Republikang Katalan (2017)

hindi kinikilalang bansa sa Europa
(Idinirekta mula sa Republika ng Katalunya (2017))

Ang Republika ng Katalunya (Katalan: República Catalana) ay isang sandaling malayang estado sa tangway ng Iberia. Nagpahayag ng kasarinlan ang Parliyamento ng Katalunya mula sa Espanya sa gitna ng isang krisis sa saligang batas sa isyu ng reperendum para sa kasarinlan ng Katalunya, taong 2017. Hanggang nakuha muli ng mga kinauukulan ng Espanya ang pagkontrol sa teritoryo ng Katalunya nang mayroong kaunting paglaban.

Republika ng Katalunya
República Catalana (Catalan)
Republica Catalana (Oksitan)
República Catalana (Kastila)
Watawat ng Katalunya
Watawat
Awiting Pambansa: Els Segadors (Catalan)
"Ang mga Manggagapas"
Ang kinaroroonan ng Republika ng Katalunya sa Europa.
Ang kinaroroonan ng Republika ng Katalunya sa Europa.
KatayuanUnrecognized/disputed
KabiseraBarcelona
Pinakamalaking lungsodcapital
Wikang opisyalKatalan
Kastila
Oksitan
Pangkat-etniko
Mga Katalan, Mga Oksitan, Mga Kastila
Relihiyon
Predominantly Christianity[1]
KatawaganKatalan
PamahalaanPansamantalang republika
Carles Puigdemont
Kasaysayan
Oktubre 1, 2017
• Inihayag ang kasarinlan at paghiwalay mula sa Espanya
Oktubre 27, 2017
• Pakikialam ng Pamahalaan ng Espanya
Oktubre 28, 2017
• Naibalik ang kontrol sa Espanya
Oktubre 30, 2017
Lawak
• 
32,108 km2 (12,397 mi kuw)
Populasyon
• Senso ng 2016
7.523 milyon
• Densidad
234/km2 (606.1/mi kuw)
SalapiEuro (€)a (EUR)
Sona ng orasUTC+2 (Oras sa Tag-araw ng Gitnang Europa)
Gilid ng pagmamanehokanan
Kodigong pantelepono+34 93 (Barcelona lamang)
+34 97 (buong Katalunya)
  1. Used unilaterally; the Catalan Republic is not a formal member of the eurozone.

Nang inihayag ng Parliyamento ng Katalunya ang kasarinlan mula sa Espanya, pinagtibay ng Senado ng Espanya ang Artikulo 155 ng 1978 Saligang Batas ng Espanya, kung saan magpapahintulot sa pamahalaan ng Espanya na magpataw ng tuwirang pamumuno sa Katalunya. Matapos ang ilang sandali, binuwag ng Punong Ministro ng Espanya na si Mariano Rajoy ang Parliyamento ng Katalunya, pati ang Ehekutibong Lupon ng Katalunya, at nagpatawag ng dagliang rehiyonal na halalan na gaganapin sa ika-21 ng Disyembre, 2017. Bilang tugon, si Carles Puigdemont, ang Pangulo ng Katalunya, inihayag na tanging mga parliyamento lamang ang maaaring makapaghalal o magalis ng mga pamahalaan sa isang demokratikong lipunan at nanawagan sa mga Katalan na "demokratikong tutulan" ang pagpataw ng Artikulo 155, ngunit hindi niya nilinaw kung anong magiging tugon niya sa mga utos ng pamahalaan ng Espanya.

Sa araw ng pagpapahayag nito ng kasarinlan, wala ni isang bansa ang kumikilala sa republika, sa halip, kinikilala ito bilang bahagi pa rin ng Kaharian ng Espanya.

Mga kawing panlabas

baguhin
  1. https://web.archive.org/web/20170926184822/http://governacio.gencat.cat/web/.content/afers_religiosos/documents/Mapa_2014/Barometre2014_resultats.pdf