalanang Mitochondrial Eve(walang kaugnayan sa Eba ng bibliya). Ang lahat ng mga nabubuhay na lalake ngayon ay nagmana ng mga Y chromosome mula sa lalakeng nabuhay noong 140,000 taong nakakalipas sa Aprika na pinangalanang Y-chromosomal Adam(wala ring kaugnayan sa Adan ng bibliya).

Mitochondrial na DNA

baguhin

Ang unang linya na sumangay mula sa Mitochondrial Eve ang haplogroup na L0. Ang haplogroup na ito ay matatagpuan sa mga taong San at Sandawe ng Silangang Aprikan gayundin sa Mbuti.[13][14] Ang mga pangkat na ito ay sumanga sa simula ng kasaysayan ng mga modernog tao at nanatiling relatibong hiwalay ng henetikal mula nito. Ang inapo ng L1-6 ang mga haplogroup na L1, L2 at L3 at nakarestrikto sa Aprika. Ang mga makro haplogroup na M at N na mga linya ng iba pang populasyon ng daigdig sa labas ng Aprika ay nagmula sa L3.

DNA na kromosomang Y

baguhin

Ang mga mutasyon na naglalarawan ng makro haplogroup na CT (lahat ng mga haplogroup na Y maliban sa A at B) ay nauna sa paglisan mula sa Aprika. Ang inapong makro grupo nito ang DE na nakarestrikto sa Aprika. Ang mga mutasyon na nagtatangi ng haplogroup na C from sa ibang mga inapo ng CR ay nangyari noong mga 60,000 taong nakakalipas sa sandaling pagkatapos ng unang paglisan mula sa Aprika. Ang Haplogroup F ay nagmula noong mga 45,000 taong nakakalipas sa Hilagang Aprika o sa Timog Asya. Ang higit sa 90% ng lalake ngayong hindi katutubo sa Aprika ay direktang nagmula sa linyang lalake ng unang tagadala ng haplogroup F.

Pagsusuri ng genome

baguhin

Sa isang pag-aaral ng 53 populasyon mula sa data ng analysis ng malawakang genome na SNP at International HapMap Project (Phase II) at CEPH ay nagmumungkahi ang ang mga grupong populasyon ay nahuhulog lamang sa tatlong mga pangkat henetiko: Mga Aprikano, Eurasyano(na kinabibilangan ng mga katutubo ng Europa, Gitnang Silangan at Timog kanlurang Asya) at mga Silangang Asya(na kinabibilangan ng mga katutubo ng Asya, Hapon, Timog Silangang Asya, Amerika at Oceania)[15][15][16] Natukoy ng pag-aaral na ang karamihan ng mga pagkakaiba sa pangkat etniko ay maituturo sa genetic drift. Ang mga modernong populasyon ng Aprika ang may pinakamalaking pagkakaiba sa henetiko at ang mga modernong Eurasyano ay medyo higit kesa mga modernong Silangang Asyano.[16] Ang pag-aaral ay nagmumungkahing ang likas na pagpili ay maaaring humugis ng genome ng tao ng mas mabagal kesa sa nakaraang paniniwala at ang mga paktor gaya ng migrasyon sa loob at sa mga kontinente ay mas mabigat na nakaimpluwensiya sa distribusyon ng mga pagkakaibang henetiko.[17]

Pag-aalisan mula sa Aprika

baguhin
 
Pagtawid sa Pulang Dagat

Ang ilang mga siyentipiko ay naniniwala na ang tanging kaunting mga tao ang lumisan sa Aprika sa isang migrasyon na pumuno sa ibang mga lugar ng daigdig. Ito ay batay sa katotohanang ang tanging mga inapo ng haplogrop na L3 ang tanging matatagpuan sa labas ng kontinenteng Aprika. Tinatayang mula sa isang populasyon ng 2,000 hanggang 5,000 mga indibidwal sa Aprika, ang tanging isang maliit na pangkat na posibleng 150 hanggang 1,000 mga tao ay tumawid sa Pulang Dagat mula sa Ethiopia. Sa lahat ng mga linyang umiiral sa Aprika, ang tanging ang mga babaeng inapo ng isang linya na mtDNA haplogroup L3 ang matatagpuan sa labas ng Aprika. Ang mga babaeng inapo ng L3 na mga linyang haplogroup na M at N ay matatagpuan ng napakababang mga prekwensiya sa Aprika at lumilitaw na mga kamakailang pagdating. Ang isang posibleng paliwanag ay ang mga mutasyong ito ay nangyari sa Silangang Aprika sa sandaling bago ang paglisan mula sa Silangang Aprika at sa epektong tagapagtatag ay naging nananaig na mga haplogroup. Sa alternatibo, ang mga mutasyon ay maaaring lumitaw sa sandaling pagkatapos ng paglisan mula sa Aprika. Ang ibang mga siyentipiko ay nagmungkahi ng modelo ng dalawang mga paglisan mula sa Aprika. Ang modelong ito ay nagpapaliwanag kung bakit ang Haplogroup N ang nanaig sa Europa at kung bakit ang Haplogroup M ay hindi umiiral sa Europa. Sa alternatibo, ang isang maliit na tagapagtatag na populasyong Europeo na sa simula ay naghayag ng parehong mga Haplogroup M at N ay maaaring nawalan ng Haplogroup M sa pamamagitan ng random genetic drift na nagresulta mula sa isang bottleneck.

Kasunod na paglawak

baguhin
 
Mapa ng mga maagang migrasyon ng tao[18]
1. Homo sapiens
2. Neandertal
3. Mga maagang Hominid

Mula sa Malapit na Silangan, ang mga populasyong ito ay kumalat sa silangan tungo sa Timog Asya noong mga 50,000 taong nakakalipas at sa Australiya noong 40,000 taong nakakalipas. Ang Europa ay naabot ng Cro-Magnon noong mga 40,000 taong nakakalipas. Ang Silangang Asya(Korea, Hapon) ay naabot noong mga 30,000 taong nakakalipas. Ang Hilagang Amerika ay naabot noong mga 30,000 taong nakakalipas o kalaunan noong 14,000 taong nakakalipas. Ang pangkat na tumawid sa Pulang Dagat ay naglakbay sa kahabaan ng rutang baybayin sa baybayin ng Arabya at Persia hanggang maabot ang India na lumilitaw na unang pangunahing puntong tirahan. Ang haplogroup M ay matatagpuan ng mataas sa mga katimugang rehiyong baybayin ng Pakistan at India at may pinakamalaking pagkakaiba sa India na nagpapakita na ang mutasyon ay nangyari dito. Ang 60 porsiyento ng populasyon ng India ay kabilang sa haplogroup M. Ang mga katutubo ng islang Andamanese ay kabilang rin sa M. Ang mga Andamese ay pinaniniwalaang mga supling ng ilang pinakamaagang tumira sa Asya dahil sa mahabang isolasyon nito mula sa pangunahing lupain ng Asya. Ang mga ito ang ebidensiya ng rutang pangbaybayin. Dahil ang mga Andamanese at New Guinean ay may maitim na balat at may teksturang Aprikano ng buhok, ang mga siyentipiko ay naniniwala na ang lahat ng mga ito ay bahagi ng ilang mga lumisan mula sa Ethiopia at tumawid sa Pulang Dagat noong mga 60,000 taong nakakalipas. Mula sa Arabya tungo sa India, ang proporsiyon ng haplogroup M ay tumaas ng pasilangan. Sa silangang India, ang M ay mas madami sa N sa rasyo ng 3 sa 1. Ang M ay nananaig sa Timog Silangang Asya ngunit sa mga katutubong Australyano, ang N ay muling lumitaw bilang ang mas karaniwang linya. Ang mga hindi tuloy tuloy na distribusyon ng Haplogroup n mula sa Europa hanggang Australiya ay maipapaliwanag ng mga epektong tagapagtatag at mga bottleneck ng mga populasyon.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. McBride B, Haviland WE, Prins HEL, Walrath D (2009). The Essence of Anthropology. Belmont, CA: Wadsworth Publishing. p. 90. ISBN 978-0-495-59981-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  2. 2.0 2.1 Reid GBR, Hetherington R (2010). The climate connection: climate change and modern human evolution. Cambridge, UK: Cambridge University Press. p. 64. ISBN 0-521-14723-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Meredith M (2011). Born in Africa: The Quest for the Origins of Human Life. New York: PublicAffairs. ISBN 1-58648-663-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  4. Armitage SJ, Jasim SA, Marks AE, Parker AG, Usik VI, Uerpmann HP (2011). "The southern route "out of Africa": evidence for an early expansion of modern humans into Arabia". Science. 331 (6016): 453–6. Bibcode:2011Sci...331..453A. doi:10.1126/science.1199113. PMID 21273486. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  5. Liu H, Prugnolle F, Manica A, Balloux F (2006). "A geographically explicit genetic model of worldwide human-settlement history". Am. J. Hum. Genet. 79 (2): 230–7. doi:10.1086/505436. PMC 1559480. PMID 16826514. Currently available genetic and archaeological evidence is generally interpreted as supportive of a recent single origin of modern humans in East Africa. However, this is where the near consensus on human settlement history ends, and considerable uncertainty clouds any more detailed aspect of human colonization history. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  6. "This week in Science: Out of Africa Revisited". Science. 308: 921. 2005-05-13. doi:10.1126/science.308.5724.921g. {{cite journal}}: Unknown parameter |isssue= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Stringer C (2003). "Human evolution: Out of Ethiopia". Nature. 423 (6941): 692–3, 695. doi:10.1038/423692a. PMID 12802315. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Johanson D. "Origins of Modern Humans: Multiregional or Out of Africa?". ActionBioscience. American Institute of Biological Sciences. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-11-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Modern Humans – Single Origin (Out of Africa) vs Multiregional".
  10. Jones, Marie; John Savino (2007). Supervolcano: The Catastrophic Event That Changed the Course of Human History (Could Yellowstone be Next?). Franklin Lakes, NJ: New Page Books. ISBN 1-56414-953-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  11. Cann RL, Stoneking M, Wilson AC (1987). "Mitochondrial DNA and human evolution". Nature. 325 (6099): 31–6. Bibcode:1987Natur.325...31C. doi:10.1038/325031a0. PMID 3025745. {{cite journal}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  12. Vigilant L, Stoneking M, Harpending H, Hawkes K, Wilson AC (1991). "African populations and the evolution of human mitochondrial DNA". Science. 253 (5027): 1503–7. Bibcode:1991Sci...253.1503V. doi:10.1126/science.1840702. PMID 1840702. {{cite journal}}: Invalid |ref=harv (tulong); Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  13. Gonder MK, Mortensen HM, Reed FA, de Sousa A, Tishkoff SA (2007). "Whole-mtDNA genome sequence analysis of ancient African lineages". Mol. Biol. Evol. 24 (3): 757–68. doi:10.1093/molbev/msl209. PMID 17194802. {{cite journal}}: Invalid |ref=harv (tulong); Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  14. Chen YS, Olckers A, Schurr TG, Kogelnik AM, Huoponen K, Wallace DC (2000). "mtDNA variation in the South African Kung and Khwe-and their genetic relationships to other African populations". Am. J. Hum. Genet. 66 (4): 1362–83. doi:10.1086/302848. PMC 1288201. PMID 10739760. {{cite journal}}: Invalid |ref=harv (tulong); Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  15. 15.0 15.1 Coop G, Pickrell JK, Novembre J, Kudaravalli S, Li J, Absher D, Myers RM, Cavalli-Sforza LL, Feldman MW, Pritchard JK (2009). Schierup, Mikkel H. (pat.). "The role of geography in human adaptation". PLoS Genet. 5 (6): e1000500. doi:10.1371/journal.pgen.1000500. PMC 2685456. PMID 19503611. {{cite journal}}: Invalid |ref=harv (tulong); Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  16. 16.0 16.1 Brown, David (Hunyo 22, 2009). "Among Many Peoples, Little Genomic Variety". The Washington Post. Nakuha noong 2009-06-25.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Geography And History Shape Genetic Differences In Humans". Science Daily. Hunyo 7, 2009. Nakuha noong 2009-06-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Literature: Göran Burenhult: Die ersten Menschen, Weltbild Verlag, 2000. ISBN 3-8289-0741-5